KABANATA 59 TINA Alam kong hindi ako dapat pumayag sa gusto ni Blake kagabi pero traydor ang puso, isip at lalo na ang katawan ko. Hindi pa niya ako naalala kaya hindi ko alam kung ano’ng nagtulak sa kanya para gawin ‘yon. Nang magising ako wala na siya sa tabi ko. Isa-isa kong pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig at saka ako nagbihis bago ako pumunta sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto, nadatnan ko sa loob si Mia. “Saan ka galing?” Nakangiting tanong niya. “Bakit hindi ka rito sa kwarto mo natulog?” “Kasama ko si Blake.” “Kaya pala missing kayo kaninang madaling araw. Sumabay sa fireworks?” “Medyo…” “Oh my G! Naalala ka na niya?” “Hindi,” malungkot na sagot ko kasabay ng pag-upo ko sa gilid ng kama. “So, bakit may nangyari?” tanong ni Mia na nakaupo na sa tabi ko. “Hin

