KABANATA 14 TINA Kinabukasan. Araw ng Linggo kaya sinusulit ko ang tulog ko. “Tina! ‘Yung pinto. May tao.” Narinig kong sabi ni Blake. “Umm...” ‘Yon lang ang isinagot ko sa kanya. Inaantok pa ako. Ayoko pang bumangon. Ang aga pa. Istorbo siya. “Yung pinto. Pagbuksan mo ‘yung kumakatok.” “Umm… Ikaw unang nakarinig at ikaw rin malapit sa pinto, kaya ikaw na magbukas. Tamad mo. Utos mo pa sa ‘kin.” Umikot at umiba ako ng higa. Humarap ako sa may pintuan. Nakita ko si Blake na nakatayo na sa tapat ng pinto. Kalahati lang ng katawan niya ang kita ko nang dahil sa nakatabing na kurtina. Nagkakamot pa siya ng tagiliran niya. Hindi man lang nag-suot ng pang-itaas bago humarap sa bisita. Naka-shorts lang siya. Ipinikit ko na lang uli ang mga mata ko. Baka si Tommy lang naman ‘yon. Kaibiga

