Pinagbuksan ko ang kung sinong kumakatok sa pintuan. Nakita ko si Ate na nakangiti sa akin. Bakas ang saya sa kanyang mukha at medyo basa pa ang kanyang katawan. Merong nakatabing na twalya sa kanya kaya naman natatakpan ng bahaya ang kanyang katawan. Ilang beses namin siyang pinaalalahanan dahil baka mapano siya at ang baby ngunit tinatawanan niya lang kami. Approved naman daw ng doctor ito kaya okay lang. “Gabby, masama parin ba pakiramdam mo? Samahan mo naman kami doon magswimming. Nagkakasiyahan na kami doon. Si Engineer nga mag-isa lang doon, kawawa tuloy.” Kumalabog ang dibdib ko pagkasabi niya niyon. Bigla nanamang bumalik sa aking isip ang sinabi ni Nico sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Para akong napatigil at ilang beses na inintindi ang kanyang sinabi. Sinasa

