KABANATA 15 TINA Ang bilis ng mga araw. Parang kailan lang sorpresa akong binisita nina Inay at Itay, pero ngayon paalis na sila, pabalik ng probinsya. Ang lungkot-lungkot ko. “Blake, alagaan mo ang anak ko ha? Pagpasensyahan mo na lang kapag minsan masungit ‘yan.” “Inay naman. Ako po ‘yung anak niyo eh. Bakit parang mas kampi pa kayo d’yan kay Blake? Ako nga inaaway niyan eh.” Tampo ako. Ako ang anak eh. “Hayaan n’yo po ‘Nay. Ako ang bahala d’yan kay Tina. Pababaitin ko po ‘yang anak n’yo,” sabi ni Blake sabay tawa. Hmp! Akala mo kung sinong sobrang bait! Mang-aagaw ng nanay! “Itay o. Tayo na lang kampi.” Oo na, para akong bata, pero tampo talaga ako. “Ito namang anak ko o. Makatampo agad.” Niyakap ako ni Itay nang mahigpit. “Mami-miss ko unica hija ko. Matagal na naman tayo hin

