KABANATA 57 TINA Tinawagan ako ni Mia habang nagmumukmok ako at nakahiga lang sa kama at iyak nang iyak. “Hoy gaga ka! Pumunta ka rito ngayon. Bakit ka umalis? Tapos ngayon iiyak-iyak ka d’yan.” “Nasa ospital ka ba?” Nagpunas ako ng luha at pinilit na tumahan. “Oo. Kadarating lang namin ni Kurt dahil nalaman na namin ‘yung magandang balita tapos malalaman ko, wala ka.” “Hindi naman niya ‘ko kilala, bakit pa ako mag-stay d’yan?” “Kaya nga dapat nandito ka. Araw-araw mong ipakita ‘yang mukha mo sa kanya, hanggang sa maalala ka niya.” “Hindi ko kaya. Ang sakit Mia.” “Hindi mawawala ‘yang sakit kung wala kang gagawin. ‘Yung jowa mo, walang ginawa dito kundi magpa-cute kay George. Parang walang nangyari. Ang sarap batukan. Hindi ko lang magawa dahil baka makatulog na naman.” Dahil

