Tinanghali na ako ng gising kinabukasan. Pagod na pagod ako dahil buong gabi kaming gising ni Marco. Hindi ko na namalayan kung anong oras niya ako tinigilan, basta ang alam ko ay nakatulog nalang din ako kaagad. Sinilip ko si Marco na mahimbing ding natutulog sa tabi ko. Siyempre kung pagod ako, mas pagod siya. Bukod sa apat na oras itong nagmaneho ay siya talaga halos ang kumilos sa amin kagabi. Umayos ako ng pagkakahiga at tinitigan ang kanyang mukha. His hand is on my waist habang ang isa ay nagsisilbing unan ko ngayon. He is so handsome in the morning. Napakasarap niyang titigan kahit natutulog ito. Mahahaba ang kanyang pilik-mata at ang kanyang kilay ay makapal para sa isang lalaki. Maganda din ang hubog ng kanyang ilong at nakakainggit ang natural na pagiging makinis

