Katulad ng sinabi ni Marco ay hindi ko siya nakita ng ilang araw sa shop. Halos isang buwan iyon ngunit kahit na ganoon ay hindi ko rin naramdaman ang hindi namin pagkikita. He never missed a text or call. Madalas niyang naisisingit sa kanyang trabaho ang pamaya’t-maya niyang pagtext sa akin. Sa gabi naman ay tumatawag siya sa akin. Hindi man kami magkita ay naririnig ko naman gabi-gabi ang boses niya kaya kahit papaano ay nababawasan ang pagkamiss ko sa kanya. Itinuloy niya ang kanyang balak na pagsagot sa bayarin ng aking load. Inasikaso niya ang postpaid plan ng aking sim at pinahiram pa ako ng lumang phone. Hiyang-hiya ako noon at halos hindi ko matanggap nang ibinigay niya iyon sa akin but he insisted. There is something in him that will make you say yes. Magaling siyang mag

