KABANATA 36 BLAKE Magkausap kami ni Kurt sa ibaba ng bahay nang marinig kong parang may kaguluhan sa itaas. Nagmamadali akong umakyat ng hagdan para alamin kung ano ang nangyayari. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang makita ko si Andre na buhat ang walang malay na si Tina habang nakasunod ang umiiyak na si Mia. “Ano’ng nangyari?” Nag-aalalang tanong ko. “Mamaya nang tanungan. Dalhin na muna natin si Tina sa ospital,” sagot ni Andre sa ‘kin. “KJ ‘yung susi!” sigaw ko kaya ibinato niya sa ‘kin ‘yung susi ng sasakyan. Kami lang apat ang umalis. Si Kurt naiwan sa bahay dahil tulog pa si George. Baka magulat paggising at wala kaming lahat. Ako ang nagmaneho habang nasa tabi ko si Andre. Si Tina naman nakahiga habang nakapatong ang ulo sa hita ni Mia. “Tina, ano bang nangyari? Gisi

