Mangha kong tinignan ang mataas na gusali ng Burj Khalifa. Sa loob ng dalawang taon kong pamamalagi dito sa Dubai ay ito talaga ang pinakanagustuhan ko sa lahat. Nakakamangha kung paano nila nagawang matibay ang napakataas na building na ito. Pagdating talaga sa engineering and architectural expertise ay hindi papahuli ang lugar na ito. Napakarami ko ng napasyalan dito na talagang nakapagpamangha sa akin. Architectural wise, sobrang ganda lagi ng design at dito ako humuhugot ng inspirasyon para sa mga naging proyekto ko sa nakalipas na mga taon. Inabala ko ang sarili ko sa pamamasyal sa naunang mga buwan ko dito. Hindi rin kasi nagsimula agad ang training ko. Agad kong pinakawalan ang lahat ng stress at sakit na dinala sa akin ng pangyayaring iyon sa buhay ko. Naalala kong hindi na a

