Sa araw din na iyon ay natanggap ako sa trabaho. Dapat ay masaya ako dahil nakapasok ako sa pinakamalaking kumpanya sa construction idustry ng Pilipinas but I feel so empty. Dumiretso ako sa dati kong unit. Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng paa ko pero ayoko munang umuwi sa bahay nila Ate. I want to breathe and I can’t do that when I saw them together. Especially Marco. Nakakatatlong katok palang ako doon nang pagbuksan ako ni Lauren ng pinto. Nanlaki ang mata nito saka niluwagan ang pinto. Pagod akong sumalampak sa sala. “Anong nangyari?” Walang idea si Lauren tungkol sa sitwasyong mayroon kami nila Ate. Ang alam lang nito ay nakapag-asawa si Ate at doon ako tumitira sa mga iyon. Hindi niya alam na si Marco ang napangasawa nito. “Si Marco ang asawa ni Ate Mari

