KABANATA 54 TINA Ilang oras na ata akong umiiyak. Ang dilim na rin sa labas, kaya binuksan ko na ‘yung mga ilaw. Kanina pa rin tawag nang tawag sa akin sina Tommy at Mia, pero hindi ko sinasagot. Ayokong sagutin ‘yung tawag ni Tommy, baka kasi inutusan ni Blake ‘yon na kausapin ako. Ayoko rin sagutin ‘yung tawag ni Mia, kasi nahihiya ako sa kanya. Sabi ko pupuntahan ko siya, pero eto ako, nagkukulong at iyak nang iyak. Hindi ko na alam kung nakailang tawag na si Mia kaya napilitan na akong sagutin. "Hello, Mia.. Sorry ha…" "Tina! Kanina pa kita tinatawagan, bakit ngayon mo lang sinagot! Hindi ka ba nagbabasa ng text? Ang dami ko nang text sa ‘yo!" Umiiyak si Mia. Iniiyakan niya pa rin siguro si Kurt. "Mia, sorry, hindi kita napuntahan, kasi kami ni Blake—." Hindi ko natapos ‘yung sasa

