Mas lalo akong lumayo sa kanilang dalawa dahil sa ginawang iyon ni Marco. Halos hinihintay kong umalis ito papunta sa kanyang opisina bago ako lumabas ng kwarto. Hindi ako sumasabay sa kanila sa pagkain para makaiwas sa kanya at hindi siya makita. Pagdating naman sa gabi ay maaga akong kumakain para kapag hapunan na nilang dalawa ay hindi ako makasabay. Halos maubusan na nga ako ng palusot kay Ate Maricar sa tuwing inaaya niya akong sumabay sa kanila sa pagkain. Isang linggo na ganoon ang nangyari. Narinig ko ang katok sa aking pinto sa umagang iyon. Hinanda ko na ang dahilan ko bago siya pagbuksan ng pinto. “Ate, mamaya na ako kakain…” Nabitin sa ere ang aking boses nang makita na si Marco pala iyon at hindi si Ate. Akmang isasara ko na ang pinto nang iharang niya ang kanya

