BOOK 2
"Ikaw"
( Hinding hindi bibitaw)
Part28
Pagdating nila ng Hospital , agad hinanap ni sophia kung saan ang mga magulang ni Mike.
Sophia: ano po ang nangyari sa kanya Tita?
Brenda: naaksidente siya! hindi ko alam kung ano ang nangyari basta may tumawag nalang sa Tito mo na nandito sya sa ospital!?
Sophia: kamusta na daw siya tita!
Brenda: di pa lumabas ang doctor . Diyos ko ang anak ko ?.
Halos di na mapakali si sophia sa nangyari kay mike .
Sophia: lord, pls iligtas nyo si mike maawa po kayo sa kanya. ? .
Wala silang magawa kundi ang umupo at magdasal nalang na sana ligtas si mike habang hinihintay nila na lumabas ang doctor.
Nagulantang ang lahat sa nangyari kay mike lalo na sina michelle at marc ng malaman nila ito.
Mich: bhe, si kuya kamusta na kaya sya??.
Marc: bhe relax ka lang nasa ospital na daw sya at sigurado ginagamot na sya ng mga doctor
Hindi na rin mapakali si mich kaya tinawagan nya ang ina ngunit hindi ito sinasagot.
Mich: Kuya mike ano ba ang nangyari sayo. ? sana ok ka lang.
Marc: bhe, sige na sumakay na kayo aalis na tayo ngayon.
Mich: sige bhe kasi di na ako mapakali di sinasagot ni mama ang tawag ko.
Marc: ok sige. Tawagin mo na sila doon sa loob.
Mich: sige bhe. Sandali.
Tinawag ni mich sila marites at Ellen sa loob upang makaalis na sila .
Marc: sumakay na kayong lahat.
Mich: sumakay na kayo ya.
Kisses: ayis na tayo pa?
Marc: opo sweety alis na tayo.
Kisses: yeheey! Punta naman ako uyit kay yoyo at yoya ko hehe.
Marites: nandoon rin ang isang lolo at lola mo hehe.
Kisses: mayami na sila yaya?
Marites: opo marami sila . ? .
Tinatawagan ni Mich ang ina ngunit hindi pa rin sumasagot kaya minabuti nyang tawagan nalang si sophia.
Mich: hello beh! Anong balita kay kuya mike?
Sophia: hindi pa namin alam ate kasi nasa loob pa ang doctor.
Mich: nasaan si mama beh?
Sophia: nandito po sya ate umiiyak. ?
Mich: beh, pakibantayan muna si mama ha papunta na kami dyan.
Sophia: sige po te ako na ang bahala. Papunta na rin dito sila mama.
Mich: sige beh, si papa nandyan ba?
Sophia: wala sya dito ate nandoon sya sa police station kasama si kuya stephen.
Mich: sige beh balitaan mo ako ha kung lumabas na ang doctor.
Sophia: sige po ate.
Nagulat din sila marites sa narinig .
Marites: anong nangyari? ?
Mich: nasa ospital si kuya mike ya.
Marites: diyos ko! Bakit? ?
Mich: hindi ko rin alam ya. Sana ok lang si kuya.
Marc: magdasal nalang tayo na sana ligtas sya kasi wala tayong magagawa sa ngayon nandito pa tayo.
Mich: sana ok lang siya ?.
Marc: bhe, wag ka nga umiyak.
Kisses: mama? bakit ikaw iyak?
Mich: wala sweety ?
Hindi na nila pinag usapan ang nangyari kay mike at nagdasal nalang sila habang nasa sasakyan.
.....
Sa ospital,
Lumabas ang doctor na nag aasikaso kay mike .
Doctor: kayo ba ang pamilya ng pasyente?
Sophia: opo doc kami po.
Brenda: kamusta na ang anak ko doc.?
Doctor: sa ngayon, magdasal po tayo para sa kaligtasan nya. Nawawalan pa sya ng malay.
Brenda: bakit doc ano ba ang nangyari sa kanya?!
Doc: Malakas siguro ang pagkabangga nya at ang ulo nya ang pinaka natamaan kaya may parte na naapektuhan.
Brenda: oh diyos ko!?
Doc: wag kayong mag alala. Hindi namin pababayaan ang pasyente hanggang sa gumising sya.
Brenda: doc parang awa nyo na gawin nyo lahat para gumaling ang anak ko?
Doc: opo misis gagawin namin ang lahat para mailigtas ang pasyente sige maiwan ko muna kayo.
Hindi na nakapagsalita si sophia dahil umupo nalang ito at umiyak.
Sophia: mike plsss lumaban ka wag mo akong iwan ?? parang awa mo na.
Dumating din ang mga magulang ni sophia kaya niyakap sya ng ina dahil naawa ito sa kanya.
Lilian: anong balita kay mike?
Brenda: sabi ng doctor wala pa syang malay . ?
Lilian: halikayo magdasal tayo. Ito nalang ang maitutulong natin sa kanya.
Pumunta sila sa kapilya ng hospital at nagdasal.....
......
Makalipas ang ilang oras,dumating sila mich at marc sa ospital
Mich: Ma, kamusta si kuya?
Brenda: Nak, ang kuya mo hindi pa gumigising. ?
Mich: ano ba ang sabi ng doctor ?
Sophia: ate, malubha ang kalagayan ni mike ?.
Mich: ano??
Sophia: ate mich natatakot ako.?.
Nalungkot silang lahat sa nangyari kay mike ngunit wala na silang magagawa kundi ang magdasal sa panginoon .
Mich: nasaan si Papa ma?
Brenda: nandoon pa rin sya sa presento dahil nandoon ang driver ng truck na nakabangga kay mike.
Marc: bhe, puntahan ko si papa doon.
Brenda : wag na nak nandoon na ang kuya nyo stephen .
Marc: ok sige ma, dito nalang ako samahan ko kayo dito.
Lumabas ang doctor at sinabihan sila na pwede na nilang bisitahin si mike
Doctor: misis pwede nyo na syang bisitahin .
Marc: salamat doc
Brenda: sophia iha halika puntahan natin si mike.
Sophia: sige po tita.
Awang awa si marc sa kapatid dahil alam nyang sobrang hirap ang pinagdadaanan niya ngayon .
.........
Lumipas ang isang araw hindi pa rin nagising si mike .
Sophia: kuya , bukas na ang kasal natin ? sana gumising ka na. Kuya di ba pangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan sana tuparin mo yon ha. Wag mo akong iwan mike parang awa mo na. ??.
Humagulhol nalang si sophia habang kinausap ang walang malay na kasintahan.
.....
Kinabukasan, araw ng kanilang kasal halos lahat malungkot sa nangyari
Sophia: ma, pakisabihan sila na maghanda na.
Lilian: bakit nak? ?
Sophia: itutuloy ko ang kasal namin ni mike ma? ako ang pupunta sa kanya sa ospital .
Lilian: Nak?!? sigurado ka? Hindi pwede yon hindi papayag ang pari
Sophia: itutuloy ko ma!?, dahil alam ko na excited si mike sa kasal namin at sigurado ako ma matutuwa sya. . ??
Naawa si Lilian sa anak kaya sinabihan nya nalang sila michelle na maghanda .
Mich: bhe, ituloy daw ni sophia ang kasal nila doon sa ospital.
Marc: talaga! Eh kung ganun bihisan mo na si kisses bhe para makaalis na tayo .
Mich: nandoon sya sa kanila Lily inaayusan na sya nila.
Marc: ok sige ! magbihis ka na rin .
Mich: sige.
Sumunod nalang silang lahat sa gustong mangyari ni sophia. Pumunta sila ng ospital kasama ang paring magkakasal sa kanilang dalawa.
Pari: ganito nalang ang gagawin natin dahil hindi talaga pwedeng ituloy ang seremonya ng kasal ninyo sophia sa kadahilanan walang malay si mike. Sabay sabay nalang tayong Magdasal para sa kaligtasan nya at para gumaling na sya agad.
Silang magpamilya lang ang nandoon sa loob ng kwarto kasama ang pari at dahil hindi naman sila pwedeng ikasal kaya ipinagdasal nalang nilang lahat si mike .
At pagkatapos, dahil sa kagustuhan ni sophia na maging masaya si mike isinuot nya ang singsing sa daliri nito.
Sophia: Mike, sana gumising ka na . Isuot ko pa rin ang singsing na ito sayo bilang tanda ng aking pagmamahal ko sayo . Hinding hindi kita iiwan sa laban ng buhay mo ngayon sasamahan kita kahit anong mangyari. ?? mahal na mahal kita. Sana gumising ka na.
Hinawakan nya ang kamay ni mike ng mahigpit.
Sophia: hintayin ko ang paggising mo ha para ituloy natin ang kasal. Wag kang bumitaw ha nandito lang kami sa tabi mo.??.
Naawa silang lahat kay sophia kaya di nila maiwasan na tumulo ang kanilang mga luha.
Lilian: Nak, siguradong naririnig ka ni mike . Bigyan muna natin siya ng oras baka kumukuha lang sya ng lakas upang labanan ang kanyang sitwasyon. Manalig lang tayo na gigising sya.
Sophia: Ma, natatakot ako ma.?
Brenda: iha, sige na tapos naman ang pray over natin sa kanya. Magpahinga ka na muna.
Sophia: tita, dito lang muna ako sa kanya.
Brenda: ok sige, pero dapat magpahinga ka rin ha baka ikaw naman ang magkakasakit nyan.
Sophia: opo tita.
Lumabas silang lahat sa kwarto maliban kay mich at sophia.
Mich: kuya mike, ang daya mo naman kung saan pa na excited ako sa kasal mo. Kuya naman eh. ? gumising ka na dyan..
Sophia: ate mich? natatakot ako paano kung di na sya gumising?
Mich: gigising sya beh dahil kung hindi babatukan ko talaga sya ?.
Umiyak nalang silang dalawa habang pinagmamasdan nila si mike.
....
Nagtipon tipon ang lahat ng mga kamag anak at kaibigan sa reception ng kasal dahil itinuloy nila Robert At Johnny ang catering. At doon humingi sila ng pasensya sa mga nangyayari.
Johnny: humihingi ang buong pamilya namin ng pasensya sa inyo dahil alam namin na naglaan kayo ng oras para makapunta dito kahit mga busy kayo . Hindi natin ito lahat kagustuhan ang nangyari kay mike ngunit humihingi kami ng pasensya at konting tulong sa inyo na sana isali nyo sya inyong mga dasal , na sana malagpasan nya ang lahat ng ito.
Halos mangiyak ngiyak na rin silang lahat. Ng marinig ang sinabi ni Johnny.
Lahat sila nalungkot at tumulong nalang sa pagdasal para kay mike at sa mga oras na yon lahat sila naawa at nalungkot sa nangyari.
........
Lumipas ang dalawang araw sinabihan sila ng doctor na ilipat si mike sa ibang ospital .
Doc: mas mabuti para sa pasyente na doon sya mismo sa ospital na sinasabi ko dahil doon kumpleto sila sa facilities. Wag kayong mag alala pupuntahan ko pa rin sya doon. Para din naman ito sa kabutihan ng pasyente.
Roberto: sige doc, kung para sa ikakabuti ng anak ko sige pumapayag na kami.
Doc: maraming salamat. Aayusin namin ang paglipat sa kanya. Wag kayong mag alala. Sasamahan ko sya doon .
Robert: maraming salamat doc.
Pumayag silang ilipat si mike sa inerecomendang ospital ng doctor na nag aalaga kay mike nang sa ganun mapabilis ang paggaling nito.
Marc: bhe, sabihin mo sa kanila ate tes na uuwi tayo mamaya.
Mich: sige bhe. Uuwi ako ngayon sasabay ako sa kanila kuya stephen.
Marc: ok sige susunod ako mamaya sunduin ko kayo doon.
Mich: sige bhe.
Nilipat nila si mike upang maalagaan ito ng maayos ng mga doctor . Kahit mahirap kailangan nila magpakatatag at magtulongan.
......
Limang araw na ang nakalipas simula ng nailipat si mike sa bagong ospital ngunit Wala pa rin ito pagbabago ang kanyang kalagayan kaya kinausap na sila ng doctor .
Doc: kaya ko kayo gustong kausapin dahil nung mga nakaraang araw naging ok na ang kalagayan ng pasyente ngunit nitong umaga lang biglang humina ang t***k ng kanyang puso. Kaya deretsahin ko na kayo kapag hindi pa sya gumising sa loob ng 48hrs . Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na wala na kaming magagawa. Ipasa diyos nalang natin ang lahat at tanggapin ng maluwag sa ating mga puso.
Halos di makapagsalita ang mga magulang ni mike sa mga sinasabi ng doctor sa kanila. Hindi nila matanggap kung sakaling may mangyaring masama sa anak.
Brenda: Diyos ko parang awa mo na ? iligtas mo ang anak namin. Parang awa mo na.
Doctor: sa ngayon po . Doblehin natin ang pagdadasal na sana pakinggan nya tayo at palakasin nya ang katawan ni mike.
Robert: wala na bang ibang paraan doc para gumising siya?
Doctor: nagawa na namin ang lahat. Mismong katawan nalang ng pasyente ang kailangan lumaban at kung bumigay na ito wala na tayong magagawa.
Wala na silang magawa kung mismong katawan na ni mike ang hindi na lumaban pa.
.....
Halos di na makausap ng matino ang ina nila michelle dahil sa sinabi ng doctor kaya pagdating ni stephen pinauwi muna sila upang makapaghinga.
Sa mismong araw na yon Bibisita si mich kay mike sa ospital
Mich: ya, daan muna tayo sa ospital bisitahin natin si kuya.
Marites: ok sige.
Dumeretso sila mich sa ospital pagkatapos nilang sunduin si kisses sa school
Mich: sweety, magsuot ka ng mask baka di ka papasukin ng doctor.
Kisses: opo ma.
Marites: halika, ilagay ko sayo.
Kisses: paya akong nurse ma hehe?
Mich: hehe,? behave ka doon sa loob ha kasi baka magalit ang doctor ni tito mo mike pag maingay ka.
Kisses: opo ma. Upo yang ako sa sofa. Hehe yaya tes hindi ako makahinga hehehe
Marites: haha ganun ba . Sandali ayusin ko ha.
Kisses: opo hehe.
Mich: mamaya tanggalin mo nalang pag nasa room na tayo ni tito mo
Kisses: opo ma.
Mich: very good. Sige na papasok na tayo doon. Naghihintay na si tito stephen sya kasi ngayon ang nagbabantay kay tito mo mike.
Kisses: opo.
Marites: halika sweety.
Pumasok sila sa loob ng ospital at dumeretso sa kwarto ni mike.
Mich: pasok na kayo ya.
Marites: sige salamat.
Mich: kuya, kamusta si kuya mike?.
Stephen: ganun pa rin di pa rin sya gumising.
Mich: ano ba ang sabi ng doctor kuya?
Stephen: Di ko alam kasi di ko maintindihan ang sinabi ni mama kanina.
Hindi sinabi ng mga magulang nila ang sinabi ng doctor para hindi na sila mag alala pa.
Mich: ilang araw na syang natutulog kuya di pa rin siya gumigising.
Stephen: sana nga gumising na sya kasi nakakaawa na si sophia at si mama parang wala na sa sarili nya kanina.
Mich: oo nga po kuya eh. Ipagdasal pa rin natin na gumising na sya.
Stephen: dito muna kayo ha lalabas lang ako saglit tatawagan ko lang si belle kasi baka pupunta sya dito.
Mich: sige kuya.
Stephen: sweety, dito muna kayo ha. Lalabas lang ako.
Kisses: opo tito, behave yang ako dito hehe.
Stephen: ok sige.bantayan nyo si tito mo ha .
Kisses: opo ?
Lumabas si stephen at naiwan silang tatlo sa loob.
Mich: kuya, kung naririnig mo ako sana gumalaw ka na , gumising ka na naghihintay kami sayo kuya, lalo na si sophia kuya. Alam mo kuya kahit nandito ka sa ospital gusto pa rin niya ituloy ang kasal nyo kaya lang di naman pwede kasi di ka pa gising mahal na mahal ka nya kuya kaya gumising ka na dyan. . ?
Tumulo ang luha ni mich habang kinakausap si mike na walang malay.
Kisses: yaya inom ako tubig!
Marites: ok sige sandali kuha kita.
Mich: ya, dito muna kayo ni sweety ha. Puntahan ko lang ang doctor ni kuya may itatanong lang ako sa kanya.
Marites: sige ako na ang magbantay dito.
Kisses: ma, sama ako.
Mich: dito ka lang sweety samahan mo si yaya tes bantayan nyo si tito mo mike.
Tumingin si kisses sa tiyuhin sa kama.
Kisses: tuyog pa sya ma?
Mich: opo kaya bantayan nyo muna ni yaya ha. Ok
Kisses: opo ma hehe .
Mich: sige dito ka lang.
Lumabas si mich ng kwarto upang puntahan ang doctor.
Marites: oh sweety ito na ang tubig mo.
Kisses: hehe, uhaw ako yaya .
Marites: sige inumin mo na to para mawala ang uhaw mo kumain ka ba ng candy kanina.
Kisses: opo hehe .
Marites: ok sige inumin mo na to
Ininom nya ang kinuhang tubig ni marites at pagkatapos umupo sya sa sofa.
Kisses: dito yang ako upo yaya oh.
Marites: ok sige . Bantayan natin ang tito mo ha.
Habang nakaupo silang dalawa sa sofa pinagmamasdan ni kisses si mike sa hinihigaan nito.
Kisses: yaya, baba ako .
Marites: saan ka pupunta?
Kisses: kay tito mike hehe.
Marites: ok sige pero wag kang gumalaw ng kahit ano dyan ha.
Kisses: opo, dito yang po ako tatayo.
Tumayo siya sa gilid ng kama ni mike at nakangiti pa ito habang may pinapakinggan.
Kisses: waya aman! ?
Marites: anong wala naman? ?
Kisses: si tito mike hindi aman sya kayabaw hehe. ??
Marites: anong kalabaw?? ikaw talagang bata ka ang dami mong alam.
Pinakinggan nya kung humihilik ba si mike dahil ang akala nya simpleng natutulog lang ito.
Kisses: waya aman paya hehehe.
Marites: ikaw talaga ? halika dito .
Kisses: wait po yaya hehe . Tito mike tuyog ka pa po? ?
Marites: sweety halika dito. Wag kang maingay !
Kisses: tito mike tayaga oh natuyog pa yaya.. hehe.
Tumayo si marites upang ilagay ang baso na hawak nya ng biglang sumigaw si kisses.
Kisses: titooooooooo mikeeeeeeeeeeee wakeeeeeee uppppppp na hehehe??
Marites: sweety!! Wag kang maingay!? ikaw talaga! Mamaya pagalitan tayo ng doctor dito.
Kisses: titoooooooooo mikkkkkkkkeeeeeeeee gisiiinnnnnnggggg na pooooooooo!!!! Hehehe ?? paya guyat si tito mike yaya tes hehe?
Dali daling lumapit si marites sa kanya at kinuha sya sa tabi ng kama ni mike.
Marites: sweety, sabi ng wag kang sumigaw eh hay! ikaw talagang bata ka..
Kisses: hehehehe ? paya po maguyat si tito mike hehe??. Kasi umaga na po yaya tuyog pa sya hehe.
Marites: ikaw talaga mamaya pagalitan ka ng mama mo di ba sabi nya behave ka lang dito.
Kisses: hehe soyye po.?
Pinatayo sya ni marites sa sofa para di sya makababa .
Marites: dito ka na nga lang tumayo . Ikaw talaga.
Kisses: heyyo tito mike gising ka na po? Naguyat ka po. hehehe.
Napalingon si Marites sa hinihigaan ni mike at nakita nyang nakadilat ang mga mata nito.
Marites: mike gising ka na! ?teka tawagin natin ang mama mo sweety gising na ang tito mo.
Binuhat ni marites si kisses habang kinakausap nito si mike.
Kisses: titoooooo mike heyyo! hehe??
Marites: sandali lang mike ha tatawagin ko sila kuya mo .
Tamang tama ng palabas sila marites pumasok din si stephen at mich.
Mich: oh ya! Saan kayo pupunta? ?
Marites: si mike gumising na!
Stephen: ha! ?
Mich: talaga! ?
Dali dali silang Lumapit kay mike ngunit nakapikit na ulit ito.
Marites: dumilat sya kanina .
Stephen: tawagin mo ang doctor mikay dali.
Mich: sige po kuya sandali lang
Kisses: ay natuyog uyit si tito.hehe?
Stephen: talaga ate tes gumising siya?
Marites: oo kasi si kisses sumigaw ginigising sya. Tapos dumilat sya.
Stephen: mike, brod dumilat ka ulit si kuya mo to nandito lang kami.
Dahil sa kakulitan ni kisses sumigaw na naman ulit ito.
Kisses: titoooooooooo mikeeeeeeeeeeeeee!!! hehehehe paya gising sya uyit hehehe?
Marites: sweety?.
Kisses: hehehe paya maguyat si tito mike yaya tet hehehe.?
Walang kaalam alam si kisses kung ano ang nangyayari kay mike akala nya nakipaglokohan lang ito sa kanya gaya ng kadalasan nilang ginagawa kaya sumigaw ito upang gisingin ang kanya tiyuhin
Stephen: sweety ,sige gisingin mo si tito mo mike.. tawagin mo sya ulit baka sakaling dumilat sya ulit.
Kisses: gising na po sya tito oh. Heyyo tito hehe gising na ikaw! Naguyat ka po? hehehe .. bangon na ikaw dyan tito umaga na po oh. Hehe
Gumalaw ang mga daliri ni mike at dumilat ito Ngunit humihingal sya kaya nataranta si stephen ng makita sya sa ganung sitwasyon..
Stephen: ate tawagin nyo ang doctorrr!!
Habang nataranta si stephen si kisses tawa pa ng tawa habang karga sya ni marites dahil ang akala nya nagbibiro lang ang kanyang tito mike
Kisses: hahaha tito mikeeeee paya ka ng kayabaw oh hehehe. May tayi ka sa iyong mo hehehe. .
Marites: sweety! ? ikaw talaga. ?
Maya maya pumasok ang doctor at pinalabas silang lahat.
Stephen: doc anong nangyari sa kanya? ?
Doctor: doon muna kayo sa labas kami na ang bahala dito sa kanya.
Stephen: sige po doc , halikayo sa labas.
Lumabas sila at doon naghintay sa doctor.
Mich: kuya ?? ( yumakap sya kay stephen)
Stephen: magiging ok na ang lahat kakayanin yan ni mike magtiwala lang tayo sa kanya.
Napatingin nalang silang dalawa kay kisses habang karga ito ni marites.
Kisses: ma, inom ako miyk.
Mich: sige, pumunta kayo ni yaya sa car . Nandoon ang milk mo.
.
Marites: ako na ang bahala sa kanya .
Mich: ito po ang susi ya oh pumunta nalang kayo doon
Binigay niya ang susi kay marites at agad naman silang umalis.
Mich: sana ok na si kuya .
Stephen: manalig lang tayo na ok sya .
Hindi na sila mapakali kung ano na ang nangyayari kay mike sa loob kaya habang naghihintay sila tinawagan ni Stephen ang mga magulang upang sabihin ang balita.
Ilang sandali lang nakita nila ang ibang doctor nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto ni mike.
Mich: kuya, anong nangyayari!??
Stephen: hindi ko alam! Oh my god! Plssss lord wag naman sana! Wala sanang masamang mangyari kay mike.
Sobrang kinakabahan na si mich sa mga nangyayari sa loob halos hindi na sya mapakali sa inuupoan kaya Tumayo ito at nagpalakad lakad upang marelax ang sarili.
Mich: kuya, si kuya mike ?
Stephen: maupo ka nga muna nahihilo na ako sayo eh.
Mich: kasi kuya baka ano na ang nangyari kay kuya sa loob.?
Stephen:.ililigtas sya ng mga doctor magtiwala lang tayo.
Dumating si sophia sa ospital at nagtataka sya kung bakit nasa labas sila michelle.
Sophia: ate, kuya bakit kayo nandito sa labas? ?
Mich: beh, si kuya mike .?
Sophia: bakit anong nangyari sa kanya??
Mich: dumilat sya kanina. Nandyan sa loob ang mga doctor niya.
Sophia: talaga dumilat na sya? ?
Mich: oo beh. Sana ok lang sya sa loob.
Lumipas ang ilang minuto lumabas ang doctor kaya napatayo silang tatlo ng tinawag sila nito.