He told me to open my f*******: account once again and reconnect with everyone. Nasa unit ko siya ngayon. Bumisita siya sa akin ngayong wala akong pasok. It’s been days since we reconcile and it’s been the best days of my life. Binawi namin ang mga araw, buwan at taon na nagkahiwalay kaming dalawa. I was too happy it makes me cry. Hindi ako makapaniwala na maaari pa pala iyong mangyari. Habang abala ako sa pag-oopen ng aking account ay nagring ang kanyang phone. Nakaloud speaker iyon kaya agad kong narinig ang familiar na boses ni Lola Grace. Iniharap ni Nico sa akin ang kanyang phone. Video call pala iyon. Nakita ko ang mangiyak-ngiyak na mukha nito nang makita ako. “Diyos ko, Gabby!” Hindi na niya napigilan at napahagulgol ito sa kabilang linya. Naluluha akong napangiti sa camera

