Kabanata 9

3749 Words

Tahimik akong nakaupo habang nakayuko sa pagkain sa aking plato. Habang naglalakad kami ni Marco ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Ma’am Irina na hinahanap na kaming dalawa para sa almusal. Nakaramdam ako ng hiya.   Sobrang sama na ng tingin sa akin ng mga babaeng kaibigan ni Ma’am nang makitang kasama ko si Marco kanina habang papasok kami sa restaurant. Lalo pa ngayon na maya’t-maya akong sinasandukan ni Marco ng pagkain.   “Marco, tama na. Ang dami, baka hindi ko na maubos…” Bulong ko dito. Ngumisi siya saka umiling.   “Nope, eat that. Para lumaki ka na agad.” Napanguso ako sa sinabi niya.   “What? I’m serious. Kumain ka ng marami dahil ang payat mong tignan.” Natawa siya sa reaksyon ko nang mapasimangot ako.   Natahimik kami sa pag-uusap nang magsalita si Ma’am Irina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD