KABANATA 53 TINA "No! ‘Wag mong gawin sa 'kin 'to Tina. ‘Wag mo kong iwan." Niyakap uli ako ni Blake, at umiiyak na rin siya. "Please Tina, alam mong hindi ko kaya ‘pag nawala ka sa 'kin. Please." "I'm sorry Blake, pero ito na lang ang naisip kong solusyon sa lahat." Inalis ko ‘yung pagkakayakap niya sa 'kin at hinawakan ko ‘yung magkabila niyang pisngi. "Please Tina… ‘Wag mo ko iwan. Please..." Tinitigan ko ‘yung mukha niya. ‘Yung mukha niya na hindi ko na makikita bago ako matulog sa gabi at sa paggising ko sa umaga. ‘Yung mga mata niya na hindi ko na makikitang ngumiti sa tuwing makikita niya ako. ‘Yung mga labi nya na hindi ko na muli pang mararamdaman ang mga init ng halik nito. Kaya sa huling pagkakataon, ipinikit ko ang mga mata ko at hinalikan ko siya. "Paglabas ko ng sasakya

