Nakangiti ako habang nakatingin sa mga grades ko. Nasa computer lab ako ng aming university dahil narinig ko sa mga kaklase ko na narelease na raw lahat ng grades sa mga subject namin.
Sinend ko kay Ate ang mga grado kong iyon. I’m sure that she’ll be happy. Halos lahat kasi ng subject ko ay flat one ako. May isang naligaw lang ng landas at 1.25 ang grade ko. Kahit prelims pa lang ay sobrang saya ko na. Ang mahalaga ay maganda ang naging simula ko, ang kailangan ko na lang gawin ay imaintain ang mga iyon para tiyak na makapasok ako sa scholarship program.
Walang kaalam-alam si Ate sa balak ko. Marahil ay sasabihin ko nalang sa kanya kapag natanggap na ako sa scholarship. Mahirap naman kung sasabihin ko na agad sa kanya tapos pareho kaming aasa. Okay na yung ako lang.
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Naeexcite na ako sa reaksyon ni Ate. Offline kasi siya sa f*******: kanina. Siguro ay mamayang gabi pa iyon mababakante dahil sa trabaho.
Napapakanta pa ako habang nagbibihis ng uniform. Nang makitang maayos na ang aking itsura ay naglakad na ko patungong petshop.
Excited na may halong kaba ang aking nararamdaman. Nakatanggap kasi ako ng text galing kay Marco na naroon na daw siya sa shop. Natutuwa ako dahil mas nagiging malapit kami sa isa’t-isa. Hindi ko rin inaakala na magkakaroon ako ng number niya. Nagulat nalang din ako habang nag-aaral ako noong isang araw ay isinulat niya sa isa sa mga reviewer ko ang isang number.
Natanga pa nga ako kung para saan iyon.
“Bakit mo sinulatan ng number itong reviewer ko? Kanino ba iyan?” Kuryosong tanong ko sa kanya. Itinulak ko ang aking salamin palapit sa aking mata at tinitigan siya. Humalakhak ito saka ngumiti sa akin.
“I like how innocent you are when it comes to these kind of things.” Nakaramdam ako ng hiya. Bago pa ako makasagot ay nagsalita siyang muli.
“That’s my number, Gab.” Lihim akong napakagat sa aking labi. Madiin kong kinurot ang aking kamay para mapigilan ang kung ano mang nararamdamang kilig ngayon.
“Bakit mo binibigay sa akin iyan?” Mahina kong tanong.
“So that I can text you whenever I want.” Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit, kung para saan? Ngunit naduduwag ako. Ilang segundo kong tinitigan ang number niya hanggang sa nasaulo ko na iyon. Umangat muli ang tingin ko sa kanya nang tumikhim ito. Ipinatong niya sa papel ang kanyang malaki at magarang phone.
“Your number?” Maingat kong tinipa doon ang aking numero. Nanginginig pa ang aking kamay habang binabalik sa kanya ang phone. He smiled wildly when he picked it up.
Simula noon ay madalas akong nakakatanggap ng text mula sa kanya. When I first opened my eyes in the morning, I would see his text messages greeting me ‘Goodmorning’ and the same goes at night. Nakakahiya pa nga dahil hindi naman ako nagpapaload talaga kaya hindi ako gaanong nakakapagreply sa kanya.
Nagtama ang tingin namin ni Marco nang makapasok na ako. Nagkukwentuhan sila ni Charles nang maabutan ko sila doon. Dumako ang mapang-asar na tingin sa akin ni Charles. Nagtaka ako sa asal niyang iyon kaya naman binulungan ko siya pagkalapit sa kanya.
“Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” Napansin kong napatuwid ang upo ni Marco habang pinagmamasdan kaming dalawang nagbubulungan.
“Ha? Inaano ka?” Inosenteng sabi ni Charles. Nanliit ang aking mata sa kanya.
“Huy, masyado ka. Wala namang kakaiba sa tingin ko sayo ha?” Tumikhim si Marco sa aming dalawa. Lumayo sa akin si Charles at natatawang nagpaalam para makapagbihis na.
Naiwan kami ni Marco doon. Tinatantya ko ang kanyang mood dahil mukhang seryoso siya ngayon. Itinago ko muna sa aking bulsa ang isang papel kung saan ko isinulat ang grades ko. Hindi ko naman kasi makuhaan iyon ng litrato dahil sira na ang camera ng aking phone.
“What were you two talking about?” Kaswal niyang tanong ngunit sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay parang may laman ang sinasabi niyang iyon. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko may galit siya sa akin. Anong nagawa ko?
“Wala naman, wala iyon.” Tumango lamang siya at tahimik na tumingin sa paligid. He is avoiding my eyes. Nagtataka ako sa kinikilos niya. Kanina naman sa text niya ay mukhang maganda naman ang mood niya, bakit ngayon parang galit na galit?
Hindi ko nalang iyon pinansin. Tuluyan ko ng nilabas ang papel at nilapag iyon sa harap niya. Bumaba ang kanyang tingin doon. Nakangiti ako habang nag-aabang ng reaksyon niya ngunit nadismaya lamang ako.
“Good for you. Congrats.” He said it in a plain and dull tone. Parang pilit pa nga iyon.
Bumagsak ang aking balikat sa inaasal niya sa akin ngayon. Bumalot sa akin ang kalungkutan dahil mukhang hindi naman siya masaya sa pinakita ko. Pinaghirapan ko iyon at sobrang masaya ako na nakamit ko ang mga gradong ito ngunit para sa kanya ay wala lang ang mga iyon.
Last time I checked, he was motivating me about my grades. He was assuring me that I can achieve this ngunit ngayon ay parang galit at wala pa siyang pakialam.
Napayuko na lamang ako habang iniisip kung ano ang nagawa kong mali para ganito ang maging trato niya sa akin. We were okay days before this. Maayos ang tungo namin sa isa’t-isa at ngayon lang naging ganito ang kilos niya sa akin.
Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga.
“I’m sorry.” Mabilis na umangat ang aking tingin sa kanya. Umiling ako at tipid na ngumiti sa kanya.
“Bakit ka nagsosorry sa akin? Wala ka namang ginawang mali sa akin. Ayos lang.” Mahina kong sabi.
“I’m sorry for the way I acted.”
“Ayos lang iyon. Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa akin.” Umiwas ako ng tingin sa kanya at bumati sa customer na pumasok. Napangiti ako nang makita si Daisy. Kumawag agad ang buntot ng aso nang makita ako. Bumaling ako sa lalaki.
“Appointment for check-up, Sir?” Tumango lang ang lalaki. Yumuko ako at hinanap ang record ng kanyang alaga. Nang makita iyon ay binigay ko iyon sa kanya at pinapasok na sa office ni Ma’am Irina.
Lumabas ng banyo si Charles at nagpaalam na sa amin. Tipid na ngiti lamang ang binigay ko dito.
“Look, Gab. Hindi ko naman sinasadyang masungitan ka o kung ano man, it’s just that, I’m not comfortable with you and Charles being that close.” Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Bigla ay hindi ako mapakali sa sinasabi niya. Para may kung ano na humahalukay sa aking tyan.
“B-Bakit?” Ngumiti siya sa akin saka umiling.
“I’m really proud of you. Sabi ko naman sayo at kaya mo iyan. Napakasipag mo at matalino ka pa. Congratulations, Gab. You deserved it.” Bumilis ang t***k ng aking puso nang sinabi niya iyon habang direktang nakatingin sa akin. May naramdaman akong kakaiba sa boses niya ngunit hindi ko mapangalanan iyon.
His eyes were holding so many emotions and I can’t distinguish any of it.
He didn’t answer my question. Kung bakit ayaw niya nakikitang magkalapit kami ni Charles. Inilihis niya sa grades ko ang usapan at dahil doon ay pilit kong pinapakalma ang aking puso. Huwag kang aasa, Gabriella. Unless he said something, saka ka mag-isip tungkol sa bagay na iyon pero sa ngayon, just enjoy being with him.
Tuluyan na niyang iniba ang usapan at nagsimulang magkwento tungkol sa kanyang trabaho. Pinalampas ko narin muna iyon dahil alam kong pareho kaming hindi pa handa na pangalanan ang kung ano mang namamagitan sa amin, kung meron man.
“We’re planning to open another branch of Japanese restaurant around BGC. Medyo magiging abala ako sa mga susunod na araw but I will try my best to keep in touch with you. Just please, reply to my texts.” Nakikiusap na sabi nito. Napahawak ako sa aking salamin at nahihiyang tumingin sa kanya.
“Wala kasi akong load.” Mahina kong sabi. Natawa siya dahil doon. Napanguso ako. Nakakatawa ba na wala akong load at hindi ako makapagreply? I always feel frustrated whenever I’m receiving his texts. Gustong-gusto kong magreply pero wala naman akong load!
“Bakit hindi mo sinasabi sa akin? I’ll provide for your load. Or do you want a plan? Ako nalang ang magbabayad para sa monthly plan mo.” Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Mabilis akong tumanggi.
“Huwag na. Magastos iyon saka nakakahiya sayo. Hindi kita mababayaran agad.” Ngumisi ito. Nagdududa akong tumingin sa kanya.
“Well, there are so many ways on how you can repay me.” He wiggled his brows. Hindi ko alam kung tama ang nasa isip ko pero bumusangot ako at hindi natutuwa sa kanya. Oo gusto ko siya pero hindi tama iyon!
“Para sa kaalaman mo, Marco, sixteen palang ako kaya hindi pwede iyang kung anong iniisip mo. Huwag mo akong itulad sa babae mo!” Gusto ko sanang manatiling mabait at pormal sa harap niya pero nakakainis iyong gusto niyang mangyari.
Tinitigan ko siyang humagalpak ng tawa. Sobrang lakas niyon at halos umalingawngaw sa buong shop. Lalo akong sumimangot.
Lumabas ang sila Ma’am Irina at ang amo ni Daisy. Takang-taka ang itsura ni Ma’am habang nakatingin kay Marco. Saglit na nagtama ang mata namin ng lalaking nagbubuhat kay Daisy bago ito nakawala sa kanya. Tumakbo palapit sa akin ang shitzu.
Napangiti ako at binuhat ito.
“You have a dirty mind, Gab.” Bulong nito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin bago binigay ang aso sa may-ari. Kinuha ko ang card at inayos na ang bill niya. Matapos makapagbayad ay hinawakan ko ang balahibo ng alaga nitong aso bago nagpaalam saka ito umalis.
Lumapit sa amin si Ma’am Irina.
“Nababaliw ka na?” Sabi nito kay Marco na ngayon ay nagpupunas ng luha. Muling bumalik ang simangot sa aking mukha. Anong nakakatawa?
“Yes, I think, I’m going crazy.” Tingin ko nga rin.
Ito ang pinakamatagal na pagtambay ni Marco dito sa shop. Sabi niya ay nilulubos niya raw dahil baka ilang araw siyang hindi makapunta dito dahil magiging abala siya para sa negosyo niya.
Tinulungan niya kami ni Ma’am na isara ang shop.
“Alam mo ikaw, nagdududa na ako sa balak mo kung bakit lagi kang nasa shop.” Sabi ni Ma’am Irina kay Marco. Ngumisi lamang ito sakanya.
“Huwag kang mag-alala, wala naman akong masamang balak sayo.” Nanliit ang mata ni Ma’am.
“So sa part-timer ko meron? Umayos kang lalaki ka ha. Bata pa iyan! Huwag kang gagawa ng kalokohan at baka masapak kita.” Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sinabi ni Ma’am. Tumingin ito sa akin at nagpaalam. Pinanuod namin ni Marco ang sasakyan niya hanggang sa mawala ito sa daan. Lumingon siya sa akin.
“Maglalakad ka lang ba? Ihahatid na kita.” Pinatunog niya ang kanyang magandang kotse. Pinagmasdan ko iyon.
Kitang-kita ko ang kaibahan ng buhay namin. Napakaswerte niya at galing siya sa marangyang buhay. Malaki ang agwat ng estado ng buhay namin at isa iyon sa dumadagdag sa aking mga iisipin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko naiisip na baka imposible kaming dalawa.
Kahit pa nagkakalapit kami ngayon ay wala naman akong kasiguraduhan doon. Sabi nga niya ay friendly lang siya. Ultimo kahit usap-usapan ang pagiging intimate niya sa babae ay lagi niyang sinasabi na ‘friendly’ lang siya.
“Hindi na kailangan. Malapit lang ang apartment ko dito.”
“I insist.” Umiling ako.
“Huwag na talaga. Sayang lang sa gasolina mo.”
“Alright, then let me walk you home.” Muli niyang pinatunog ang kanyang kotse para maisara iyon. Balak niya bang iwan dito ang sasakyan niya?
“Huh? Bakit pa? Iiwan mo sasakyan mo dito? Paano kung mawala iyan?” Tumawa siya.
“Hindi iyan mawawala. So let’s go?” Hindi na ako nakapalag nang hilahin niya ako at nag-umpisa kaming maglakad. Binitawan niya rin ako kaagad saka siya namulsa.
“Palagi kang naglalakad ng ganitong oras? Tapos ikaw lang mag-isa?”
“Oo. Malapit lang naman kasi.”
“Paano kung biglang may humila sayo at dinala ka kung saan?” Hindi ko napigilan ang pagtawa.
“Matagal na ako sa lugar na ito. Alam ko na ang pasikot-sikot kaya kung may magtangka man sa akin ay makakatakas ako. Saka wala namang ganoon dito.”
“Still, you shouldn’t be walking around alone especially at night.” Umiling na lamang ako sa kanya.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Natatanaw ko na ang building ng apartment namin. Isang diretsong lakaran lang naman mula sa shop hanggang dito kaya natitiyak kong hindi naman siya maliligaw pabalik.
“Oh, you live in this building?” Pinagmasdan niya ang kabuuan ng building.
Kung tutuusin ay maayos naman ang itsura niyon. Hindi ito katulad ng pipitsuging apartment na mukhang mga squatters ang nakatira. Pormal at malinis ang paligid nito at laging nirerenovate ang building kaya’t lagi itong mukhang bago.
Ang madalas na nakatira dito ay kapwa ko estudyante dahil maraming university ang malapit dito. May-iilang maliliit na pamilya na nag-uumpisa sa buhay. May gwardya din sa gate ng building na ito kaya naman natitiyak kong safe ako dito. Isa pa, mula bata ay dito na kami ni Ate kaya naman kilalang-kilala na kami dito.
“Hindi naman masama diba? Secured naman dito at tiyak kong hindi ako mapapahamak.” Tumango-tango siya.
Naglakad kami palapit sa gate. Nakita ko siyang pinagmamasdan ang logo doon. Mayroon kasing logo doon ng initials ng may-ari.
GA iyon at halos magkapatong ang dalawang letra para makagawa ng simpleng logo. Tumaas ang kanyang labi at hinawakan iyon.
“I know this logo. Galing ito sa pamilyang Alcantara. GA stands for Graciella Alcantara, the pioneer of one of the trusted construction company here in the Philippines.” Napanganga ako. Ito ang unang narinig beses na narinig ko iyan.
Ibig sabihin, pwede akong pumasok doon kapag nagtrabaho na ako? Magiging architect ako at ang mga kagaya ko ay hindi pwedeng mawala sa isang construction company. Engineers and Architects are partners.
Humarap siya sa akin.
“Gusto mo bang pumasok at tumuloy muna sa unit ko?” Tumitig siya sa akin ng isang minuto bago umiling. Hindi nakatakas sa akin ang paglandas niya ng tingin sa aking kabuuan bago umiwas ng tingin.
“That’s not a good idea. Dito na lang ako. Pumasok ka na. I’ll leave when you reached your unit.”
Tumango ako sa kanya at nagpaalam. Lumingon ako ng isa pang beses bago tuluyang pumasok sa gate. His deep dimple is showing. He nodded at me and signaled me to go on.
Nakaakyat na ako sa aking palapag. Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko siya sa baba na nakatingin sa banda ko. Kumaway ako sa kanya. Ganoon din ang kanyang ginawa bago ito nagsimulang maglakad papalayo.
Pinanood ko siyang maglakad hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo. Tumalikod na ako at papasok na sana sa aking unit nang makita si Lola Grace na nakapamewang sa akin.
“May manliligaw ka na?”
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Hindi ko manlang siya namalayan na nakatayo doon.
“Lola naman! Ginugulat mo ako.” Nagsalubong ang kanyang kilay sa akin.
“Aba, Gabriella! Ako ang nagugulat sa iyo ha. Kay bata bata mo pa, hindi pwede iyang may nanliligaw sayo, buti sana kung si Cocong ko iyan.” Nakasimangot na sabi nito sa akin. Hindi ko napigilan ang pagtawa dahil sa kinasasama ng loob niya.
Alam niya ang pagkagusto ko kay Marco at naikukwento ko sa kanya ang ilang improvement ng pakikitungo niya sa akin. Wala naman akong naririnig na kumento sa kanya maliban sa pabulong-bulong niya na sana daw ay si Cocong nalang ang magustuhan ko.
“Lola, hindi naman po nanliligaw sa akin si Marco.”
“Talaga ba? Kung ganoon ay si Cocong pwede manligaw?” Humagalpak ako ng tawa. She was very hopeful while looking at me.
“Lola, hindi ko nga po kilala iyang apo niyo. Saka isa pa, si Marco po ang gusto ko.” Kita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat. Wala siyang nagawa kundi ngumiti sa akin.
“Dibale na, kumain ka na ba? Halika at saluhan mo muna ako.”
Sarap na sarap ako habang kumakain ng niluto ni Lola Grace. Kapag talaga nakikikain ako sa kanya ay lagi akong nabubusog.
“Nakakatuwa at kahit papaano ay nag-iimprove na ang pananamit mo, maging ang itsura mo ay gumaganda lalo. Gaano ba kalabo ang mata mo?” Nilunok ko ang aking nginunguya bago sumagot sa kanya.
“500 na po ang grado ng mata ko Lola. Sa ngayon nga ay hindi pa ko nakakapagpacheck up ulit. Medyo nahihilo na kasi ako sa salamin ko. Pakiramdam ko ay tumaas nanaman ulit ang grado ko.”
“Ang taas na pala. May paraan na para diyan eh. Yung lasik surgery ba iyon. Gusto mo ba subukan?” Nagtatakang tumingin ako sa kanya.
“Tunog mahal iyan, Lola ha. Siguro kapag may trabaho na, saka ko iisipin iyan.”
“Oo medyo kamahalan nga. Sa pagkakaalam ko ay nasa 50 hanggang 100 thousand iyon depende sa hospital.” Halos malunok ko agad ang pagkain sa aking bibig. Napainom ako ng tubig.
“Grabe! Ginto ba iyan?” Hindi makapaniwala kong sabi. Natawa siya sa reaksyon ko.
“Kung magiging malinaw naman ang mata mo, worth it naman iyon.” Umiling na lamang ako sa kanya.
“Saka na po, Lola. Wala kaming ganyan kalaking pera. Okay na ako sa salamin ko.” Nagkibit-balikat ito saka muling nagsalita.
“Kapag pala naubos na ang mga binigay ko sayo, sabihan mo lang ako para mabilhan kita ulit.”
“Lola, sobrang dami niyo pong binili. Mukha pang isang taon na po ata iyon sa dami. Saka huwag na po, nakakahiya na po.” Hinawakan niya ang aking kamay at masuyod iyong hinaplos.
“Gabby, hanggang ngayon ba naman ay nahihiya ka pa sa akin? Natutuwa ako sayo dahil napakabait at sipag mong bata kaya naman gusto kitang tulungan sa kahit na anong paraan na pwede.”
“Alam ko po, Lola at habang buhay ko pong tatanawin sa inyo ang lahat ng ginagawa niyo sa akin. Kapag naging Architect na ako at nagkaroon ng sariling pera ay ako naman ang babawi sa iyo.”
Matapos kumain at tumulong sa paghuhugas ay pumasok na ako sa aking unit. Natapos narin akong maglinis ng katawan at ngayon ay nakahiga ako sa aking kama. Sakto ang pagring niyon galing sa tawag ni Ate Maricar.
“Gabby! Grabe ang tataas ng grades mo. Sobrang proud ako sayo.” Kahit hindi ko nakikita si Ate ay alam kong masaya siya para sa akin. Rinig na rinig iyon sa boses niya.
“Salamat, Ate Maricar. Ikaw ang inspirasyon ko kaya ako nagsusumikap na mag-aral ng mabuti.” Natahimik siya sa kabilang linya. Ilang minuto pa bago siya muling nagsalita ulit. Sa pagkakataong ito ay nanginginig ang kanyang boses.
“Sobrang swerte ko talaga na ikaw ang naging kapatid ko. Gustong-gusto ko ng makasama ka diyan ng permanente. I promise, magsusumikap pa ako dito para magkasama na tayong dalawa.” Kinagat ko ang aking labi dahil sa pamumuo ng luha sa aking mga mata.
Ang marinig na umiiyak si Ate ay kahinaan ko. Kahit pa maganda naman ang dahilan kaya siya umiiyak ay para paring kinukurot ang puso ko dahil sa panginginig ng kanyang boses.
Sisiguraduhin ko sa sarili ko na papasayahin ko siya at gagawin ko ang lahat para hindi siya masaktan ng dahil sa akin.