KABANATA 58 TINA Bispiras ng Bagong Taon at lahat kami nasa bahay nina Blake, maliban kay George, dahil nagbabantay ito sa ospital kasama ng ina. Bumisita nga muna si Blake sa ospital at alas-diyes na nang gabi nang umuwi siya. Magtatampo kasi si Tita Lorie kapag hindi siya nag-bagong taon kasama namin. “Finally you’re here!” salubong ni Tita Lorie sa kanya nang pumasok siya sa kusina kung nasaan kami at nagluluto. “Mom, you’re cooking?” Hindi makapaniwalang tanong ni Blake. “Yes. I learned a lot from Tina and her mom.” “You met her mom?” “Not just her mom, his dad too. They’re both very nice. What a lovely couple.” Tiningnan ako ni Blake. “Gaano ba talaga tayo ka-close?” tanong niya sa akin. “Very close.” Naloloka ako sa mga sagot ng mommy niya! Hindi ko alam kung paano ko pi

