KABANATA 4

1802 Words
KABANATA 4 TINA   Wala na siyang sinabi pa uli sa akin. Siguro tuluyan na siyang nakatulog. Buti pa siya. Samantalang ako, masisiraan na ng bait sa mga sinabi niya. “Mabuti pang matulog na lang uli ako,” sabi ko sa sarili ko pero isang oras na ata akong nakatingin sa kisame, hindi pa rin ako makatulog. Inabot na ako ng ala-singko nang umaga pero dilat na dilat pa rin ako. Nakatingin pa rin ako sa kisame at kabisado ko na rin kung ilang sapot ng gagamba ang naroon. Sumapit ang ala-siete ng umaga at kaibigan ko na ang butiki na kanina pa palakad-lakad sa kisame. Naikwento na rin niya sa akin kung ano’ng sikreto sa buntot niyang tumutubo uli kahit maputol. Alas-diyes na ng umaga at masisiraan na ako ng ulo, samantalang itong mokong na ‘to sa kaliwa ko ay mahimbing ang tulog habang nakataas pa ang magkabilang braso. Ahitin ko kaya ‘yung buhok niya sa kili-kili para may magawa ako? Naiiyak na ako. Hindi na talaga ako nakatulog kaya umupo na lang ako sa kama at humarap kay Blake. Tulala lang ako at hindi ko namalayan na gising na pala siya at nakaupo na sa kama niya paharap sa akin.  “Whoa! Tina?! Bakit ganyan ang itsura mo? ‘Di ka ba natulog?” gulat na gulat na tanong niya. Ganoon ba kasama ‘yung itsura ko? Napahawak ako sa pisngi ko. “Uy… Blake... Gising... ka... na... pala...” wala sa sariling sagot ko. “Bakit ganyan ka magsalita? Lasing ka ba?” Sa pagkakaalam ko siya ‘yung umuwing lasing tapos ako tatanungin niya? Okay lang siya? Parang siya pa ‘yung walang tulog sa amin. “Hindi... Wala lang tulog.” “Bakit ka naman ‘di natulog?” Malamang dahil sa ‘yo. May pa-confession kang ganap kagabi tapos aasahan mong  makatulog ako? “Ha…? Ah...” Syempre hindi ko naman pwede sabihin sa kanya ‘yung mga pinagsasabi niya habang lasing s***h semi-tulog siya, kaya deadma na lang sa tanong niya. “Umaga na... Kape? Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita…” sabi ko sabay tayo ko at diretso ng lakad papunta sa kusina para mag-init ng tubig. Halos kaladkarin ko na ‘yung sarili ko papuntang kusina. Iniwan ko si Blake na tulala, at parang gulat sa sinabi ko. Nakapaglagay na ako ng tubig sa takure at isinalang ko ito sa kalan. “Tina, halika rito. Bilis,” sinenyasan pa niya ako na lumapit sa kanya. “Ano? Bakit ba?” “Basta!” Paglapit ko sa kanya, inilagay niya ‘yung palad niya sa noo ko. “Wala ka namang lagnat.” Pagkatapos niyang salatin ang noo ko naglakad siya palabas ng pinto. Mayamaya’y pumasok na din siya uli. “Ano’ng tiningnan mo sa labas?” nagtatakang tanong ko. “Tiningnan ko lang kung may alaga tayong punso. Naisip ko lang na baka nanuno ka. Ang bait mo kasi sa ‘kin ngayon.” “Ay! Sasapakin kita diyan! Wala akong sakit at lalong hindi ako nanuno! Wala lang akong tulog! Sige, binabawi ko na! Hindi na kita ipagtitimpla ng kape. Balak ko pa naman na hindi na ito isama sa listahan ng mga utang mo.” “Hindi ka naman mabiro,” sabi niya sabay akbay sa akin. “Itimpla mo na ‘ko ng masarap mong kape.” Nang dahil sa ginawa niya nagrigudon na naman ‘yung puso ko sa pagtibok. Utang na loob Blake aatakihin ata ako sa puso nang dahil sa ‘yo. “Alisin mo nga ‘yang kamay mo.” Tinanggal ko ‘yung pagkaka-akbay niya sa akin. “Ang daming babaeng gustong maakbayan ng mga brasong ‘to, tapos ayaw mo?” “Yabang mo! Buhusan kita ng kumukulong tubig eh!”  “Wag naman.” Bigla siyang urong palayo sa akin. “Sige, tatahimik na po.” “Para makabawi ka sa akin, kumuha ka ng bawang tapos tadtarin mo ng pino. Isasangag ko ‘yung natirang kanin kagabi.” Nang may pakinabang naman siya sa akin ‘di ba?! “Okay!" Kinuha na niya ‘yung sangkalan, kutsilyo, at ‘yung bawang pagkatapos ay ipinatong niya ang mga ‘yon sa lamesa. Tatlong minuto na ata ang nakalipas pero ‘yung bawang nasa ibabaw pa rin ng sangkalan habang hawak naman ni Blake ‘yung kutsilyo at nakatitig lang doon sa bawang na buo pa rin at walang kagalos-galos. “Hoy! Ano’ng ginagawa mo d’yan?! Walang mangyayari d’yan kung tititigan mo lang ’yan.” Natawa siya at napakamot sa batok niya, “Hindi ko kasi alam kung ano’ng gagawin ko. Paano ba?” “Ay sus! Magtadtad lang ng bawang hindi mo pa alam?” “Di naman ako nagluluto sa ‘min. May kusinera kaya kami.” “Sasagot pa! Sasagot pa! Naku! O, sige ako na bahala sa bawang.” Kinuha ko ‘yung kutsilyo at sangkalan sa kanya na may nakapatong na bawang. “Magbate ka na la –.” Hindi ko na natapos ‘yung sasabihin ko dahil dito kay Blake. “Ano? Bastos nito!” sabi niya sabay takip sa hinaharap niya sa ibaba. Anak ng, ano bang iniisip niya? “Ang dumi naman ng isip mo! Alam mo ba ‘yung scrambled egg?! Ano bang utak meron ka?!” sabi ko habang tinatanggalan ng balat ‘yung pinitpit kong bawang. “Yan… Lilinawin mo kasi... Huwag mo ‘ko binibigla,” tatawa-tawang sabi niya. “Buti na lang ‘di kita sinunod agad kundi...” “Kundi ano?!” Tiningnan ko siya nang matalim. Mas matalim pa sa hawak kong kutsilyo. “Naku, naku, tigil-tigilan mo ‘ko Blake.” Ipinagpatuloy ko ang paghihiwa ng bawang. “Matalim ‘tong kutsilyo. Hindi lang bawang ang kayang putulin nito.” Dahil sa sinabi ko, nagmamadali siyang kumuha ng itlog. “Lagyan mo ng asin,” utos ko. “Opo.” Nang makita ko kung gaano karami ‘yung asin na ilalagay niya, “Uy! Wa—.“ Wala na. Huli na. Narinig ko na ang tunog ng pagbagsak ng isang kutsaritang asin sa itlog. “Ano’ng ginawa mo Blake?!” “Bakit?! Ano na naman?! Wala na ‘kong nagawang tama sa ‘yo.” Wala naman talaga! “Scrambled egg ang sabi ko, hindi itlog na maalat!” Magkakasakit ako sa puso sa kanya, magkakasakit pa ako sa bato! “Sorry. Sabi mo lang kasi lagyan ko ng asin. Nilagyan ko naman ‘di ba? Sinunod lang kita. Hindi mo naman sinabi kung gaano karami.” Kailangan ko pa ba talaga sabihin sa kanya ‘yung gano’ng mga bagay? Common sense Blake, common sense! Kaiyak ka! “Umalis ka na rito! Doon ka sa sulok! Doon sa kama mo!” talagang todo turo ako kung saan siya dapat magpunta. Doon sa malayo sa akin bago ko pa maipukpok sa kanya ‘yung takip ng kaldero ng kanin namin na nakalapag sa lamesa sa tapat ko. “Hooooo... Kakatakot...” Dahan-dahan siyang umurong palayo sa akin. “Mang-aasar pa? Hindi kita pakainin d’yan eh.” “Hindi na po. Eto na po. Paalis na po. Tabi-tabi po.” Dinampot ko na talaga ‘yung takip ng kaldero at akma kong ibabato sa kanya kaya nagtatakbo siya papunta sa kama niya at kinuha ‘yung unan at ginawa niya itong pananggalang. Dahan-dahan pa niya akong sinilip sa likod ng unan na hawak niya. Diyos ko po, para akong may alagang bata! Dahil wala akong mapapala kay Blake, ako na lang ang gumawa lahat at hindi na ako nagpatulong pa sa kanya dahil baka kung ano pa ang magawa niya o baka ako ang may magawang hindi maganda sa kanya, kapag may palpak na naman siyang ginawa. ‘Yung itlog na puro asin, dahan-dahan kong ibinuhos sa ibang lalagyan para ‘yung itlog lang ang makuha ko at matira ‘yung tumining na asin para naman hindi masayang. Pagkatapos kong iluto ‘yung itlog sinunod ko naman ‘yung kanin. Pagkatapos ko magluto, ako na ring ang naghain. Pagkatapos namin kumain, ako na rin ang maghuhugas. Ako na! Ako na lahat! Akin na lahat! Bakit ba kasi ito pang Blake na ‘to ang naging roommate ko?! Kailan kaya siya may magagawang maganda para sa akin?! Kailan?! After namin kumain tahimik lang ako. Nagpababa lang ako ng kinain tapos naligo na ako at nag-ayos para pumasok na sa trabaho. Waitress ako sa isang maliit na karinderya doon sa may kanto. Maliit lang ‘yung karinderya pero maraming kumakain. Minsan nga may mga de-kotse pa na dumarayo. Kahit maliit ang sweldo ko roon pwede na rin. Mabait naman ‘yung may-ari na si Manang Gloria. Naiintindihan niya kapag minsan late akong dumarating o kaya kapag hindi ako nakakapasok. Alam niya kasi na isinasabay ko sa pag-aaral ‘yung pagtratrabaho ko. Minsan nga may pabalot pa siyang pagkain sa akin. Bago ako umalis ng bahay binilinan ko muna si Blake. Wala kasi akong tiwala sa kanya dahil anak mayaman siya at sarili lang ang alam asikasuhin. For sure, sanay na pinagsisilbihan at walang iniintindi sa buhay. “Blake, kung aalis ka, patayin mo lahat ng ilaw. I-check mo lahat ng appliances dahil baka may maiwang nakasaksak. Sayang ang kuryente at baka pagsimulan ng sunog. Isarado mo rin ang bintana at i-lock mo ‘yung pinto paglabas mo. Sige, alis na ‘ko.” “Ingat ka!” Aba, ‘di niya ata ako inasar. Pansin niya siguro na wala ako sa mood. Pagkatapos ba naman ng mga kapalpakan na ginawa niya kanina at idagdag mo pa na wala akong maayos na tulog nang dahil din sa kanya, dapat lang na magtino siya. ANNOUNCEMENT: VOTE FOR MY STORY - LIVING UNDER THE SAME ROOF BOOK 1 PWEDE PO BA AKONG MAG-LAMBING SA INYO? PWEDE N'YO PO BANG I-VOTE ITONG STORY KO. KAPAG NASAMA PO SA TOP 200 NA MAY HIGHEST NUMBER OF VOTES 'YUNG STORY, MAGKAKAROON PO NG MAGANDANG PROMOTION 'YUNG BOOK KO DITO SA DREAME. KAPAG SA TOP 3 NAMAN PO MAY CHANCE NA MA-PUBLISH AS PHYSICAL BOOK. SA MGA MAGVO-VOTE PO MAY REWARD DIN PO PARA SA INYO. LAHAT PO NG MAG-VO-VOTE MAY CHANCE PO NA MAKATANGGAP NG BONUSES GALING SA DREAME. ^_^ HINDI LANG PO KAMING WRITERS ANG MAY CHANCE NA MAGKA-REWARD, KAYO RIN PO. ANG GAGAWIN N'YO LANG PO AY I-CLICK ANG GIFT ICON THEN CLICK REWARD PARA MAKA-VOTE. 1 VOTE PER DAY PO AT HANGGANG AUGUST 21 PO ITO.  KUNG WALA PO KAYONG MAKITA NA GIFT ICON, I-UPDATE NYO LANG PO MUNA 'YUNG APP PARA MAKA-VOTE NA KAYO. THANK YOU SO MUCH PO SA LAHAT NA MAGVO-VOTE!! ^__^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD