KABANATA 37 BLAKE Sa school, tuwing makikita ko si Tina, iniiwasan ko siya, pero ang hindi niya alam madalas akong dumaan sa apartment. Gusto ko siya makita. Gusto ko malaman kung safe ba siyang nakakauwi. Tulad ngayon, nandito ako sa labas, at nakikita ko si Tina, kasama si Andre. Nakakubli ako sa likod ng isang malaking puno para hindi nila ako makita. Mukhang may pinag-uusapan sila, dahil kanina pa sila sa labas at hindi pa pumapasok sa loob ng bahay si Tina. Sa distansya ko mula sa kanila, ‘di ko dinig kung ano’ng pinag-uusapan nila. Pinagmamasdan ko sila nang ‘di ko inaasahan ‘yung sunod na nangyari. Hinalikan ni Andre si Tina. Ano’ng nangyayari? Sila na ba? Sinagot na ba niya? Halo-halo ‘yung naramdaman ko. Selos. Galit. Bakit nakikipaghalikan siya sa iba?! Bago pa ako may mag

