Chapter 11: "It's Hurt"

1817 Words
Habang nasa sasakyan si Jen hindi niya mapigilan ang luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata dahil sa mga sinabi ni Ren. "Hu,Hu,hu,hu!!! bakit Ren.. bakit di mo ko kayang mahalin,, bakit kahit ibinaba ko ang pride ko wala pa rin akong napala.. ano pa ba ang wala saken?,,, mahal,na mahal kita pero bakit mo ko ginaganito?" wika ni Jen sa kanyang sarili.. "Ah!! basta hindi ako susuko ipaglalaban ko kung anong nararamdaman ko,,!!" sabay punas ng kanyang mga luha...at isang mapait na ngiti. Hindi nakatulog si Jen ng gabing un dahil paulit ulit niyang naririnig ang mga binitiwang salita ni Ren ng mag-usap silang dalawa.Pero nagawa pa rin niyang pumasok ng maaga kea heto sya ngayon naglalakad papunta sa library kung saan andun ang kanyang nag-iisang kasangga pagdating sa mga problemang nakakaharap nya.. "Hi,, sis.. gandang morning.." pinilit niyang pasiglahin ang boses niya para ikubli ang sakit na kanyang nararamdaman pero kung ibang tao siguro ang kaharap nya magiging ipektibo ang kanyang ginawa malas nya lang dahil ang kaharap nya ngayon ay ang nag-iisang tao na kayang basahin kung anong nararamdaman at iniisip niya... "Oh! gud morning din sis,, ahm!! may problema ka tama ba?" tanong ni Zel. Napatawa lang si Jen at napayuko.." Kilala mo talaga ako sis.. sabay pakawala ng mga luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata niya kaya niyakap na lang niya ng mahigpit si Zel at tuluyan ng pinakawalan ang mga luhang un.. "Sis.. ang sakit pala na mabaliwala ng taong natutunan mo ng mahalin ng sobra kahit alam mo sa sarili mong di ka nya kayang mahalin andun parin ung hope na baka isang araw pag gising mo mahal ka na rin niya..." "Bakit Jen ano ba talagang nangyari sayo, naguguluhan ako at sino ang tinutukoy mo?" naguguluhang tanong ni Zel. "Sis pinagtapat ko na kay Ren kung anong feeling ko sa kanya pero sinabi nyang kalimutan ko na sya dahil kahit kailan hindi nya ako magagawang mahalin... hu,hu,hu!!!" pagsusumbong ni Jen sa kanyang BFF.. "ah! kaya pala parang sinakluban ka ng langit at lupa" wika ni Zel habang hinahagod ang likod ng kaibigan upang kahit papaano ay mapakalma niya ito. "Sis, tama na yan dont worry mawawala rin yan,, sige iiyak mo lang yan andito lang ako". Dinala ni Zel si Jen sa isang lugar na sila lang dalawa ang nanduon. Sinabi ni Jen lahat ng nangyari at napag-usapan nila ni Ren. "Ganun pala ang nangyari pero sis di ba kahit papaano mas mabuti na yung ganun ang nangyari, kasi hindi ka nya nagawang paglaruan naging honest lang siya sayo..." wika ni Zel. "Ahm! siguro nga sis tama ka pero bakit ganun? kahit na pinagtabuyan niya ako andun parin ung hope na mamahalin din nya ako at andun ung kagustuhan kong ipakita at iparamdam ko na umaasa parin ako na magiging kami sa huli.." sagot ni Jen. " Sis natatakot ako sa binabalak mo baka sa huli ikaw lang ang mapahamak at lalong masaktan kung patuloy ka pa ring aasa na mangyayari un.." Hindi nakaimik si Jen at halatang malalim ang iniisip. "Ah! basta Zel hanggat wala akong nakikitang nagiging GF o asawa si Ren aasa p rin ako at gagawin ko ang lahat ng pwede kong gawin mapasakin lang sya." pagmamatigas ni Jen halata ang pagiging determinado sa tono ng boses niya. Walang nagawa si Zel kundi ang mapailing na lang dahil alam niyang pag nagdisisyon ang kaibigan ay pinaninindigan niya ito hanggang sa huli. Matapos ang naging pag-uusap ng dalawa ay naghiwalay na sila dahil may kailangan pang tapusin si Zel sa library. Habang naglalakad siya ay biglang may humawak sa kamay niya mula sa kanyang likuran. Laking gulat niya ng ang mukha ni Ren ang kanyang nakita. " Oh! bakit ano na namang problema mo hindi ka pa ba masaya matapos ng ginawa mo sa kaibigan ko?" mataray na wika ng dalaga. "Ah! nakapag usap na pala kayo ni Jen" seryosong wika ni Ren. Bigla namang nagulat si Zel sa naging reaksyon ni Ren, dahil iba un sa inaasahan niya ang akala niya magmamalaki pa ito dahil may isang babaeng nagkakandarapa sa kanya. "Zel, gusto kong malaman mo na hindi ko gustong saktan ang BFF mo. Sinabi ko lang ung toto o ayoko kong umasa siya na magiging kami sa huli". "Pero sana Ren hindi sa ganung paraan para lang kasing sobra ang ginawa mo nagmukhang mababang babae ang kaibigan ko". "OO, Zel alam ko un mali nga ko ng way kung paano ko tinapat si Jen kea nga gusto ko sana siyang makausap na masinsinan, gusto kong humingi ng sorry sa naging attitude ko nung nag-usap kami,, mainit lang kasi talaga ang ul ko kahapo kea siya ang napag diskitahan ko." mahabang paliwanag ni Ren. natahimik naman si Zel na halatang naunawaan kung anong gustong iparating ni Ren. " Ok ang alam ko pupunta sya ngayon sa gym.. may practice kasi sila ng cheer dance puntahan mo na lang siya dun kung gusto mo talag siyang makausap". wika ng dalaga. Aalis na sana siya ng bigla na naman siya niting hawakan sa kanyang kamay." Zel wait!" "Oh! bakit may kailangan ka pa?" "Zel pwede bang mag-uasap muna tayo?" "Ha?,, tungkol saan?" nakaramdam ng kaba si Zel hindi niya alam kung bakit pero parang magkakaiba sa mga mata ni ren halatang seryoso at parang may napakahalagang gustong sabihin. "Ah! ok sige'. Pinili nilang pumunta sa lugar kung saan makakapag usap sila ng masinsinan. Kung noon bawat pagkikita nila ang puro ingay at sigawan ang nagyayari, ngayon ibang-iba na tahimik at halatang nagkakailangan ang dalawa sa isa't isa.Magkatabi silang nakaupo sa isang mahabang upuan na kahoy at nakaharap sa dalampasigan na tanaw mula sa kanilang kinauupuan. "Zel!!" "Hmm?.. ano pag-uusapa nati?" "Zel alam mo ba ang dahilan kung bakit kahin kailangan hinding hindi magiging kami ni Jen?" "Bkit nga ba di ba nasakanya na ang lahat ng katangian na hinahanap ng mga kalalakihan?" "Haiz!! siguro nga tama kah nasa kanya na ang lahat." "Oh! bakit imposibleng magustuhan mo pa sya?" "Kasi may nauna na sa kanya,," "Ha?... anoing ibig mong sabihin may GF ka na?.. pero imposible un dahil kung meron kumalat na un sa campus natin" bulalas ni Zel. "He,he,he!!" di napigilan ni Ren ang mapatawa sa naging reaksyon ng dalaga. "Oh!! bakit ka natawa?.. bigla namang nailang ang dalaga dahil nang mapatitig sya sa binata habang tumatawa ito ng malakas parang bigla siyang may naramdamang kakaiba. Ngayon lang niya nakita ang ganung side ng pagkatao ng binata.."Wow.. si Ren ba ang kaharap ko, bakit parang ibang-iba sya sa Ren na nakilala ko?" wika ni Zel sa sarili. "Wala lang nakakatawa kasi ang reaksyon mo".. nakangiting tumingin si ren kea lumabas ang magagandang ngipin at cute na dimple nito na lubhang nagpabilis ng t***k ng puso ng dalaga.. "Shok's ano ba tong nararamdaman ko diba sya ang taong pinaka mumuhian ko dahil sa kagaspangan ng ugali nito,,, bakit ngayon para akong nahipnutize sa ngiting ipinakikita nya saken ngayon?... "Huy!..." wika ni ren. "Ha?.. bakit?" biglang natauhan si Zel mula sa pagkatulala. "Bakit natulala ka dyan?" "Ha/ ah! eh!! wala namn iniisip ko lang kung anong nakakatawa sa mga sinabi ko?" pag-kukunwari ng dalaga. "Wagas ka kasi makareak dyan.." "totoo naman kasi sinasabi ko sa sobrang sikat nyo sa school di malayong maging trending kayo sa school pagdating sa mga ganyang usapan." "Ahm!! sa bagay tama ka dyan.." "Di sumang auyo karin.. pero sabi mo may nauna na kay Jen.. sino naman un?" Natigilan si Ren sa pagtawa at muling sumeryoso ang mukha at nagpakawala ng isangmalalim na buntong hininga. "Oo tama ka sa narinig mo." ""Ah! kung ganunsino naman un at saan mo sya nakilala?" pag-uusisa ni zel. "Una ko syang nakita sa isang party na kung saan nagkaroon pa kami ng pagtatalo.." panimula ni Ren. "Ha?,, as in nakaaway mo pa?.. ahm!! sa bagay di na ko nagtataka sa ugali mo ba nmn ha,ha,ha!! malakas na tawa ni Zel. Naptigil siya nang tumingin sa kanya si ren. "Upz sorry sige tuloy mo na pagkukwento." nakangiting wika ng dalaga. "un nga simula noon pinangako ko na hinding hindi ko titigil hanggat hindi ko sya muling nakikita... akala ko mahihirapan akong hanapin syang muli pero nagkamali ako.. dahil mabait ang pagkakataon saken nakita ko agad sya nung unang pasukan pa lang.. tulad ng inaasahan ko talagang napaka sungit nya,, at napaka pikunin kea nakakaaliw talaga sya bukod pa dun ng malaman ko ang sitwasyon nya sa buhay humanga talaga ako sa kanya,, bukod sa masipag, simple babae kakikitaan mo talag sya ng tapang at determinasyon na lahat ng pagsubok sa buhay nya kaya nyang lampasan... siya lang talaga ang babaeng nakakuha ng atensyon ko... kahit na maraming ipinakikilala sina mama at mga kaibigan ko saken sya pa rin ung hinahanap ko.. kapag di ko sya nakikita di ko mapalagay parang kulang araw ko na hindi sya nakikita at nakakausap... kahit parang aso't pusa kami kuntento na ako dun basta alam kong malapit lang say saken at balang araw makakaroon din ako ng lakas nga loob para magtapat sa kanya kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanya." mahabang pahayag ni Ren habang nakatitig sa kawalan. Hindi niya alam na nakatitig sa kanya si Zel dahil nahuhulaan na niya kung sino ang tinutukoy nito. Ayaw tanggapin ng utak niya ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng bnata iniisip niyang baka nagkakamali siya ng hinala dahil napaka imposible ng naiisip niya. Isipin pa lang niya kung anong istado nito sa buhay ay lubhang napakalabo talangang maging totoo ang tumatakbo sa utak niya.. "Zel,,," wika ni Ren.. "Ha?" Bigala namang natauhan ang dalaga.. "Zel alam kong kilala mo na kung sino ang tinutukoy ko." Nagulat si Zel ng bigla nitong hawakan ang dalawang kamay niya at itapat un sa dibdib ng binata. "Ren..." nakatitig ito sa mukha ng lalake at ngumiti nmn ito sa kanya "yes.. zel ikaw un.. since we meet sa partyng un di nakita nakalimutan" "Kea ba kahit anong taboy ko sayo at masasakit na salitang binitawan ko di mo pa rin ako nilalayuan dahil sa may gusto ka saken?" "OO, kahit na minsan pati pride ko natatapakan mo na wala akong pakialam basta alam kong nasa paligid lang kita kuntento na ako dun." " "Pero napaka imposible ng sinasabi mo".. sabay tayo ni Zel . " Pero Zel,, un ang totoo bakit ba ayaw mong maniwala?" Tumayo na rin si Ren.. "Sorry Ren pero mali ang nararamdaman mo hindi tayo bagay sa isa't isa si Jen na lang ang piliin mo".. sabay takbo palayo sa binata. "Zel" sigaw ng binata pero pero hindi na lumingon pa si Zel patuloy lang ito sa pagtakobo papalayo sa kanya. Nakaramdam ng sobrang sakit sa dibdib si Ren at wala siyang nagawa kundi ang muling mapaupo. "Ngayon alam ko na kung gaano kasakit ang naramdaman ni Jen ng tapatin ko sya.." wika ni Ren sa sarili..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD