KABANATA 31 TINA Next week finals na kaya puro aral at revisions para sa document ng thesis namin ni Andre. Pagdating ng alas-tres pinupuntahan ako ni Blake sa library, kaso pagdating ng alas-quatro darating naman si Andre kaya si Blake naman aalis. Medyo naghahabol kami sa thesis, dahil may mga revisions na kailangan gawin, kaya minsan si Andre, nagpupunta sa apartment namin ni Blake. Mabait naman si Blake kapag nand’yan si Andre o kaya minsan aalis siya. Sasabihin may pupuntahan o may bibilhin, kaya pagbalik niya, nakaalis na rin si Andre. Siguro tinutupad lang niya ‘yung sinabi niya na hindi na siya manggugulo sa amin. Alam kong hindi ko dapat maramdaman pero nalulungkot ako dahil pakiramdam ko ipinamigay na ako ni Blake, kaso wala naman kaming relasyon at magkaibigan lang kami.

