KABANATA 26 TINA Pagkatapos nang mahabang pag-iyak ko, na tipong pwede ko na pigain ‘yung panyo ni Andre sa dami ng luhang inilabas ng mga mata ko, syempre kailangan ko rin tumahan. Alangan naman forever kami ni Andre doon sa classroom. Hindi na ako pumasok sa work ko. Wala ako sa sarili, at baka makabasag lang ako ng mga pinggan at baso o baka mapagpalit-palit ko na naman ‘yung orders ng mga customer. Sinabi ko na lang kay Andre na kung pwede ihatid niya ako sa bahay nina Mia. Kina Mia muna ako mag-stay. Hindi ko ata kayang umuwi at makita si Blake. Naglakad kami ni Andre palabas ng school hanggang sa makarating kami sa kanto. Nang nasa kanto na kami pumara siya ng taxi. Sabi ko nga mag-jeep na lang kami, pero ayaw niya. Siya naman daw ang magbabayad kaya okay lang. Pabor din naman

