KABANATA 5
TINA
Pagdating ko sa trabaho, same routine. Kuha ng order ng customer, dala ng order sa table, ligpit ng pinagkainan ng customer, hugas ng plato. Sobrang nakakapagod pero masaya pa rin dahil may mga galanteng customer. Malaki ang tip. Para mawala ‘yung ngalay sa likod ko, paminsan-minsan nag-iinat ako.
Pagdating ng alas-otso tapos na ang trabaho ko. Mas maaga akong pinapauwi ni Manang Gloria, para raw may oras pa ako sa pag-aaral ko. Sa totoo lang parang anak na ang turing niya sa akin. Para ko na siyang pangalawang ina rito sa Manila. Biyuda kasi si Manang Gloria at hindi rin sila nag-kaanak ng kanyang asawa, kaya siguro ang gaan ng loob niya sa akin.
Dahil malapit lang naman ‘yung karinderya sa bahay, naglakad na lang ako para menos din sa pamasahe. Ang mahal pa naman ng tricycle lalo na kung walang kang kasabay. Pagdating ko sa bahay, napansin kong bukas ang ilaw sa loob. Hindi siguro umalis ang mokong at nag-stay lang sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, nabigla ako sa nakita ko. Teka. Totoo ba itong nakikita ko?! Kinusot-kusot ko ‘yung mata ko at inilibot ang paningin sa loob. Ang linis! Paglapit ko sa may lamesa aba may pagkain na rin. Nakita ko si Blake na nasa kama, natutulog. Nilapitan ko siya at pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga kapag natutulog. Parang baby na walang bahid ng kasalanan. Mukhang ang bait-bait na kabaligtaran sa katotohanan.
Bigla siyang kumilos at nagmulat ng mata at nang makita niya ako bigla siyang naupo sa kama. “Nandito ka na pala. Nag-dinner ka na?” Wow. Concern siya sa akin?
“Ano ang masamang hangin na nasinghot mo at ang bait mo ata ngayon? Naglinis ka na, nagluto ka pa.”
“Peace offering,” nakangiti niyang sagot.
“Hmm... peace offering? ‘Yung pagkain ba na niluto mo pwedeng kainin? Baka malason ako d’yan.” Siyempre pagkatapos ba naman ng mga nangyari kanina, kaduda-duda ‘yung mga pagkain na dadaan sa mga kamay ni Blake.
“Huwag ka mag-alala, hindi ko naman niluto ‘yan. Binili ko. Alam mo namang wala akong talent sa pagluluto. Patugtugin mo na ako ng kahit na anong musical instrument o kaya pakantahin ng kahit na ano, huwag mo lang akong paglulutuin at wala talaga akong ibubuga.” Aba, aminado siya.
“Okay, at wala rin naman akong balak na magpatulong pa uli sa ‘yo sa kusina, pagkatapos ng mga ginawa mo kanina.”
“Oo na. Huwag mo na ipaalala sa ‘kin nang paulit-ulit. Mabuti pa kumain na lang tayo. Hindi pa rin ako nagdi-dinner. Hinintay talaga kita para sabay tayo.” Tama ba ‘yung narinig ko? Hinintay niya ako para sabay kami?
“Wow. Sweet mo naman. Na-touch naman ako,” sabi ko with matching hawak sa dibdib, smile and beautiful eyes.
“Huwag ka magpa-cute. Hindi bagay sa ‘yo. Kumain na lang tayo.”
Biglang nawala ‘yung ngiti sa mukha ko. Panira ng moment itong mokong na ‘to. Bakit nga ba umasa pa ako na may maririnig na maganda mula sa lalaking ‘to? Mabuti pa ngang kumain na lang ako.
Nakanganga na ako at hawak ko na ‘yung kutsarang may pagkain nang mawalan ng kuryente. “Blake?” sabi ko habang kinakapa ko ‘yung plato para maibaba ko ‘yung hawak kong kutsara. Ang galaw ng mga mata ko. Tumitingin sa kaliwa’t-kanan kahit wala naman akong makita dahil napakadilim. “Blake?” tinawag ko uli ang pangalan niya dahil hindi siya nagsasalita. “Ano ba, magsalita ka naman. Nasaan ka ba?” Natatakot na ako. Ayoko pa naman sa dilim. Nakikiramdam lang ako nang may marinig akong kaluskos. “Blake!”
“Huwag ka ngang duwag.” Hay, salamat at nagsalita na rin siya. “Hinahanap ko ‘yung cellphone ko sa kama. Ikaw, where’s your phone?”
“Na-drain ‘yung battery ng phone ko. Bilisan mo naman maghanap d’yan!”
“Eto na, nagmamadali na!” Mayamaya nakita ko na ‘yung ilaw mula sa phone ni Blake. Medyo nawala ng kaunti ‘yung takot ko. “May kandila ba tayo?” tanong niya.
“Meron. Sa cabinet. Sa ilalim ng lababo. Tapos ‘yung posporo nasa ibabaw ng ref.”
Siya na ‘yung kumuha ng kandila at posporo. Sinindihan niya ‘yung kandila at tinulos sa ilalim ng nakataob na baso at saka niya ipinatong sa gitna ng lamesa. Naupo na uli siya sa tapat ko. Habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang mangiti. Para kasi kaming nagde-date. Dinner with candlelight. Ang kulang na lang romantic music.
“Ano’ng nginingiti-ngiti mo d’yan Tina? Sobrang gutom ba ‘yan at hinahangin ka na?” Ang sarap lapirutin ng nguso niya, para hindi masira ‘yung imahe ng pagiging mabait niya ngayon sa paningin ko.
“Wa-wala. Mukha kasing masarap ‘yung pagkain. Kain na tayo.”
Sumubo na siya. “Mmmm.. Sarap ‘no?” sabi niya sabay ngiti sa akin. Marunong pala siyang ngumiti. Bakit hindi niya dalasan? Lalo siyang gumagwapo. Ngiti pa lang ata niya busog na ako.
“Oo, masarap nga. Parang ikaw.” Ay, ano ‘yung sinabi ko?!
Rewind...
Oo, masarap nga. Parang ikaw.
Sinabi ko ‘yon?!
“Ano?” Utang na loob Blake! Huwag mo nang tanungin dahil hinding-hindi ko na uulitin.
Rewind...
Oo, masarap nga. Parang ikaw.
Stop! Brain huwag ngayon!
“Ano’ng sinabi mo?” tanong niya uli.
“Ang sabi ko, ang sarap nitong pagkain. Parang gusto ko na tuloy bawiin ‘yung sinabi ko kanina na ‘di na kita patutulungin sa kusina, para lagi kang may peace offering sa ‘kin,” sagot ko habang pilit ang tawa. Please lang maniwala ka.
“Ah, okay. Para kasing ang narinig ko na sinabi mo, masarap ako,” sabi niya kasabay ng pagtawa.
“Aha-.. A-ha-ha-ha.. Bakit ko naman sasabihin ‘yon? Ikaw talaga maglinis ka nga ng tenga mo. Nabibingi ka na.” Pilit na pilit ‘yung tawa ko na may kasamang kaba. Ito naman kasing dila ko eh, pahamak. Medyo makati!
“Saan nga pala ‘yung probinsya mo?” tanong niya sa ‘kin.
“Samar.” Pagkarinig niya sa sagot ko, nasamid siya.
"S-samar?" mautal-utal niyang tanong sa akin.
“Oo. Bakit? Ay, alam mo naman siguro kung saan sikat ang probinsya namin ‘di ba?” tanong ko sa kanya na parang hindi tanong kundi parang siguradong-sigurado ako na alam niya kung saan kilala ang Samar.
“Eh, ‘di ano…”
Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako agad, “Oo. Alam mo ‘yung lola ko, mambabarang ‘yon. Ang nanay ko naman tinuruan niya mangulam. Dati nga noong bata pa ako, pumasok ako sa kwarto ng lola kahit na ipinagbabawal niya. Ang dilim. Takot na takot nga ako eh. Ang tanging nagbibigay ilaw sa kwarto, nanggagaling sa isang itim na kandila na nakapatong sa bungo ng tao. Tapos nakita ko sa isang lamesa may mga buto, mga manika at mga karayom na iba't-iba ang mga laki. May mga insekto pang nakakulong sa mga bote.” Tahimik lang si Blake habang nagkwekwento ako. “At alam mo bang may kapitbahay kaming aswang. Pero hindi nila kami ginagalaw kasi kaibigan sila ng lola ko.” Kitang-kita ko ‘yung mga butil ng pawis niya sa noo. Mukhang takot na takot siya kaya ‘di ko na napigilan at napahagalpak ako ng tawa. “Joke! Kung nakita mo lang ‘yung itsura mo, matatawa ka rin sa sarili mo.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Di nakakatuwa.” Inis na sabi niya.
“Di ka na mabiro ‘tsaka nakapunta na ako ng Samar, hindi naman gano’n ang mga tao roon. Tanda mo na naniniwala ka pa sa mga gano’n,” sabi ko habang tawa pa rin ako nang tawa.
“Akala mo kung sino kang matapang d’yan. Iwan kaya kitang mag-isa rito at doon ako kina Tommy makikitulog.” Akmang tatayo siya.
“Uy, Blake biro lang ‘yon. ‘Wag mo kong iwan dito.”
Tumigil siya at dahan-dahang umupo habang nakatingin sa ‘kin. Ay, hindi pala, parang sa likuran ko.
“Tina…” Parang may takot sa boses niya. Napakapit pa siya sa lamesa.
“Bakit? Ano ‘yon? ‘Wag mo akong binibiro nang ganyan!” Ayokong lumingon para tingnan kung saan siya nakatingin. At kahit gustuhin ko mang lumingon parang nanigas ‘yung leeg ko sa takot. “Blake! Hoy, ‘di ka na kumibo d’yan.” Nakatingin pa rin kasi siya sa likuran ko at takot na takot.
Bigla siyang ngumisi. “Joke!” Ako na ang pinagtatawanan niya. “Ngayon patas na tayo! Lakas ng loob mo manakot kanina. Duwag ka rin pala”
Naitaas ko ‘yung hawak kong kutsara sa inis. “Bwisit!”
After ng dinner with candlelight namin na makapanindig balahibo sa sobrang ka-sweet-an, nahiga na kami ni Blake sa kanya-kanya naming kama. ‘Yon nga lang ‘di ako dalawin ng antok at ewan ko ba kung bakit.
Mayamaya napansin ko na ‘yung kandila pala namin paubos na. Napabangon ako bigla. Nag-iisa na lang kasi ‘yon at ‘pag naubos ‘yon, wala na! Paano ‘pag ‘di pa nagkaroon ng kuryente?! Ang dilim-dilim! Nakakatakot! Hindi ako mapakali sa kama ko habang nakatingin ako sa kandila. Nahiga ako uli. Dapat makatulog na ako bago pa maubos ‘yung kandila, para hindi ko mapansin kapag naubos na ‘yon at dumilim na ang paligid.
Pumikit ako at ipinatong ko pa ‘yung unan ko sa noo ko para mas madilim at makatulog agad ako pero sa kasamaang palad walag nagawa ‘yon para sa ‘kin dahil gising na gising pa rin ako matapos ang maraming minuto. Tinanggal ko ‘yung unan sa mukha ko at tiningan ang kandila. Aandap-andap na siya! Paubos na siya! Mag-iisip pa lang ako ng gagawin ko nang mamatay siya. Kaiyak. Wala na ‘yung kandila. Iniwan na niya ‘ko. Kung ano-ano na tuloy ‘yung pumasok sa isip ko. Baka may multo sa ilalim ng kama ko. Baka may makita akong matanda sa bintana. Bawat kaluskos na marinig ko tumatayo lahat ng balihibo ko. Wala na akong choice. “Blake...” Walang siyang sagot sa nagsusumamo kong tinig. “Blake... gising ka pa?” Wala pa rin. “Blake! Huy! Blake gising!” Takot na talaga ako!
“Bakit?” Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. “Ang ingay-ingay mo. Natutulog na ‘ko.”
“So-sorry naman. Natatakot kasi ako. Ang dilim.”
“Kanina kung ano-ano ‘yung kinukwento mo. Lakas ng loob mo na takutin ako, tapos ngayon naduduwag ka?” Oo na, sorry na. Joke lang naman ‘yung kanina, ‘di naman talaga ako tiga-Samar. Tiga-Camarines Norte ako. From the beautiful province of Bicol!
“Sorry na po.”
“Ano bang kailangan mo?” tanong niya.
“Pwede bang tabi tayo matulog?”
ANNOUNCEMENT: VOTE FOR MY STORY - LIVING UNDER THE SAME ROOF BOOK 1
PWEDE PO BA AKONG MAG-LAMBING SA INYO? PWEDE N'YO PO BANG I-VOTE ITONG STORY KO. KAPAG NASAMA PO SA TOP 200 NA MAY HIGHEST NUMBER OF VOTES 'YUNG STORY, MAGKAKAROON PO NG MAGANDANG PROMOTION 'YUNG BOOK KO DITO SA DREAME. KAPAG SA TOP 3 NAMAN PO MAY CHANCE NA MA-PUBLISH AS PHYSICAL BOOK.
SA MGA MAGVO-VOTE PO MAY REWARD DIN PO PARA SA INYO. LAHAT PO NG MAG-VO-VOTE MAY CHANCE PO NA MAKATANGGAP NG BONUSES GALING SA DREAME. ^_^ HINDI LANG PO KAMING WRITERS ANG MAY CHANCE NA MAGKA-REWARD, KAYO RIN PO.
ANG GAGAWIN N'YO LANG PO AY I-CLICK ANG GIFT ICON THEN CLICK REWARD PARA MAKA-VOTE. 1 VOTE PER DAY PO AT HANGGANG AUGUST 21 PO ITO.
KUNG WALA PO KAYONG MAKITA NA GIFT ICON, I-UPDATE NYO LANG PO MUNA 'YUNG APP PARA MAKA-VOTE NA KAYO.
THANK YOU SO MUCH PO SA LAHAT NA MAGVO-VOTE!! ^__^