KABANATA 24 TINA Paggising ko, wala pa rin si Blake. Tiningnan ko ‘yung phone ko. Nagbabakasakaling may text galing sa kanya pero wala. Tumingin ako sa mga bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng drawer ko. “Para kanino ka ba talaga? Tama bang inuwi kita?” bulong ko. Sinubukan ko siyang i-text, pero walang reply. Bakit kaya? Nag-aalala na ako. Ano kayang emergency ‘yung nangyari. Nasaan kaya siya? Okay kaya siya? Bago pa ako maloka sa dami ng mga tanong sa isip ko, nag-asikaso na lang ako para makapasok na sa trabaho. Magpapaka-busy na lang ako. Magpaparamdam din naman siguro si Blake. Siya pa! Nangako pa siya sa akin na hindi niya ako iiwan. Pero natapos ang Sabado at dumaan ang Linggo, wala pa ring Blake. Kahit anino niya hindi ko nakita. Pagsapit ng Lunes maaga akong pumasok. Nagpun

