KABANATA 23 TINA Um-order pa kami ni Mia ng food and drinks. Juice lang uli dahil wala naman kaming balak na uminom at magpakalasing. Habang nginunguya ko ‘yung fries na sinubo ko, napatingin ako sa may pintuan ng bar. Nakita kong papasok si George na bestfriend ni Blake na kanina pa hinihintay ni Mia. Kasama nito ‘yung KJ na nangingibabaw ang ganda sa lahat ng mga babae na nandito. “Mia. Tingin ka sa may pinto. Nandito na sila.” “Sino?” “Si George and si KJ.” “Nasaan? Saang pinto?” Hindi mapakali si Mia sa kinauupuan. Pabaling-baling ang ulo niya pakaliwa’t kanan. Pasimple kong tinuro kung nasaan ‘yung dalawa. “Tatawagin ba natin? Dito natin pauupuin?” “Hindi pwede. Hindi naman nila alam na nakita ko na sila. ‘Tsaka hindi na kailangan. Ipapakilala naman sila sa atin ni Blake.

