“KESHA, ang blooming mo ngayon, ah! Kung `di ko lang alam na wala kang jowa. Iisipin kong nadiligan ka kagabi.”
Muntik nang masamid si Kesha dahil sa sinabi ng kaibigan si Ramona, isang sped teacher din tulad niya. Kasalukuyan silang nasa school canteen at kumakain ng kanilang tanghalian.
Kung alam lang nito na nadiligan siya kagabi ni Andrew. Hindi na nga siya halos nakatulog dahil sinulit nito ang ilang araw na hindi sila nagkita.
“Uy! Marinig ka! Nakakahiya!”
“Gaga! Anong nakakahiya sa pagiging blooming, unless may nandilig sa’yo tapos hindi mo jowa!” Humagikgik pa ito.
Tuluyan na siyang nasamid. Nasapol nito ang kanyang kasalukuyang sitwasyon. Ba’t ba kasi ang tabil ng dila ng kaibigan niya ito.
They have been working for 3 years now. Nauna lang siya rito nang mahigit isang taon. Since the day Ramona started teaching. Siya na ang naging ka-chismis-an nito sa lahat ng bagay. Ito rin ang nag-celebrate ng birthday noon, iyong gabing binigay niya ang sarili kay Andrew. The night when everything about their little secret started.
“Alam mo, ang tabil talaga ng dila mo!”
Kumuha ito sa ng isang piraso ng french fries sa harap niya at sumubo muna bago nagsalita.
“Alam mo, ang ganda mo naman. Matalino, halos lahat naman na sa’yo na. Jusko, wala pa ba talagang nagtatangkang manligaw?”
Heto na naman sila.
“Nako, kung mayroon man, ikaw ang unang makaka-alam. Alam mo naman bahay-eskwelahan lang ako. Hindi nga ako lumalabas `diba?”
Simula kasi nang gabi `yon ay hindi na siya ulit nakapunta sa mga bar. Kahit anong yaya ni Ramona o ng ibang mga katrabaho niya ay hindi na siya pumayag na lumabas muli. She knew herself very well. May mga bagay na nasasabi at nagagawa siyang hindi dapat. At isa pa, kabilan-bilinan ni Andrew na `wag na `wag na siya ulit pupunta sa ganoong lugar. At lalong `wag na `wag siyang titikim ng alak. Dahil tiyak na makakapatay raw ito oras na may nagtangkang humawak na lalaki sa kanya.
At some point, kinilig siya sa mga sinabi ni Andrew sa kanya. Kahit pa nga s****l relationship lang mayroon sa kanila.
“Eh, kung kasing sumasama ka sa mga gala `di ba? Sana may nakapansin na sa ganda mo. Uy! `Wag mong itago iyan. Kung ganyan lang ang mukha ko. Tas kasing kinis ng balat mo at kasing ganda ng katawan. Nako! Baka `di ako teacher ngayon. Laman ako ng mga beauty pageants!”
Napa-iling-iling siya. Hindi lamang ito ang nagsabing maganda siya kung hindi rin ang iba pa nilang co-teachers. Wala naman din kasi silang ka-trabahong lalaki, mayroon naman pala. Kaso lalaki rin ang hanap.
Lagi nga nilang sinasabi na hawig siya sa artistang si Max Collins. Hindi niya kilala iyon pero ng minsang tignan niya ang larawan ay nabigla siya. May hawig nga sila at hindi siya makapaniwala dahil nga sa maganda ito.
Siguro nga bumaba ang self-esteem niya. Paano ba naman ay walang pumapansin sa kanya noon.
“Wait! May ipapakilala ako sa’yo!” Nagningning ang mga mata nito at tila may naisip na magandang ideya. “Yung pinsan ko, darating sa makalawa. Single iyon. Jusko, nuknukan din ng gwapo at halos ka-edaran lang natin. Irereto kita sa kanya.”
“Tigilan mo nga ako, Ramona!”
“Ako ang tigilan mo! Sa ayaw at gusto mo, ise-set ko kayo ng date! Haler! Dagdag inspirasyon din ang ang may love-life `no! Tignan mo ako, kahit stressed sa mga bata ay keri lang kasi may jowang tagatanggal ng stress ko sa buhay.”
“Bahala ka nga.”
Hindi na siya ito pinatulan.
Ilang saglit pa silang nag-stay doon. Nang malapit nang matapos ang lunchbreak nila ay tumayo na sila. Niligpit lang nila ang pinagkainan at tinapon sa basurahang ang mga dumi.
Nakakailang hakbang palang siya nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Kinuha niya ito at nakitang may text galing kay Andrew.
Napakunot ang noo niya. He rarely texts her. Teka, wala nga siyang naalalang nag-text ito sa kanya. Puro tawag lang, lalo pa at pinapunta siya nito sa penthouse nito.
“I’ll fetch you after your work, mom wants you to have dinner with us.”
Nag-send nalang siya ng reply bilang pagsang-ayon. Aminin man niya o hindi, kinilig siya sa ideyang susunduin siya ni Andrew.
“Oy, nakita siya! Sino `yan?” usisa ni Ramona.
Nailing siya sa inasta nito. “Wala, susunduin daw ako ni Andrew.” Kilala nito si Andrew at Axel dahil na rin kay Tita Gianna niya. Naikwento na rin niya ang tungkol sa mga ito at kung ano sila sa buhay niya.
“Ah, si Andrew. `Yung kambal na medyo masungit ang awrahan?”
“Grabe siya, oh!”
“Totoo naman, eh. Base na rin sa kwento mo. Teka nga diba may girlfriend iyon? Bakit ka naman susunduin?” may pagdududa sa boses nito.
Kinalma niya ang sarili. “Doon daw ako mag-d-dinner sabi ni Tita Gianna. Pinasundo lang ako kay Andrew, ikaw talaga kung anu-ano iniisip mo! Isa pa boyfriend iyon ng bestfriend ko!”
“Kalma! Mas bagay lang talaga kayo nung lalaking iyon. Ahasin mo kaya?”
Nanlaki ang mga mata niya.
“Joke lang!” tatawa-tawang bawi nito. “Sama ako maghintay sa kanya mamaya, ah? Minsan lang ako makakita ng ganoon ka-gwapong nilalang. Paano pa kaya kung sabay kong makita ang mga kambal? Baka maihi ako sa kilig!”
“GRABE, Kesha ang gwapo talaga niyang si Andrew. Ay teka!”
Pareho pa silang natigilan ni Romana nang hawakan siya nito sa braso.
“Bakit?” alalang tanong niya.
“Nalaglag ata yung panty ko,” bulong nito sa kanya.
Ilang saglit siyang natulala hanggang sa mag-sink-in ang sinabi nito. Pareho silang natawa sa kagagahan ni Ramona. Kahit kailan talaga ay iba kung bumanat ito.
“Nakuha mo ako roon, ah!” tatawa-tawang sabi niya.
Naglakad sila muli patungo sa harap ng gate ng school kung saan naghihintay si Andrew. Nakasandal ito sa sasakyan nito.
He looks devilishly handsome in that very moment. Nakayuko ito habang ang isang paa ay tinatapik-tapik ang sementadong daan. Nakapamulsa ang mga kamay sa pantalon nitong mamahalin.
May mangilan-ngilan ngang taong napapabaling ang tingin dito. And he seemed he doesn’t care to anyone, typical Andrew Sebastian.
Ilang dipa lang ang layo nila nang mag-angat ito ng tingin sa kanila.
“Sorry sa paghihintay,” panimula ni Kesha. Hindi naman ganoon katagal naghintay ito but knowing Andrew Sebastian, ayaw nitong pinaghihintay. Maiksi ang pasensya nito hindi tulad ni Axel.
Tumango lang ito at mabilis na tumalikod, medyo nagulat pa siya nang pabuksan siya nito ng pinto ng kotse.
“Let’s go.”
Napatingin siya kay Ramona. Grabe talaga ang lalaking ito. Ni hindi man lang nito in-acknowledge ang presensya ng kanyang kaibigan.
Ngiting-ngiti pa rin itong si Ramona. Kinilig pa ata ang gaga sa kabastusan ng lalaking nasa harap nila.
“Ah, sige Kesh! Una na rin ako. Iyong palang sinabi kong pinsan kong irereto ko, ah? `Wag ka na tumanggi. Bye!”
Halos takasan siya ng dugo dahil sa sinabi nito. Bakit kailangan pa nitong ulitin iyon, at harap pa mismo ni Andrew?
Unti-unti siyang napalingon dito. He squinted his eyes. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang narinig. Ramdam niya iyon sa presensya ng matikas na lalaki.
“Get in,” maawtoridad na saad nito.
Mabilis itong naglakad papunta sa kabilang kabisera ng sasakyan. Tumalima naman siya nang marinig ang may kalakasang pagsara ni Andrew ng pinto.
Nang maka-upo siya ay tila nawalan ng hangin ang loob ng sasakyan. She felt the sudden suffocation at the moment.
Napatingin siya sa kay Andrew nang hindi pa rin nito paandarin ang sasakyan. He was holding the steering wheel so tight, veins protruding in his arms. His jaw clenched.
Humarap ito sa kanya na nagpatigil lalo ng kanyang hininga.
He smirked at her. Nanginig ata ang mga bawat kalamnan niya.
“Reto? So, you are looking for a new guy?” he sounded so calm at the same time so dangerous. Heto yung tono na ayaw mong marinig sa isang Andrew Sebastian.
“H-hindi… Hindi ko alam ang sinasabi ni Ramona.” Ba’t ba ayaw gumana ng utak niya? Hindi niya ma-proseso maigi ang mga dapat isasagot niya.
“Really, Kesha Madrigal?”
Napamura siya isip. Nakakatakot ang tono ng pananalita pero hindi niya maitatanggi na may kung ano sa loob niya ang nag-iinit.
“O-oo, Andrew. You know, I’m not lookin---”
“Just make sure, Kesha. Just make sure. You know what I am capable of.”
She was astounded for a moment.
“Yes, please calm down, okay? You know I am all yours, right?” She tried to pacify him to lessen the tension inside his car.
“Kiss me.”
She blinked. Trying to process what he just said.
“I am waiting.”
Wala na siyang nagawa kung hindi sumunod. Akala niya ay simpleng kiss lang sa labi pero ginawaran siya nito ng halik na tila nagpaparusa hanggang sa naging marubdob ang halikan nila.
“Better.”
Hindi na siya nagsalita.
She needed to stick to their agreement.
Agreement to be his f**k buddy until his girlfriend, Myrthle, came back.
Siya naman ang nag-insist ng bagay na iyon, na tatapusin nila ang kanilang bawal na relasyon sa oras na bumalik na ang taong mahal nito.
Pero bakit ang sakit?