KABANATA 38 TINA Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa amin ni Blake, kahit na kasalukyan ko siyang katabi sa kama niya habang nakayakap ako sa kanya at nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya. Nakaakbay siya sa akin, at marahan niyang hinahaplos ang braso ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya dahil sa kapwa pa rin kami hubad sa ilalim ng kumot. Tumingala ako para tingnan siya sa mukha. “Blake…” “Uhm, bakit?” sabi niya at hinalikan ako sa noo. “Yung tungkol kay George…” Syempre kailangan ko malaman. Hindi dahil nagkaaminan na kami ng nararamdaman sa isa’t isa at may nangyari na sa amin, happy ending na. Hindi pa rin mawawala ‘yung katotohanan na kay George siya engaged. Sa totoo lang may guilt akong nararamdaman. Sa isang iglap bigla akong naging kabit. “It wa

