Huling araw ngayon ng pasukan at napasalampak ako sa aking higaan. Sembreak na bukas at grabe ang pagod ko. Dumagsa kasi ang plates bilang final requirement namin noong finals at kanina ko lang iyon nasubmit. Unti-unti ko ng nararamdaman ang hirap ng kursong napili ko. Dagdag pa ang majors namin na marami ng pinapagawa. Napabalikwas ako nang marinig ang katok sa pintuan ng unit. Bumangon ako at pinagbuksan iyon. Si Lola Grace. “Lola, bakit po?” Inangat niya ang gamit na dala niya. Halos ilang buwan ding nawala si Lola Grace at katulad ng palagi niyang ginagawa ay may dala ito lagi para sa akin. Tinulungan ko siyang ipasok ang mga iyon sa aking unit. “Ang dami mo nanamang pasalubong, Lola.” Natatawa kong sabi. Tinignan ko ang mga laman niyon. Ang unang plastic ay pu

