Kabanata 5

3339 Words
Huling araw na ni Ate dito at babalik na siya sa mansyon ng kanyang amo para makapaghanda sa pagbabalik sa Japan. Malungkot akong ngumiti at yumakap kay Ate.   “Mag-ingat ka dito ha? Tatawag-tawag ako ulit kapag nakabalik na ako ng Japan.” Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin.   “Salamat sa mga pasalubong, Ate. Salamat din sa pag-uwi dito. Namiss kita talaga, Ate Maricar.” She carressed my hair.   “Ako rin. Kaya nga sumama talaga ako para makapagkita tayo. Huwag kang mag-alala, kapag malaki na ang naipon ko ay uuwi na ko dito para hindi na tayo magkahiwalay.”   Nagpaalam na ako kay Ate. Umaga siya umalis sa araw na iyon para bumalik ng mansyon dahil sa hapon ay lilipad na ang mga ito pabalik ng Japan. Pagkatapos ay naghanda na ako para sa pagpasok.   Ilang araw ang lumipas mula nang dalhan ako nila Lola at Ate ng mga gamit na makakatulong sa akin. Naituro na nila sa akin karamihan ng dapat kong malaman tulad ng paggamit ng ang make up at pagblend ng suot.   Halos matawa pa nga ako na ginawan nila ako ng mahabang listahan na pwede kong mabalikan sa tuwing nakakalimutan ko na ang mga turo nila.   Katulad ng inaasahan ay wala pa naman gaanong nagbabago sa mukha ko mula ng umpisahan ko ang paggamit ng matitinong facial wash at creams. Hindi naman iyon nangyayari ng isang gabi lang. I have to repeat and make a habit out of it para maging maayos ang resulta.   Ang tanging napansin ko lang ay ang paggaan ng aking pakiramdam. Ang sarap sa feeling maranasan na maalagaan ang sarili. Kaya pala ang ibang mga kababaihan ay adik na adik sa pamimili ng mga ganito dahil sa satisfaction na naidudulot ng mga iyon.   Pagdating sa make-up ay siyempre, hindi parin ako marunong. Everynight, I always try to do my brows but it always end up thick and not level. Sabi ni Lola Grace ay dapat akong manuod ng video tutorials sa youtube ngunit paano ko naman iyon gagawin sa aking munting cellphone?   Wala na nga akong internet, wala pa akong matinong phone dahil panay ang pag-hang niyon. Hanggang text at tawag lang ang nakakayanan. Matagal na kasi sa akin ang phone na iyon kaya sobrang naluma na. Pinag-iipunan ko na iyan ngayon galing sa sweldo ko at ilang buwan nalang ay makakabili na ko ng bago.   Paglabas ng banyo ay sinuot ko ang aking uniform. Tinahi iyon ni Ate noong washday ko at ngayon ay nasa ibaba nalang ng tuhod ang haba niyon. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon dahil kapag nakaupo naman ay kitang-kita ang hita ko. Nakakahiya. Mabuti at may lotion din na bigay si Lola kaya hindi dry ang aking balat.   Humarap ako sa maliit na salamin sa aking kwarto. Dahil sa hindi ako marunong magkilay ay hindi ko na lamang iyon ginagalaw. Tutal naman ay makapal na iyon at may sariling korte na. Hindi na iyon sabog tulad ng dati kaya maayos tignan. Saka ko nalang poproblemahin kapag tumubo na ang inahit ni Ate.   Ang tanging nilalagay ko sa mukha ay ang galing sa compact powder. Baka daw itong foundation ngunit mas light lang ang finish. Sunod ay nilagyan ko ng liptint ang aking labi at kaunti sa aking pisngi. Nilagay ko ang aking salamin sa mata. Medyo may kinaibahan din ang pagsusuot ko ng salamin. Mas okay ang itsura ko kapag wala pero dibale na. Nang makuntento sa itsura ay saka ako naglakad papasok.   Pagdating sa room ay batid kong unti-unti na silang nasasanay sa pagbabago ko. Hindi parin naman nawawala ang irap sa akin ng mga babae. Ngunit kahit papaano ay may lumalapit na sa akin para kumausap. Naroon parin ang mangilan-ngilan na nagpapagawa ng assignment at hindi naman ako tumatanggi. Dagdag income din iyon.    Wala naman gaanong nangyari habang nasa university ako. Tuloy-tuloy lang ang pagtuturo dahil nalalapit nanang aming unang major exams. Sabi nila, kahit prelims palang ay dapat pagbutihan na para hindi magsisi kung may mga maibagsak sa midterm at finals. Maganda na may paghuhugutan na ng grade.   Pagkauwi ng bahay ay agad akong nagbihis at nagtungo na sa trabaho. Dala ko ang iilang notebook ko maging ng mga kaklase kong nagpapagawa.   Ngumiti sa akin si Charles pagkakita sa akin. Umiiling-iling ito habang pinagmamasdan ang aking ayos. Nakatuck-in kasi ulit ang aking damit at nakasuot ng high-waist. Tulad ng sabi ni Ate ay kapag sinusuot ko ito ay nakikita ang magandang hubog ng aking katawan.   “Grabe, hindi parin ako nasasanay sa pagbabago mo. Pero maganda iyan. Hindi magtatagal at pag-aagawan ka na ng mga lalaki!” Natawa ako sa sinabi niya.   Parang baliw. Darating ba ako sa puntong iyon? Hindi ko nga alam kung magiging maganda talaga ako kapag umayos na ang aking balat at mukha. Sobra naman ata iyong magkakandarapa sa akin ang mga lalaki.   Umalis na si Charles para sa araw na iyon. Tahimik akong gumagawa ng assignment habang walang customer. Sa tuwing naririnig ko ang pagbukas ng pinto ay lagi kong inaabangan ang pagdating niya.   Sa nakalipas na araw ay hindi pumunta dito si Sir Marco. Hindi ko alam kung bakit ngunit baka abala sa mga negosyo niya. Nakakahiya naman magtanong kay Ma’am Irina dahil tiyak kong walang pakialam iyon at nagsasaya pang walang nang-iinis sa kanya ng ilang araw.   Itinabi ko ang mga notebook ko para asikasuhin ang isang customer na maraming binili. Umabot din ng four thousand ang bill niya. Nakakatuwa dahil para sa mga alagang hayop, willing silang gumastos ng ganyan kalaki. Halos ituring narin talaga nilang anak dahil binibigay nila ang lahat sa mga iyon.   Binabalot ko sa isang plastic ang mga pinamili nito nang mapadako ang tingin ko sa bagong pasok na lalaki. Muling nabuhay ang puso ko nang makitang si Sir Marco iyon. Kumalabog ng mabilis ang aking dibdib at halos madaliin ko na ang paglalagay ng gamit sa plastic.   Bahagyang nagtama ang tingin naming dalawa. Nagtagal ang seryoso nitong mukha sa akin bago tuluyang ngumiti.   Muntik kong mahulog ang babasaging gamit na binili ng customer. s**t! Grabe naman ako mataranta sa tuwing nariyan siya!   Pilit akong ngumiti sa customer bago ito umalis. Muling bumalik ang aking tingin kay Sir Marco. Halos magslow-mo sa paningin ko ang paglakad niya papalapit sa akin. Pumangalumbaba siya sa counter at pinagmasdan ako. Bahagya ding lumandas ang kanyang mga mata sa aking katawan. Kagat niyo ang kanyang labi bago muling ibinalik sa aking mukha ang tingin.   Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hinahanap ko siya ng ilang araw para maipakita sa kanya itong maliliit na transformation ko ngunit ngayong nakaharap ko na siya ah parang gusto ko na umalis at tumakbo palayo sa kanya.   Para akong nahihiya na ewan! Hindi parin talaga ako confident sa itsura ko. Paano kung mukha pala akong timang sa suot at make-up ko? Paano kung hindi pumasa sa kanya? I’m sure ther his women are all gorgeous and beautiful like a super model. Hindi naman siguro pipili ang isang gwapong tulad niya ng pipitsuging babae tulad ko.   “Something changed about you.” Panimula niya matapos ang matagal na pagtitig sa akin. Nilaro ko ang aking kamay at napayuko doon. Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Patagal ng patagal ay tumitindi ang kabang nararamdaman ko para sa kanya.   “Don’t look down. You look radiant. Maganda ka lalo kapag nakaayos ka. Don’t be ashamed of it.” Umangat ang aking tingin sa kanya. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.   He said that I was more beautiful now. Kung ganoon ba, maganda na ako sa paningin niya kahit noong hindi pa ako nag-aayos? Palihim kong kinagat ang aking labi. Umiiral nanaman ang pagiging ambisyosa ko.   “Salamat po, Sir Marco.” Natawa siya.   “You can just call me Marco, Gab.”   Ayan nanaman, hindi nanaman ako mapakali. Parang gusto ko nanamang humiga at bumaluktot sa kilig. First name basis na kami ngayon. Nakakahiya pero nakakatuwa naman!   Lumabas mula sa office si Ma’am Irina. Ang malaking ngiti nito ay napalitan ng pagkabusangot nang makita si Marco.   “Nandito ka nanaman!? Akala ko pa naman tumigil ka na?” Nauurat na sabi nito. Humalakhak si Marco.   “Wala pa nga akong sinasabi, nagagalit ka na diyan.” Umirap si Ma’am. Maging ako ay natatawa na.   “Mukha mo palang kasi ang bastos na agad tingan. Lalo pa kaya iyong mga lalabas sa bibig mo!” Naiiling si Marco. Padabog na nagmartsa pabalik sa loob ng opisina si Ma’am Irina. Mukha kasi itong may sasabihin sa akin kanina kaya lumabas ngunit nang makita si Marco ay nawala na ata sa isip niya iyon.   Sabay kaming tumawa ni Marco.   “Natutuwa lang talaga ako sa reaksyon niya. Highblood palagi kala mo menopausal.”   “Kung may gusto kayo kay Ma’am Irina dapat ay hindi niyo na siya inaasar ng ganyan.” Nangingiti kong sabi. Ngumisi siya.   “Wala naman akong gusto sa kanya. She didn’t know but we’re cousins. Ngayon ko lang din narealize dahil sa kwento ng pamilya ko nitong nakaraang araw.” Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko ineexpect ang bagay na iyon ha?   Bumaling siya sa notebooks na nasa gilid ko.   “Why do you always have many assignments? Parang hindi ko naman maalala na ganyan kadami ang ginagawa ko noong college ako.”   “Ah, hindi lang kasi sa akin iyan. Nagpapagawa din mga kaklase ko kaya mukhang marami.” Binalik ko ang mga notebook sa aking harapan.   “Why? I mean, bakit hinahayaan mo? Are they bullying you to do that?” Nagsalubong ang kilay niya dahil doon.   “Hindi naman. Nagbabayad kasi sila ng malaki kapag ginagawan ko sila. Sayang naman ang pera kaya tinatanggap ko nalang din.” Tumango-tango siya sa akin.   “Ang sipag mo naman pala. Your parents are lucky to have a daughter like you.” Malungkot akong ngumiti.   “Siguro nga po. Matagal ng patay mga magulang ko pero alam ko na kung nasaan man sila ngayon ay proud sila sa akin at lalo na sa Ate ko. Siya ang bumubuhay sa akin ngayon. Kaya nagsusumikap ako para makatulong na din sa kanya.”   “I’m sorry about that. Where’s your sister?”   “Nasa Japan po. Actually kanina lang po siya umalis ulit ng bahay para bumalik ng Japan. Nagbakasyon kasi ang amo niya ng ilang araw dito kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na mabisita ako.”   “So you were living alone, all this time?” Ngumiti ako sa kanya.   “Opo.”   Bumahid ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha.   “Hindi ba delikado? Mag-isa ka lang tapos babae ka pa? Where’s your home? Is it safe?”   Lumambot ang puso ko sa sunod-sunod niyang tanong sa akin. Pakiramdam ko ay totoong nag-aalala siya sa kalagayan ko.   “Ligtas naman po. Ilang taon na akong nakatira doon at wala namang nagtangkang manloob.” Nakita ko ang pagtutol sa kanyang mukha.   “I can’t believe it. Ang bata mo pa at nabubuhay ka na ng mag-isa? Wow, you’re so independent.” Kita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha. Nahihiyang ngumiti lamang ako sa kanya.   Nagtuloy ang mga tanong niya sa personal kong buhay. Walang alinlangan ko iyong sinasagot dahil natutuwa akong interesado siya sa akin at sa buhay ko. Ang mga assignments ay hindi ko na nagawa dahil mas natutuon ang atensyon ko sa kanya. Pwede ko naman iyon gawin pagkauwi.   Kabilang sa tinanong niya ang tungkol sa Ate ko. Kung paano kami nabuhay pagkatapos mamatay ng mga magulang namin. Kung paano ko nakaya mamuhay ng mag-isa habang nagtatrabaho sa Japan ang aking kapatid. Upon answering his questions, he would just look at me in awe.   Hindi ko mabilang kung ilang beses niyang sinabi na namamangha siya sa akin. Little hopes are building up in my heart. Nagsisimula na akong umasa na baka pwede niya naman makita kung sino ako. He is not just after the physical appearance after all.   Kusa kasing napunta doon ang topic. Hindi ko alam kung paano pero nagulat nalang ako ng magsalita siya tungkol doon.   “Hindi ako magmamalinis. I’m a man and I had a fair share of experience with women my age. I’m not quite proud of it that’s why I’m staying away from clubs or bars. Ang hirap kasi kapag ang babaeng kasama mo ay alam mong pansamantala lang. Yes, they can satisfy me in bed but that’s it. Hindi sila iyong tipo ng babae na pangmatagalan.” Something is aching inside me.   I kind of expected this one. He’s a handsome man, he can easily get a woman to satisfy him ngunit kung sakanya pala manggaling ay medyo masakit sa puso. But I admire his honesty towards that issue. Kaunting lalaki lang ang aamin sa mga hindi magagandang bagay na ginagawa niya.   My question is, why is he telling me this?   “Naisip ko, I should stop doing that and start redeeming myself for the woman I want to spend my life with. Gusto ko ng magseryoso sa buhay. I envy my friends. They have been in a long relationship with their girlfriends and they never cheated. Ako lang ang naligaw ng landas sa amin.” Natawa ito. Napangiti din ako sa kanya. Bumilis ang t***k ng aking puso nang titigan niya ako sa mata.   “I want to experience being inlove. Dahil kung hindi mo naitatanong, hindi ko pa nararanasan iyon. I want to have a woman exclusively just for me. Gusto ko ring maranasan ang saya na nakikita ko sa mga kaibigan ko.” Napahinga ako ng malalim.   “You will find her soon. Magugulat ka nalang isang araw at tumitibok na para sa iba ang puso mo. No need to hurry. Everything will eventually come to their places.” Mahina kong sabi.   “Yes. You’re right.” Nagkatitigan kami ni Marco. Mabigat na intensidad ang nararamdaman ko sa titig niyang iyon. Nang hindi makayanan ay umiwas na lamang ako.   Habang nakahiga sa aking kama ay patuloy na nagreplay sa utak ko ang naging usapan namin. I felt that I was closer now to him than before. We opened up ourselves to each other. We’re like friends now. Hindi ko alam kung iyon nga ba pero iyon ang pakiramdam ko. He wouldn’t share something from me if he is not considering me as a friend.    That’s a good thing, right? Kuntento ako kung anong meron kami sa ngayon. Pinipilit kong patayin ang namumuong pag-asa sa akin. He is just being friendly to me. Nothing more. Hindi ko dapat bigyan ng malisya ang kahit na anong pinapakita niya sa akin dahil hindi naman ako papasa bilang isa sa mga babaeng magugustuhan niya.   Kahit na gustong-gusto ko siya, sisikapin kong makuntento sa kaya niyang maibigay sa akin.   Inalala ko ang sinabi niya tungkol sa tipo niyang babae. Dahil kasi sa sinabi niya kaya lalong umusbong sa akin ang pag-asa.   “I believe that looks won’t matter if my heart decides for the right person. Ang mahalaga lang sa akin ay ang kabuting loob niya at ang loyalty niya sa akin. Iyon lang. I can’t really say because I have no idea about it. Kung kanino titibok ang puso ko, hindi ko alam.”   Hindi mahalaga sa kanya ang panlabas na anyo. Nakakatuwa dahil may mga lalaki pa palang ganoon. I thought, everything that men are thinking are always all about the looks, the body and the face. Ngunit mali ako, siguro ay iba din talaga si Marco. He may had a bad reputation when it comes to women but he is willing to change for the right woman.   Naging abala ako sa mga sumunod na araw para sa pag-aaral sa nalalapit na prelims. Dinadala ko ang mga reviewers ko sa petshop para hanggang doon ay makapag-aral ako. Nabalitaan ko kasi na may scholarship daw sa university na iyon kapag mataas ang average kada end ng sem.   Goal ko ang free tuition ngunit mataas ang average na kailangan doon. Kaya naman todo aral ako para maganda ang resulta ng aking exams.   Hindi pumalya si Marco sa pagbisita sa petshop. Alam na ni Ma’am Irina na magpinsan sila pero hindi na ata mawawala ang pagkahighblood niya dito. Hindi na kasi maganda ang pagkakakilala niya dito. Kung tutuusin ay mas lalo itong nairita.   “Mas nakakadiri ka pala talaga! Gosh, we were cousins but you tried to hit on me!?” Galit na galit na sabi ni Ma’am. Kinagat ko ang labi ko nang magkatinginan kami ni Marco. Kapwa kami natatawa.   “Anong tinatawa-tawa mo diyan? It’s true! Paano pala kung katulad ako ng mga babaeng marupok diyan na papayag sa gusto mong mangyari? Edi incest na agad iyon! Kadiri ka!” Tuluyan ng natawa ang lalaki. Napahawak ako sa aking bibig para hindi mapansin ni Ma’am na natatawa din ako.   Hinampas niya si Marco bago tumingin sa akin. Napaupo ako ng tuwid at tumikhim saka pilit na sumeryoso. Nanliit ang kanyang mata sa akin.   “Tumatawa ka rin ba, part-timer?” Mabilis akong umiling.   Binalik niya ang kanyang tingin kay Marco at inirapan ito bago muling pumasok sa opisina.   Natatawang umupo si Marco sa hinanda kong upuan sa kanya sa aking tabi. Simula kasi ng malaman ni Ma’am na kamag-anak ito ay hinahayaan na niya itong magstay dito. Pwede din siyang pumasok dito sa kabilang side ng counter tutal ay palagi itong tumatambay dito.   Hindi ko nga maintindihan dahil napakadami ng oras niya para magstay dito samantalang ayon sa napanuod ko sa TV, marami siyang negosyong inaasikaso.   Dumungaw siya sa mga papel na hawak ko. Sinulat ko ang lahat ng mga mahahalaga sa notes ko dito saka ko sinasaulo. Sa ganoong paraan kasi ay mas mabilis kong natatandaan ang mga dapat kong makabisado.   “That’s for exams?” Inayos ko ang aking salamin at tumingin sa kanya.   “Yes. I need to ace my exams. Balak kong makapasok sa scholarship program nila. Malaking tulong iyon kapag wala ng tuition na babayaran si Ate.”   “That’s good. You want me to help you on reviewing for your exams?” Napahinto ako sa pagbabasa at napatingin sa kanya.   “Hindi ka ba busy or what…” Ngumiti ito at napakamot sa batok.   “Well, maaga ko kasing natatapos ang mga trabaho ko kaya marami akong oras para magstay dito.” Dahil sa sinabi niya ay pumayag ako at binigay sa kanya ang mga reviewers ko.   He would ask some questions and I felt happy when I saw his eyes proud whenever I got it right.   Bumalot ang saya sa aking pagkatao. Sa loob ng ilang araw niyang pagpunta dito ay lagi niya akong kinakausap. Kung noong una ay naiilang at nahihiya ako, ngayon ay halos sobrang kumportable ko nalang na kasama siya. Patuloy kong pinapaalalahanan ang sarili na huwag umasa.   We’re just friends. He is just friendly to me. Ako lang ang may nararamdaman sa kanya kaya naman hindi ko dapat bigyan ng malisya ang mga ginagawa niya sa akin.   “You will perfect your exams. I’m sure of it.” Sabi nito habang binabalik sa akin ang papel. Natuwa ako sa sinabi niya.   What I liked about him the most is the way he encourages me to do better. Palagi niyang pinapalakas ang loob ko at pinaparamdam sa akin na kaya ko ang lahat. He will always think positively about me and he supports me in all the things I do.   Nagulat ako nang dumako ang kanyang kamay sa aking balikat.   “You can do everything and I’m sure you’ll reach all your goals in life. I will always be here to believe and support you all the way.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD