Chapter 12: " Hinde pwede ito!!!!"

778 Words
Matapos ng pag-uusap nina Ren at Zel ay hindi pa rin maka get over si Zel dahil sa mga rebelasyongf ipinagtapat ni Ren. Marming gumuglo sa utak nya ngayon. Si ren, jen at maging si Jess. Masyado syang nahihirapan ngayon halo halong emosyon ang nararamdaman nya. Pag-aalala, pagkagulo, at pagtataka. Pag-aalala dajil alam niyang ang pinaka matalik na kaibigan niya ang labis na masasaktan kapag nalaman niya kung sino ang dahilan kung bakit hindi siya magagawang mahalin ni Ren. Pagkagulo dahil di talaga sya makapaniwala na siya pa ang minahal ni Ren kung titingnan naman talaga sa kalagayan pa lang ng estado ng pamumuhay nila mukhang napaka imposible ng mga bagay bagay. At pagtataka dahil ang alam niya sa sarili niya si Jess ang gusto niya hindi si Ren pero bakit mula ng marinig niya ang mga sinabi ni Ren bakit lubha cyang nagtataka sa knyang nararamdaman bakit may bahagi ng puso niya ang kinikilig sa isiping siya ang mahal ni Ren at may parte ng utak niya na nagsasabing si Jess ang gusto niya dahil siya ang perfct guy nya. dahil sa mga isiping un hindi talaga nakatulog ng maayos si Zel ng gabing iyon... higa, upo, lakad at tayo ang ginagawa niya buong magdamag.... Madaling araw na siya nakatulog kaya nahuli siya ng gising... "Ay! patay late na ako sa school...." halos liparin ni zel ang CR para makapagligo at makapaghanda para pumasok.... "Zel.. teka di ka ba kakain ng agahan?" tanong ng kanyang ina. "Hindi na po nay,, malilate na po ako sa school mamaya na lang po ako sa recess kakain". sagot ni Zel. "o sige mag-iingat ka papasok..." "ok po,, salamat alis na po ako.." Hingal na hingal si zel pagdating sa unang klase niya.. "Hay!! salamat di ako nahuli.." napangiti naman siya ng maka-upo na saktong dating naman ng kanilang propesor.Matapos ang kanilang klase ay mabilis na siyang umalis upang sumaglit sa library. "wait,, sis!!" Napahinto naman si Zel sa kanyang paglalakad ng marinig niya ang tawag ni Jen. "Oh! bakit sis.." nakangting wika ni Zel. "Uy! bakit muntik ka ng mahuli kanina ha?" tanong sa kanya ni Jen. "Ah!! kasi nalate ako ng gising may mga tinapos pa kasi ako kagabi kea late na akong nakatulog kagabi..." Paliwanag nmn ni Zel. "Ah! ganun ba" nakangiting wika ni jen.. "Sige sis una na ako sayo may gagawin lang ako sa library." " ok sige sis maypupuntahan din ako eh." wika ni Jen. Nagmamadaling pumunta si Zel sa library pagbungad pa lang niya sa pinto ng library ay may pamilyar ng lalake ang sumalubong sa kanya. Di niya alam kung kakausapin o iiwasan ba niya ito. "Zel kausapin mo naman ako oh!!" pagsusumamom ni Ren. "Sorry Ren wala akong oras makipag-usap sayo ngayon". "Zel, kahit anong iwas ang gawin mo hindi kita titigilan." "Bakit ba Ren iwasan mo na ako,wag mo akong guluhin.. kung ano man yang nararamdaman mo saken tigilan mo na si Jen ang mas bagay sayo hindi ako.. at wala akong gusto sayo ayoko ring masira ang friendship namin ni Jen dahil sa kadahilanang yan kaya Ren ngayon pa lang kalimutan mo na ako... alis na may gagawin pa ako sorry.." Walang nagawa si Ren kundi iwan si Zel. Lingid sa kanyang kaalaman na sinundan siya ng tingin ng dalaga habang naglalakad ito na waring pinagsakluban ng mundo.. Mababakas sa mga mata ni Zel ang awang nararamdaman sa binata alam niyang sobrang sakit ng mga salitang nabitawan niya pero mas makakabuti na yun kaysa lalo pang gumulo ang sitwasyon.. aaminin niyang kahit siya ay may naramdamang sakit din ng bitawan niya ang mga salitang yun.. at di nya alam kung bakit dahil sa ngayon sobrang naguguluhan din siya sa mga rebelasyong nalaman nya kahapon.. Pero kung ano man ang nararamdaman niya ngayon natatakot siyang alamin pa dahil ayaw niyang maipit sa isang sitwasyong alam niyang siya ang mahihirapan. Pero ano nga bang dapat niyang gawin sa mga ganitong sitwasyon?.. paano niya haharapin ang katotohanang maging siya ay nagsisimula na ring mahulog ang loob sa binata at di niya malaman kung kailan pa ito nagsimula. Maaari kayang nung una pa lang nilang pag-kikita sa party na dinaluhan niya? o nagsimula ito sa mga pang-aasar na ginagawa nito sa araw-araw na magkikita sila.Napailing na lang ang dalaga sa mga isiping yun. Basta ang alam niya hindi pwede... hindi pwede...dahil ayaw niyang masaktan ang nag-iisang taong tumanggap sa kanya ng walang alinlangan sa paaralang pinapasukan niya ngayon. pero bakit ganun may kirot talag siyang nararamdaman sa isiping hindi sila pwede ni Ren.... Oh!!! may gulay Zel.. Ano na?, ano na nga ba ang dapat at hindi mo dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon?...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD