Chapter 4

1098 Words
TAHIMIK lang sina Kesha at Andrew sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa masyon ng mga Sebastian.            Until now, hindi pa rin siya makapaniwala na welcome na welcome siya sa masyon. Mayaman din naman sila ngunit sigurado niyang di aabot sa kakating ang yaman nila kompara sa mga Sebastian.            “Ate Kesha!” rinig niya ang isang matinis na boses. She knew that voice very well. “Buti naman po napadalaw na uli kayo,” ani Lyka ang bunsong kapatid nina Andrew at Axel. Sampung taong gulang na ito. Sobrang gandang bata nito, halos nakuha niya ang mukha ni Tita Gianna. Bukod sa sobrang ganda nito, napakagalang at down to earth na bata rin nito.            Well, lahat naman ng magkakapatid ay ganoon ang ugali. Sa kabila ng yaman ng mga ito, they still kept their feet on the ground. Something that Tita Gianna taught to them. At pati na rin sa kaniya.            “Siyempre malakas ka sa’kin, eh.” She rarely visits them. After noong nangyari sa kanila ni Axel, hindi na siya gaanong bumibisita rito. Nahihiya siya sa mag-asawang Sebastian. Pakiwari kasi niya ay siya ang dahilan kung bakit ito umalis ng bansa at napilitang mag-aral ulit doon ang kaibigan. Mula sa komedor ng mansion ay lumabas si Tita Gianna niya. Nakangiti ito sa kanya. She still looks so beautiful despite her age. Edad lang ata nagdagdag dito pero yung mukha ay para pa rin noong unang beses niyang makita. “Kesha! Kung `di pa kita ipapasundo kay Andrew di ka na talaga dadalaw `no?” Lumabi pa ito sa kanya. Aminin niya na-missed niya rin ito. Bumeso muna ito sa kanya at yumakap nang mahigpit pagkatapos. “Pasensya na, Tita. Medyo na-busy lang.” “Sus!” Umirap ito “Wait lang, iyong niluluto ko, saglit lang at kakain na tayo.” Napaka-hands-on na may bahay ni Tita Gianna. Kesha really admires her. She wanted to be like Tita Gianna sa lahat ng aspeto. “Lyka, call Daddy na sa taas. Sabihin mo nandito na iyong isang anak niya.” Namula siya sinabi ni Tita Gianna mula sa komedor. Hinanap pa niya si Lyka kung nasaan na ito. Nakakarga pala ito kay Andrew, mukhang naglalambing. Her heart melted at the scene. Sa kabila ng nakakaintimidang tikas ni Andrew, nandoon pa rin ang soft side nito pagdating sa mga kapatid. Nahihiya nalang siyang ngumiti sa dalawa at tumalikod na para sundan at tumulong kay Tita Gianna. “KESHA, ikaw ba ay may nanliligaw na?”            Nasamid siya sa tanong ni Tito Dominic sa kanya, nasa dinning area na sila. Nasa pinaka-sentro ang padre de pamilya habang nasa kanan naman nito si Tita Gianna na katabi naman ang isa pa nitong anak na si Krissa, iyong pinakatamik sa lahat.            Magkatabi naman sila ni Andrew sa kaliwang bahagi ng mesa, inu-okupa niya ang pwesto ni Axel. Pero kahit naman nandito ito ay mayroon naman siyang sariling pwesto sa dinning table ng mga Sebastian. She was part of their family as per Tita Gianna and Tito Dominic. Bata palang kasi siya ay halos dito na siya nakatira sa mansyon ng mga Sebastian.            Nasa tabi pala ni Krissa ang bunsong kapatid na si Lyka, wala ang si Dranreb, ang isa pang lalaking anak nina Tita Gianna at Tito Dominic. May try-out daw ito sa basketball sa unibersidad na pinapasukan nito.            Inabutan siya ng tubig ni Andrew.            “Okay ka lang ba?” alalang tanong ni Tita Gianna.            “Opo, nabigla lang sa tanong ni Tito,” alanganin niyang sagot.            “Bakit naman? Mayroon na ba?”            Nate-tense siya lalo at narito si Andrew. Hindi niya alam kung bakit napaka-uncomfortable ng sitwasyon niya mula kanina.            “W-wala pa po.”            “Pero may nagpaparamdam?” usisa uli nito.            Umiling lang siya.            “Good, baka naman this time, you can consider Axel.”            Nanlaki ang mga mata niya.            “Po?”            “Axel will be back next month. Single pa rin iyon. Balita ko nga, he just gives you some time to think. I think, he will pursue you again.”            Namutla siya. Kita niya rin sa gilid ng kanyang mga mata ang biglang pagka-tense ni Andrew. Kung pwedi nga lang lamunin siya ng lupa ng mga sandali iyon.            Pero hindi niya pinahalata.            “Uuwi na rin po sa wakas si Axel?” Pinasaya niya ang boses. Sa totoo lang masaya naman talaga siya na magbabalik na ito. Ilang taon din naman silang hindi nagkita at nagka-usap.            “Yeah. So, are you willing to give him a chance this time?”            Namula siya nang tuksuhin siya ni Lyka. “Magiging totoong ate na po kita, Ate Kesha, bagay na bagay kayo ni Kuya Axel.            “Hindi ko po alam. Let’s just see nalang po pagdating niya.”            Iyon na ang pinaka-safe niyang sagot. Buti nalang at hindi siya nagkanda-utal-utal lalo pa’t nakita niya ang mahigpit na paghawak ni Andrew sa kutsara’t tinidor.            Natahimik ang lahat at nagpatuloy na lang sa pagkain.            Napatingin siya kay Tita Gianna niya at tanging ngiti lang ang ginawad nito. THEY were heading to her apartment.            Hinatid siya ni Andrew. Alam naman niya na sobrang tahimik at hindi palasalita ito pero kakaiba ang pagiging tahimik nito ngayon. Nakatingin lang ito nang diretso sa daan.            Nagulat siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Hindi siya tinapunan ng tingin ni Andrew na siyang kinakalma niya.            Kinuha niya ang nag-i-ingay na aparato sa kanyang bag at tinignan ang tumatawag.            Si Ramona.            Nangunot pa ang noo niya nang makitang ito ang caller. Ano kaya ang kailangan nito sa kanya? This must be so important. Hindi nito ugali ang tumawag agad. Usually, she would text her first.            “Hello,” bungad niya.            Nailayo niya ang kanyang hawak na aparato nang biglang tumili ito.            Okay, hindi importante ay sadya nito.            “Kesha, naka-chat ko na si Rico, game daw siya.”            “Rico?”            “Oo, yung pinsan kong nirereto ko sa’yo. Update nalang kita `pag pareho na kayong free.”            Sasagot pa sana siyang nang biglang magpreno si Andrew. Hindi pa siya nakaka-recover sa ginawa nito ay hinablot nito ang aparatong hawak niya.            Madilim ang mukha nitong nakatingin sa kanya.            “She would not date that f*****g Rico!” sigaw nito at pinatay ang tawag.            Natulala siya.            “You! Woman! You have to face the consequences for all of these shits! Kanina mo pa ako ginagalit!” Dumagundong ang boses nito sa nakahintong sasakyan.            Bago pa ulit siya makapagsalita ay mini-obra na nito uli ang sasakyan. Lumiko ito sa ibang direksyon. At familiar siya sa daang tinatahak nila.            Sa penthouse nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD