Para akong tuod na nakikipagtitigan sa magulang ni Nico. Hindi ako handa! Nginitian ako ng mga ito saka lumapit sa akin. Niyakap ako ng kanyang ina. “Hi, it’s good to finally meet you.” Ang kanyang boses ay medyo malamig sa tenga. Akala ko nga kanina noong hindi pa ako pinapakilala ni Nico ay sisinghalan niya ako. Mukha lang siguro talaga siyang matapang. Ganoon din ang ginawa sa akin ng ama niya. “Pagpasok mo palang dito, alam ko na agad na ikaw ang girlfriend ng anak ko.” Magaang sabi nito habang nangingiti. Magkaiba ang pag-uugali ng kanyang magulang. Mukhang pinaghalong personality ng mga ito ang nakuha niya. Nico is mostly serious and cold especially to everyone but he is light and genuine when it comes to me. Bumalik ang kamay ni Nico sa aking bewang. Napangiti ang

