KABANATA 52 BLAKE Friday. Nasa school ako nang i-text ako ni KJ, pupunta raw siya rito sa school. Gusto raw niya mag-relax, kaya niyaya niya akong mag-basketball. Pumayag ako, at sabi ko sa kanya sa gym nitong school na lang kami maglaro, kasama sina Tommy. 3:00 PM nagkita-kita kami sa gym ng school. Ako, si KJ, Tommy, Pete at Justin. Sumali sa laro ‘yung limang schoolmate namin para makumpleto kami. Almost an hour din ata kaming nag-basketball. May pustahan pa kami kung sino’ng grupo ang matatalo, sila ang manlilibre at sa kasamaang palad, kami nina KJ at Tommy ang kasama sa talunang grupo kaya kami ang manlilibre ng meryenda. Kaming tatlo nasa bleachers na at nagpapahinga pero ‘yung iba naming kasama, tuloy pa rin sa paglalaro. "Blake, mayaman ka naman, ikaw na sumagot ng parte ko.”

