Sheena's POV
"You know my friend. You are so admirable. Dahil nag-aaral ka na nagtatrabaho ka pa. Hanga talaga ako sayo." Mapaglarong turan ni Marsh while brushing her hair using her fingers.
Andito na kasi ako sa coffee shop dahil wala naman kaming klase ngayon. Kaya pumasok ako rito sa part time job ko.
"Naku Marsh. Kung pwede lang huminto ng pag-aaral. Huminto na ako. Dahil masgugustuhin ko pang makatulong kay mama." Sabi ko habang abala ako sa pag-iinventory ng mga coffee dito sa may counter.
Si Marsh naman ay hindi mapakali sa harapan ko. She still brushing her smoothed hair.
Kanina niya pa sinusuklay ang mahabang niyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri.
"Grabe ka naman. Ganoon talaga ang buhay mahirap. Kailangan mo talagang magtiyaga katulad ko. Kaya fight lang ng fight. I believe that someday you will reach your dreams." sabi niya.
I'm glad at her because besides of my hopeless situation she yelled with it.
"Sabi nga nila. Work in silent and let your success make the noise." naghugot pa talaga si Marsh.
"Naku Marsh. Ang daming mong nalalaman ah." Sagot ko habang hawak-hawak ko ang isang pack na coffee.
"At kapag successful ka na. Beke nemen. Pwede mo rin akong maging body guard diyan." sabay kalabit niya sa akin na natatawa.
Sumalubong naman ang mga kilay ko dahil sa pagbibiro niya.
"Ipagtatanggol talaga kita sa mga maling tao." pagpapatuloy niya.
Natawa na lang ako. Ito talagang si Marsh ang daming pakulo.
"Naku Marsh. Tigilan mo nga ako. Kung ano ano nalang ang naiisip mo." sabi ko sa kaniya.
"Ito naman lagi na lang seryoso. Hindi man lang mabiro." sabi niya habang nakanguso.
"Kaya mag-aral kang maigi ah. Dahil andito lang ako. I'm your always best friend that always claps in your success. I swear it." nakangiting sabi ni Marsh.
Napabuntong hininga naman ako.
"Thank you na lang ah. Kasi may napakabait akong bestfriend na laging akong pinapatawa. Lagi akong kinukulit." sabi ko sa kaniya.
Ito talagang si Marsh ang bait. Paglagi ko siyang kasama. Lagi niya akong pinapatawa.
She is super corny ang naughty bestfriend.
I need someone like her. To cherish me when I am down. To comport me by her words just a cliche.
Pagkatapos ng work ko ay umuwi ako. Nadatnan ko ang may-ari ng apartment na inuupahan namin ni mama.
"Miss pasensya na. Pero kailangan niyo nang umalis sa apartment na ito. Dahil sa hindi na kayo nakakabayad ng renta." sabi ng lalaki.
"Huwag naman po kayong ganiyan. Magbabayad mo kami ni mama." sabi ko.
"Yan na naman tayo. Palagi na lang magbabayad kayo eh wala naman kayong binabayad. Luging lugi na kami iha." galit na sabi ng lalaki.
"Pero wala na po kaming mapupuntahan ni mama. Parang awa niyo na po. Huwag niyo po kaming paalisin. Huwag naman po kayong ganito. Magbabayad na po talaga kami." sabi ko.
"Wala na po kaming matutuloyan ni mama. Parang awa niyo na po." pagmamakaawa ko sa lalaki.
"Hindi ko na problema yon kong wala kayong matitirahan o mapupuntahan. Maghanap na lang kayo ng iba." sabi niya at pagkatapos ay sumindi siya ng sigarilyo.
"Atsaka nai-offer na namin ang bahay na ito sa iba. Kaya pasensya na." dagdag niya.
Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya sahalip pumasok ako ng apartment. Kinuha ko ang mga gamit namin ni mama at pagkatapos ay lumabas.
Sa hindi ko namalayan umiiyak na pala ako.
Iniwan ko na lang ang lalaking nakatayo sa harapan ng apartment.
"Oy iha. Hindi pa kayo nakaka bayad. Bumalik ka." rinig kong siyaw ng lalaki.
Hindi ko na siya nilingon pa sahalip ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
I don't even know where I am going actually. I don't know what to do. I'm just walking while carrying the rag luggage.
My tears escaping from my little pretty eyes. Tila walang katapusan ang pag-agos ng mga luha ko kanina pa.
Wala man lang kasing puso ang mamang 'yon. Hind niya man lang nagawang intindihin ang kalagayan namin ni mama. Para palayasin kami sa apartment.
Habang hila-hila ko ang sira-sirang lumang maleta. Pinagtitinginan ako ng mga tao.
Humahagolgol lamang ako sa iyak.
Ganoon ba talaga ang mga tao dito sa Pilipinas? Kailangan pagmasdan ka at suriin kung ano ang kalagayan mo? Pero wala naman silang pakialam sa sitwasyon mo.
Wala na akong pakialam sa kanila. Dahil ang iniisip ko sa ngayon ay kung saan kami tutuloy ni mama. Kung saan kami matutulog.
I'm walking through the street. I wish I could not stay here longer.
Nothing easier ever, worst time always happen in my life.
Is this our destiny? Our fate?
Ito ang ayaw kong mangyari pero nagaganap. Ito ba ang tinatawag na tadhana? Oh kay lupit naman.
Napaupo ako sa bench. Malapit sa may Jollibee at doon na ako napahagolgol sa iyak. Ang sakit sakit lang kasi sa apdo na palagi na lang ganito ang buhay ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Magiging pagal-gala na rin kaya ako sa tabi ng kalsada!
Marami naman doon ang natutulog at masayang kasama. Walang Netflix pero ang kwento ng buhay ay parang nasapelikula.
Napamasid ako sa madungis kong sapatos at sira-sira na. Na siyang nagsasalamin nang kapalaran ko.
Kung i-kuwento ang buhay ko sa drama ay parang korean nobela. Kawawa naman ang gaganap na artista. Magiging pulubi at walang pera tapos matutulog pa sa tabi ng kalsada.
Lagi na lang ganito. Kasing pait ng ampalaya ang buhay ko. Sana bukas maka-candy man lang.
Mabuti pa si Jollibee. May burger at masaya, samantalang ako. Ikaw lang ang mayroon ako tapos iniwan mo pa. Ngayon butas-butas na lang sapatos ang mayroon ako na siya kong kasa-kasama.
Akala ko ba. One for all. All for one? Tapos walang iwanan.
Bakit masaya ka? Malungkot ako?
Bakit may pera ka? Butas ang bulsa ko?
Ngayon nasaan ang hustisya?
All I need is someone who will listen to all my dramas and grievances.
I need a shoulder to cry on. Someone who's willing to shed my tears and tell me that everything will be alright. But I have no one but only myself.
Pinuntahan ko si mama. Wala akong pakialam kung nagtatrabaho si mama sa mansion ng tagapagmanang iyon.
Nakita kong palabas si mama ng gate may dalang garbage bag. For sure magtatapon siya ng basura.
"Oh anak. Ba.." Natigilan si mama sa kaniyang sasabihin nang makita niya ako at ang dala kong maleta.
"Ma. P-pinaalis na po tayo sa apartment." utal kong sabi.
"A-ano?" Kunot noong tanong ni mama. Hindi siya makapaniwala.
"Dahil hindi raw po tayo nakabayad ng renta."
"Bakit naman nila ginawa iyon anak. Sinabi ko naman na magbabayad tayo ng renta." paliwanag ni mama.
"At nai-offer na daw po yung bahay sa iba." Pagpapaliwanag ko.
"Sandali." sabi ni mama at tuluyang itinapon ang garbage bag sa bin.
"Hali ka anak. Mag-aadvance ako para makuha ulit natin ang apartment." At pumasok kami ni mama ng mansion.
Nadatnan namin ni mama ang isang babaeng sophisticated. Sa tingin ko siya ang mom ni Prince.
"Oh Aina." sambit nito sa pangalan ni mama.
"Hmm. Ma'am. Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Pwede po ba akong mag-advance. Pang bayad lang po namin ng apartment. Pinaalis na po kasi kami dahil wala na po kaming pangbayad." paliwanag ni mama.
"Aina. Hindi mo kailangan mag-advance. Dahil pwede kayong tumuloy dito at napag-usapan na namin ito ng asawa ko ang tungkol dito." sagot niya kay mama.
"Nakakahiya na naman po sa inyo ma'am."
"Ano ka ba. Huwag mong isipin yan. Tsaka it already 5:PM. Kaya dito na muna kayo tumuloy." pagkumbinsi nito kay mama.
"Kung ganoon po. Papayag po ako na mag stay rito pero pansamantala lang." sabi ni mama.
"Oh sige. Kung yan ang decision mo. Pero ang bahay na ito ay handang tumanggap sa inyo kahit anong oras." paliwanag niya kay mama.
Ang bait naman pala ng mommy ni Prince. Sana ang lahat na tao ay kagaya niya.
"Bago pala ang lahat. Ako si Jessica at ang asawa ko si Allan." Pagpapakilala nito.
"Mom si Dad po." tanong ni Prince habang pababa ito ng hagdan.
Nakatingin siya sa akin.
"May pinuntahan ang daddy mo about business but don't worry. Dahil darating na 'yon Prince." Sagot ng mommy ni Prince at dumating na mga ang asawa niya.
"Oh. Ayan na pala ang daddy mo." pansin ng mommy ni Prince nang makita nito ang asawa niya.
"Oh hon. Pumayag na ba sila na mag-stay rito?" tanong ng dad ni Prince nang makita kami ni mama. Kakapasok lang nito ng mansion .
"Actually. Pumayag na siya pero pansamantala lang daw."
"Mabuti naman kung ganoon." sagot ng daddy ni Prince.
"Pero bago ang lahat. Hali kayo Aina." At sumunod naman kami ni mama sa mommy ni Prince.
"Mula ngayon. Ito ang magiging kwarto niyo." Sabi ng mom ni Prince matapos kaming samahan.
"Salamat po talaga ma'am." pagpapasalamat ni mama.
"So pasok na kayo para makapag umpisa na rin kayo."
Pumasok na kami ni mama sa kwarto at inwan na kami ng mommy ni Prince.
Hindi ko tuloy maisip na maninirahan kami ni mama sa ganito kalaking bahay. Parang isang panaginip.
Kinaumagahan. Kasalukuyan nasa klase kami ngayon. Tahimik ang buong classroom.
Madalas akong sulyapan ni Rain. Bakit ang weird niya? Hindi ko alam kong bakit madalas niya akong i-check out. Ang weird niya talaga.
Bakit ganoon napapatingin din sa amin si Prince?
"Good morning sir. Pinatatawag po si Ms. Sheena Castillo at Prince sa office." Sabi ng isang student na babae nang dumating ito.
"Sheena and Prince. You can go." Sabi ng professor namin.
Napalingon ako kay Rain. Base sa kaniyang tingin. Para siyang nag tatanong kung ano ba ang mayroon sa amin ni Prince.
Sa point na iyon parang makiramdam ko nagseselos siya.
Selos? At bakit naman siya magseselos eh wala naman kami.
Lumabas navlang kami at pumunta ng office.
"Mom. Dad. Bakit niyo po kami pinatawag?" Tanong ni Prince nang dumating kami ng office.
Nandito kasi ang parents ni Prince dahil sa kanila ang University na ito. Kaya baka nagbisita lang sila dito.
"Naisip kasi namin ng daddy mo na wala ka pang P.A. So pinatawag namin kayo dahil napag-usapan namin. Na si Sheena will be your P.A son."
Ano? Tama ba ang narinig ko? Magigi akong P. A ni Prince.
Oh no.
"What? P. A? Mom I'm not child anymore para bigyan niyo ako ng PA." kunot noong sabi ni Prince.
"Prince College life is not easy. I hope you understand para naman may ka tulong ka sa school matters mo." paliwanag ng dad niya.
"But Dad." hindi na naituloy ang sasabihin ni Prince dahil sumagot na ang mommy niya.
"Prince sige na. Ginagawa namin ito for your own good dahil babalik na kami ng America ng daddy mo."
Napailing-iling nalang si Prince sabay walked out.
What's wrong?
"Sheena. Are you willing that you'll be a P.A of our son?" tanong ng mommy ni Prince.
Hindi ako makadiriktang makasagot dahil nagulat talaga ako ng tanong na iyon.
"But don't worry. It will be your extra-curricular at alam na ito ng mama mo ang tungkol dito. Dahil kinausap na namin siya kanina nang umalis kami."
Ano? Pati ba naman si mama pumayag. Oo parents knows best pero bakit pumayag si mama?
"Hmm. Kung ganoon po. Okay lang naman po iyon sa akin."
Sumang-ayon ako dahil baka kapag hindi ako pumayag. Baka i-cancel nila ang scholarship ko. Tapos hindi na ako makakapag-aral sa ganitong isang exclusive University sa Pilipinas.
Pagkatapos na mag-usap kami ng mommy ni Prince ay bumalik na ako ng room. Nakasalubong ko si Rain.
"Sheena sabay na tayong pumunta ng Cafeteria." Yaya niya.
"Hmm. Sige." sagot ko.
Pagdating namin ng cafeteria. Walang bakanting table kundi sa table na kinaroroonan ni Prince. Kaya doon ako niyaya ni Rain at umupo.
"Malungkot ata ang bestfriend ko." tugon ni Rain sabay tapik sa balikat ni Prince.
"By the way. Sheena si Prince Childhood bestfriend ko until now." pakilala ni Rain.
Nagkatinginan naman kami ni Prince dahil magkakilala na kami.
"Actually. Magkakilala na kami." tugon ni Prince.
"Ano? Magkilala na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rain at napatango na lang ako dahil doon.
"Hmm. So pwede ba. Mula ngayon magkakaibigan na tayo." sabi ni Rain.
"Okay fine. I have to go." tugon ni Prince at umalis na ito.
"What's wrong?" napasimangot na lang si Rain.
CHAPTER 5 DEPARTURE
Prince's POV
"Mom. Ingat pa kayo sa flight." paalala ko habang magkayakap kami.
"Thank you son." sabi ni mom at kumawala na kami sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Dad." sambit ko.
"Sige Prince. Aalis na kami ng mommy." Dad said as he tapping my shoulder two times.
"Ingat na lang po kayo." sagot ko kay dad at tumango na lamang ito.
Actually. Andito kami sa airport dahil babalik na ng America si Dad at Mom. Ang bilis ng oras. Aalis na naman sila.
Right after na maihatid ko si dad at mom ng airport.
Pumunta ako ng beach kung saan favorite naming puntahan sa tuwing nagfafamily bonding kami noon.
FLASHBACK
"Hon. Ibalik mo na dito ang Prinsipe natin. Umiiyak na siya oh." mom said worriedly.
"Sandali lang. Naglalaro pa kami, hehehe." tuwang-tuwa na tugon ni dad habang dala-dala niya ako sa gitna ng dagat at pinaglalaruan
Panay lang ako sa pag-iyak dahil takot na takot ako sa hampas ng alon.
"Hehehe." Cute na tawa ni kuya Mack dahil sa pinagtatawanan niya ako.
END OF FLASHBACK
While I'm standing here at the seashore. Our family bonding suddenly flashed in my head. All our sweet memories are easily came back.
I missed all those moments with my family. But sad to say that all memories are just a flashback of yesterday.
Ilang sandali pa ay napagpasyahan ko na lang umuwi ng mansion.
"Uho. Uho." rinig kong ubo ni manang nang pumasok ako ng bahay.
"Umuubo na naman kayo ma." Pansin ni Sheena habang abala sila sa paghahanda ng pagkain sa mesa.
Pinagmamasdan ko lamang sila sa hindi gaanong kalayuan. Tila hindi nila ako na kikita.
"Naku anak. Ubo lang 'to. Tsaka may gamot na ako para dito. Kaya huwag mo na akong pansinin pa." sabi ni manang and Sheena carefully placed the foods on the table.
Pumasok naman ako ng dining room.
"Wow. Ang sarap naman ng ulam natin ah." masayang sabi ko. I just want to be a energetic in front of them.
Na patingin naman sa akin si Sheena saglit. I have a cheerful smile on my lips.
"Masarap talaga yan. Kaya kumain na tayo." ani ni manang at umupo na kaming tatlo para mag-umpisang kumain.
"Mapaparami yata ang kain ko nito. Tiyak tataba ako nito manang." pagbiniro ko. Again. I just want to be a cliche person in front ot them.
"Sa susunod. Mas-sasarapan ko pa ang luto ko para sa atin." masayang sabi ni manang habang abala ako sa pagsandok ng kanin.
"Mabuti po iyon kung ganoon." masayang sabi ko.
Usaul naman kaming kumain hanggang sa matapos ito.
Pagkatapos naming kumain.
Sabay kaming pumunta ni Sheena ng University habang nakasakay kami sa kotse ko.
"I have nothing to do because my parents gave you as my P.A." I said coldly while I'm driving.
Nang tumingin ako sa salamin kotse ay nakita kong pinagmamasdan pala ako ni Sheena. Mabilis naman siyang umiwas ng tingin sa akin.
"But don't worry. Dahil kahit isa ay wala ka doon gagawin. I'm not kid anymore. I can manage myself." sabi ko.
"I never asked any help from others. Since my previous tutors taught him how to be independent person." sabi ko.
Dati kasi noon nagpapatutor ako pero ngayon hindi na. Dahil hindi na ako bata. Tsaka ayaw ko na.
"Okay. I will respect your decision. But if you need help don't hesitate to approach me because my hands is always here willing to help you anytime." sabi niya.
Ilang saglit nakarating na kami ng University. Kaya bumabana kami at lumakad papuntang room.
"Ano? Sila na ba?"
"Anak ng sana all."
"Ang swerte naman niya."
"Hindi nga."
Some students murmuring while we are passing by.
Ano bang problema nila? Dumadaan lang kami ah. Para silang mamamatay sa kilig.
Maslalong lumakas ang kanilang ingay nang akbayan ko si Sheena. I pulling her even closer to me. Mamatay sila sa kilig.
Ilang saglit ay nakarating na kami ng room.
"Okay class. You need to leave your bags here. We have an outdoor activity. You will catch butterflies for the experiment." Sabi ng professor namin.
Pumunta na nga ang lahat ng forest upang manghuli ng butterflies.
Sa ngayon nag-i-enjoy ang lahat sa paghuli ng mga butterflies.
Nakita kong hindi naman marunong manghuli si Sheena kaya nilapitan ko siya.
"Ehemm." I chuckled behind her at lumipad ang huhulihin niya sanang butterfly.
Napalingon naman siya sa akin na parang nainis.
"You don't know how to catch a butterfly. Ako na." cold kong sabi.
Kinuha ko ang paghuli niyang butterfly at ibinigay niya naman ito sa akin.
"Don't make any noise. Okay." sabi ko sa kaniya at nag-umpisa na akong manghuli ng butterfly.
Pinagmamasdan niya naman ako. Once I catch a butterfly it will fly away.
I scratching my nape then I start again.
"Wow. This is so pretty." I said as my eyes widened prettily.
Luckily I caught a pretty butterfly.
"Just see! Ang ganda." Sabi ko at lumapit sa akin si Sheena.
"Araaay."
"Oooooops." sambit ko.
Suddenly closed her eyes when I fall. She waiting herseft to fall on the ground but she have no longer feel.
Laking gulat ko na lang niya nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Yakap ko siya dahil nasalo ko siya nang matisod.
I can't move. Hindi ko siya mapatayo. Sa halip yakap ko lamang siya habang nagkakatitigan kami sa bawat isa.
My eyes widened when I clearly saw his eyes flicking. I noticed also her cupid's rosy lips.
He is staring at me. Blinking her eyes.
Para tuloy nakakita ako ng mga lumilipad na puso sa harapan ng mga mata ko kaya napakurap ako.
"Eheeem." someone cough behind us.
Maariin kong pinatay si Sheena at napalingon kami sa aming lukuran.
Si Rain pala. Siya 'yon umubo. He is standing there and watching us. Hindi namin alam kung kanina pa siya riyan nakatayo at pinagmamasdan kami.
"Hmm. Sorry." sabi niya.
"Let's go." he remarked at kumilos na kami para bunalik ng University.
Nang makabalik kami ng room. Nag-observed kami ng butterflies for the experiment.
Napapansin kong laging nakatingin si Rain kay Sheena. Kapagtumitingin si Sheena sa kaniya. Titingin siya sa ibang direction.
Anong mayroon sa kanila?
Hindi kaya Rain fall in love with Sheena?
No. No. No.
Bakit ganoon? Parang naseselos tuloy ako? Hindi kaya I'm falling with her too? Gusto ko na kaya si Sheena?
Pagkatapos mga-observed kami ng butterflies. Umuwi na kami.
Kinabukasan.
"Salamat sa paghatid." sabi ni Sheena sa akin.
"Hmm. Wala 'yon." Sagot ko sa kaniya.
Kakababa lang namin ng kotse ko dahil ihinatid ko siya rito sa coffee shop kung saan siya nagpapart time job. Dahil wala naman kaming klase ngayon.
Tsaka. Dadaan din naman ako rito sa may coffee shop kaya pinasakay ko na siya.
"Welcome back to the Philippines." sigaw ng babae na parang naka-mega phone nang lumabas ng coffee shop.
Hindi naman si Sheena galing sa ibang bansa. Babalik lang naman siya sa kaniyang part time job.
Ano ang pinagsasabi ng babae?
"Sinong kasama mo?" Pagtanong niya. Hindi niya ata napansin ako.
"Hmm. Si Prince." sagot ni Sheena at nakita niya ako.
"Boyfriend mo?" tanong niya.
"Hmm. hi-hindi." bulol na sagot ni Sheena at nagkatinginan kami.
"Hmm. Prince. Si Marsh. Kaibigan ko." she introduced her to divert the topic.
"Nice meeting you." tugon ng babaeng si Marsh sabay abot ng kamay at nagshakehands kami. Pagkatapos bumitaw kami.
"Maraming salamat sa paghatid sa kaibigan ko." sabi niya.
"Walang problema. Basta para sa kaniya." directed to the point na sagot ko.
Anong pinag sasabi ko?
"So mauna na ako." paalam ko sa kanila.
"Sige." ingat sagot ng babaeng si Marsh at pumasok na ako ng kotse ko.
"Ikaw friend ah. May tinatago ka sa akin." rinig kong sabi na babaeng si Marsh.
"Anong tinatago?" tanong naman ni Sheena sa kaniya.
"Eh sino siya? Walang problema basta para sa kaniya." pang-uulit ng babaeng si Marsh sa sinabi ko kanina sabay kurot nito sa tagiliran ni Sheena.
Para siyang kinikilig.
"Ano ka ba. Si Prince yan. Classmate ko. Sakatunayan nga P.A niya ako." pagpapaliwanag ni Sheena.
Pinakikinggan ko lamang sila at hindi pa ako umaalis.
"Really? P.A? As in not personal assistant kundi Personal Admirer. Ikaw ah." natatawang pangbubully ng babaeng si Marsh kay Sheena.
Natawa nalang ako. Akala nila hindi naririnig ang pinag-uusapan nila.
"Isipin mo na Marsh ang dapat mong isipin basta P.A niya ako at yon lang yon." defensive na sagot ni Sheena.
"Asus kunwari ka pa. You know don't deny your feelings. You must say. He is your prince charming." sabi sabi ng babaeng si Marsh habang pinaglalaruan ang buhok niyang nakatirintas.
"Anong prince charming ang pinagsasabi mo Marsh." kunot noong tanong ni Sheena.
"Prince charming." sagot niya.
"Hi naku Marsh. Mabuti pa pumasok nalang tayo." inis na sabi ni Sheena sabay lakad papasok ng coffee shop.
Tila nainis siya sa pangbubully ng kaniyang kaibigan.
Mga babae talaga pa hard to get.
"Sige na nga para makapag-umpisa na tayo." sagot na ang ng babaeng si Marsh at sumunod narin kay Sheena.
Pinatakbo ko narin ang kotse ko para umalis.
Magkikita kami ngayon ni Sandra para mag-usap. Gusto kong linaw in ang lahat tungkol sa amin.
Alam kong nasasaktan ko siya kaya gusto ko siyang kausapin.
Bumaba ng nga ako ng kotse ko at pumunta sa kaniya.
"Bakit gusto mong magkita tayo? Makikipagbalikan ka na ba sa akin?" tanong ni Sandra. We are already here in park.
"Hmm. It's not what I mean. Nanadito ako para linaw in ang lahat." Maagap kong sagot.
"I thought. Masmabuti kung palalayain muna natin ang ating mga sarili. Let's we just be friend to each other." I said while I'm looking at my direction.
"Let's wait a perfect time for us. Let's our love exist what they where belong. Kung tayo talaga. I believe that fate will always make a way to fix it again. To fix our relationship." pagpapatuloy ko.
"Alright. But I'm still hoping that someday our relationship will be fix again." sagot niya naman sa akin.
Until now. I can't believe that she is still stuck up in our relationship was left behind.
Pagkatapos na makipaghiwalay siya sa akin. Tapos ngayon umaasa siyang magkakabalikan pa kami.
"Okay. I hope so." sabi ko.
I took a glanced at her before I looked in the other direction again.
"Alright. Hmm. Let me question you. Bakit hindi mo kasama ang P.A mo? Si Sheena?" pagtanong niya.
Napaisip tuloy ako.
Bakit niya malaman ang tungkol sa P.A ko.
"Diba ako dapat ang magtanong sayo kung paano mo nalaman ang tungkol doon?" tanong ko sa kaniya.
Paano nga ba niya nalaman?
"Hmm. I was heard it from rumor in University. So tama nga P.A mo siya?" sabi niya.
"Actually. I can manage myself so never mind." Sabi ko.
Ito talagang si Sandra lahat na lang ng bagay tungkol sa akin ay gustong alamin.
Even my little secrets. The only thing that she didn't know yet about me is the color of my underwear.
Oo, ang hindi niya na lang talaga alam ay kung anong kulay ang suot kong underwear. Para halug-hugin ang pagkatao ko.
That's the one proof na hindi pa siya nakakamove on hanggang ngayon.
Pagkatapos na mag-usap kami ni Sandra ay umuwi na ako ng mansion at umuwi narin siya.
Kakapasok ko lang ng mansion. Nakita ko si Sheena nakaupo sa sofa habang nakapatong ang ulo niya sa table at naunanan niya ang kaniyang mga kamay.
Nandito siya sa sala.
Hindi ko iyon pinansin sahalip umakyat na ako ng hagdan para pumunta ako ng kwarto.
Nakabalik na pala siya mula sa coffee shop.
Ilang saglit bumaba ako. Ganoon parin ang hitsura niya. Nakatulog pala siya rito nang tingnan ko. Siguro napagod siya.
Umupo ako sa harap niya at pinagmasdan siya.
Bakit ang cute niya? She have a catchy pretty eyes. Pointed nose. Her cupid's rosy lips.
Pansin ko.
Oh siya. Bakit ko nga pala na papasin 'yon?
Tumayo ako at binuhat siya para ayusin ang pagkakatulog niya dito sa sofa.
Dahan-dahan ko siyang ihiniga at inayos ang kaniyang pagkakahiga.
Muntik na akong ma-out balance nang buhatin ko siya. Kaya nagkadikit tuloy ang aming mga mukha.
Muntik ko na siya mahalikan. I blinked my eyes. Sa hindi ko alam ilang minuto na pala akong nakatitig sa kaniya.
Marahan ko na siyang pinahiga at kinumutan. Dahil parang nilalamig siya. Para tuloy akong may inaalagaang maliit na baby ngayon.
Ngayon at least alam ko ng secured na ang kalagayan niya.
Nang umupo ako sa harap niya. I accidentally kicked her poor shoes.
"Ang luma na pero hindi niya pa pinapalitan. May sahod naman siya." Bulong ko habang hawak hawak ko yung shoes niya.
Hindi ko na lang iyon pinansin instead I placed her shoes at the corner. Tumayo na ako at umakyat na ako ulit sa kwarto ko.