31

2512 Words
BOOK 2 "Ikaw" ( Takot akong mawala ka) Part 29 Lumapit sila agad sa doctor. Doc: sino si kisses?hinahanap sya ng pasyente. Mich: anak ko po doc nasa labas sila. Bakit po doc? Doc: Gusto sya makita ng pasyente. Mich: sige po doc. Dalhin ko sya mamaya sa loob . Doc: ok sige. Stephen:.doc kamusta na sya? Doc: wag na kayong mag alala mabuti na ang kalagayan nya at ligtas na sya. Magpasalamat tayo dahil gumising siya bago ang 48hrs na binigay kong oras. Stephen: bakit doc kung di sya gumising sa loob ng 48hrs anong mangyari sa kanya? ? Doc: sinabi ko na sa mga magulang niyo kanina na kapag di sya gumising sa loob ng 48hrs wala na tayong magagawa . At buti nalang gumising sya ngayon. Kaya wag na kayong mag alala ligtas na sya. ? Halos nabunutan sila ng tinik sa dibdib ng marinig ang sinabi ng doctor Sophia: pwede na po ba kaming pumasok doc? Doc: mamaya paglabas ng ibang doctor pwede na kayong pumasok . Stephen:maraming salamat doc. Doc: walang anuman! Sige maiwan ko muna kayo. Mich:salamat doc. Sophia:salamat doc. Iniwan sila ng doctor na masayang masaya kaya napayakap nalang sila sa isa't isa sa sobra tuwa. Mich:gising na si kuya ?.. salamat lord sa pagdinig ng mga dasal namin. ? Sophia:ate, ang saya ko ngayon ?hindi ako iniwan ni mike. Stephen:mahal ka nya kaya hindi ka nya iiwan . Wag ka ng umiyak. Tatawagan ko sila mama at Papa at si kuya albert. Mich: sige kuya , puntahan ko muna sila yaya tes sa sasakyan. Stephen:sige papasukin mo ulit sila dito para pagpasok natin sa kwarto ni mike makita nya si kisses. Si kisses ang unang hinanap eh haha? Mich:sige po kuya. Sophia: hehe, ok lang si kisses ang masama doon kung ibang babae ?? Stephen: hahaha, di naman siguro mangyari yon. ? Sophia: joke lang kuya hehe natutuwa lang ako kasi gumising na sya . Habang naghihintay sila sa labas napaiyak nalang sa tuwa si sophia . Stephen: sabi ko na nga ba ang masamang damo matagal talaga mamatay ?. Sophia:kuya stephen naman eh ?. Stephen: joke lang din ?. Kahit ako sobrang saya ko na ligtas na sya. Alam ko naman na matibay talaga yan si mike pero syempre pag oras mo na oras mo na talaga at walang makakapigil nun kundi ang panginoon lang . Salamat sa kanya kasi hindi nya kinuha si mike. May utang pa kaya sa akin yon ??.. Sophia:kuya hehe ikaw talaga. ? Stephen: biro lang! masaya lang ako. hay salamat! Sa wakas ligtas na sya. Sophia: at matutuloy na ang kasal namin kuya stephen. Stephen: oo naman! Matutuloy yan?. Lumabas ang mga doctor sa kwarto ni mike kaya pinapasok na sila sa loob. Doc: pwede na kayong pumasok hinihintay na kayo ng pasyente Stephen: salamat doc. Sophia: halika na kuya. Stephen: sige halika. Wala pa sila mikay Pumasok silang dalawa sa loob ng kwarto at nakita nila na gising na si mike at nakatitig lang ito kay sophia. Sophia: kuya, ??salamat at gising ka na. Miss na miss kita. ? Yumakap siya kay mike habang umiiyak sa tuwa. Mike: wag ka ng umiyak ok na ako. Stephen: bro, kamusta na. Grabe ka ha tinulugan mo talaga kami. ? Mike: kuya, pasensya na kayo medyo sumimplang eh hehe. Stephen: ikaw talaga! Sa susunod mag ingat ka. Sa ngayon magpagaling ka muna ha. Mike: opo kuya! Magaling na ako.? Ate, sorry. ? mahaba pala ang tulog ko sabi ng doctor. Sophia: wag kang humingi ng sorry wala ka naman kasalanan ang mahalaga gising ka na at ligtas na. Mike: nasaan pala si kisses ok lang ba sya? Sophia: oo ok lang sya. Nasa sasakyan sila. Stephen: nandito sya kanina , at habang natutulog ka dyan sigaw siya ng sigaw para daw gumising ka na kasi umaga na raw. Akala nya niloloko mo pa rin sya at Akala nya nagtulog tulogan ka lang kaya ginising ka nya..? ang kulit talaga ng anak ni mikay. Malungkot ang mukha ni mike habang may kinekwento sa kanila Mike: narinig ko ang boses nya na sumisigaw at parang humihingi ng tulong sa akin kaya pilit ko syang hinahabol pero di ako makagalaw. Sophia: panaginip mo lang yon kuya ok lang si kisses . Walang nangyaring masama sa kanya. Stephen: walang masamang nangyari sa kanya kaya wag ka ng mag alala ang daldal lang talaga nya . Natawa pa nga kami kanina ng sinabi nya na para ka daw kalabaw haha?. Sophia: yan kasi ang tawag nya sa hilik ng tito nya parang kalabaw daw. ? Stephen: ah kaya pala! ? Sophia: kaya ka nagising dahil napanaginipan mo si kisses? Mike: siguro. Hindi ko alam kasi parang totoo. Stephen: totoo naman talaga na sumisigaw sya at boses nya ang narinig mo pero wala naman masamang nangyari sa kanya. Sophia: kung alam lang namin. Eh di pinasigaw sya namin sa tabi mo para magising ka hehe. Stephen: oo nga noh! ? Mike: hehe sana ate ginsing mo ako. Sophia: ginigising kaya kita kaya lang hindi mo ako naririnig eh. Mike: ate, sorry ha. Sophia: wag kang mag sorry ang mahalaga ligtas ka na. ? Mike: sorry, kasi di natuloy ang kasal natin.? Sophia: kahit di natuloy basta gumaling ka na. Marami pa naman araw at buwan hehe. Matutuloy pa naman natin yon. Stephen: kung gusto mo paglabas mo dito ituloy agad natin ang kasal nyong dalawa. Mike: ayoko muna kuya ! Magpagaling muna ako. Ayokong pahirapan si sophia. Sophia: wala naman problema sa akin. Masaya akong alagaan ka Mike: kahit na ate. Maya maya , dumating si mich kasama si marites at kisses. Mich: kuyaaa! salamat at gumising ka na. Ikaw talaga kuya grabe ka kung magbiro sa amin kinabahan kaming lahat. ?. Niyakap niya si mike ng mahigpit dahil sa tuwa. Mike: Salamat sa inyo wag ka ng mag alala ok na ako. Sweety, halika. Saan pala sila Mama at Papa? Sophia: ate tes akin na si kisses. Mich: papunta na sila dito kuya kasi umuwi sila kanina akala kasi namin di ka pa rin magigising. Stephen: sandali tawagan ko ulit sila mama. Mike: ganun ba! Sweety halika dito. Marites: busy sya sa kinakain nya oh? Kisses : hehehe. Matayap tito oh gusto mo. ? Napangiti nalang sila sa kanya dahil wala itong pakialam sa mga nangyayari . Sophia: halika dito sweety dito ka umupo sa tabi ng tito mo. Binigay sya ni Marites kay sophia at pinaupo sa tabi ni mike. Mike: ok kalang ba sweety? Parang wala lang sa kanya ang tanong ni mike dahil abala ito sa kinakain Sophia: tinatanong ka ni tito mo oh. Kisses: mamaya na po ah kain pa ako tito. Mich: haha sweety. ? Marites: ikaw talaga sweety? Mike: ok sige. Mamaya na hehe. Kisses: gising ka na paya tito mike? Natuyog ka kanina dito oh hehe. Mike: opo, nakatulog ako eh. Sophia: ginising mo pala si tito mo mike kanina? Kisses: opo kasi umaga na hehehe. Tuyog pa sya tita. Natatawa nalang sila habang nakikinig kay kisses. Kisses: yaya no more na po hehe. Marites: ok sige uminom ka muna ng tubig. Kisses: sige po. Binigyan sya ni marites ng tubig at ininom nya agad ito. Kisses: busog na ako yaya hehe. Marites: haha. Ok . At pagkatapos nyang uminom humarap sya kay mike at kinausap ang tiyuhin. Kisses: may yagnat ka po tito? Bakit ikaw may tayi sa kamay? Mike: niligay ito ng doctor sa kamay ko. Kisses: ah.. hehe . ? Mike: nanggaling ka ba sa school mo? Kisses: opo, maganda ang suot ko po tito oh. ? Mike: oo nga noh. Kisses: hehe. Taya na tito bangon na ikaw dyan! ayis na tayo! uwi na tayo sa bahay. Mike: magagalit pa ang doctor eh. Kisses: bakit po? ? Sophia: kasi sweety hindi pa magaling si tito mo. Kisses: ah magayit paya ang doctoy.? Hehe. Ok po. Hinayaan nalang muna ni mich si kisses sa tabi ni mike habang kinakausap ang tiyuhin . Mich: kuya stephen, nasaan na sila mama? Stephen: pabalik na sila dito naliligo pala si mama kanina pagtawag ko kay papa. Mich: ah ok, kasi pagdumating sila uuwi na muna kami babalik nalang ako mamaya dito. Di naman pwede magtagal dito si kisses. Stephen: ok sige, walang problema Mich:sabay nalang kami ni marc mamaya pagbalik dito . At dahil nagyaya na si kisses na umuwi nagpaalam nalang sila kay mike kahit hindi pa dumating ang mga magulang nila. Mich: kuya, si sophia lang muna ang magbantay sayo dito ha kasi oh inaantok na to eh. Mike: ok sige, bye sweety. ? Kisses: bye po , ma taya na uwi na tayo ? gutom na ako ma. Mich: ha? Gutom ka na naman?? Kisses: opo.? Mike: kumain na muna kayo mikay. Mich: doon na kuya sa bahay . Sige na alis na kami. Beh,(sophia) ikaw na muna ang bahala dito ha papunta na sila mama at papa dito. Sophia: ok po ate. Ako na ang bahala dito. Mich: ok sige, alis na kami . Pag- alis nila mich kinausap ni mike si sophia at humingi na naman ulit ito ng sorry. Mike: ate sorry talaga ha. Sophia: wala yon! aksidente ang nangyari kaya wala kang dapat ihingi ng sorry sa akin. Basta magpagaling ka. Mike: akala ko ng mga oras na yon mamatay na talaga ako. Sophia: ano ba ang nangyari bakit ka pala naaksidente ?oo nga pala nasa kulongan na ang driver ng truck na nakabangga sayo. Mike: bakit sya nakulong? ? Sophia: pinakulong siya ni Tito Robert kasi siya ang driver ng truck na nakabangga sayo. Mike: ha!? ate, walang kasalanan ang driver ako ang nag overtake sa truck nya. Kasi nagmamadali akong umuwi nun para di ako maabutan ng ulan. Tapos biglang may sumabay sa akin na sasakyan ,naggitgitan kami eh nasa gitna ako ng bigla kong nasagi ang unahan ng truck at natumba ang motor . Buti na nga lang mabagal ang takbo ng truck . Pero nakalakadkad pa rin ako . At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari kung sino ang tumulong sa akin kasi nawalan na ako ng malay. Sophia: kung ganun walang kasalanan ang driver ng truck? ? Mike: oo ate , ang may kasalan ang driver ng sasakyan na sumabay sa pag overtake sa akin at parang sinadya na idikit ako sa truck. Sophia: omg!? Dapat malaman ito nila Tito at Tita kawawa naman pala ang driver. Mike: oo ate, walang kasalanan ang driver ng truck.At baka nga sya pa ang tumulong sa akin sa pagdala sa ospital . Sophia: sige kuya sasabihin ko sa kanila ni Tito mamaya pagdating nila. Magpahinga ka na muna baka mapagod ka. Mike: salamat ate sa pag aalaga mo sa akin dito ha. ? Sophia: aalagaan kita hanggang sa gumaling ka. Nandito lang ako sa tabi mo. Basta magpagaling ka lang. ? Mike: opo! Magpapagaling ako para makabawi ako sayo at matuloy ang kasal natin. Sophia: natuloy naman eh. Tingnan mo hehe. Hinawakan nya ang kamay ni mike na may suot na singsing . Mike: wedding ring natin to ah. ? Sophia: opo. Kasi nung araw ng kasal natin sinama ko ang pari dito at pinagdasal ka namin tsaka sinuot ko to sayo. At dahil gising ka na isuot mo ito sa akin hehe. Binigay nya ang singsing kay mike kaya napangiti ito habang isinusuot sa kanya. Mike: ate, mahal na mahal kita ? Sophia: mahal na mahal din kita ? magpagaling ka ha . Ayan pareho na tayo hehe. Mike: parang gusto ko ng lumabas dito kasi bigla akong lumakas. ? Sophia: hindi ka pa malakas! Kaya mo na bang sumayaw?? Mike: hindi pa pala hehe. ? Sophia: magpahinga ka na muna kasi mamaya darating sila Tita at tito baka mabinat ka pa ? . Mike: ok sige sabi mo eh. . ? Masayang masaya si sophia habang pinagmamasdan si mike na nakapikit. Sophia: thank you lord at hindi mo sya kinuha sa akin. Pangako ko po sayo aalagaan ko sya at mamahalin habambuhay.. ...... Dumating ang mga magulang ni mike at tuwang tuwa ang mga ito ng makita ang anak na maaliwalas ang mukha. Sophia: tita, tito ok na sya. Pinatulog ko muna ulit para makapagpahinga.. Brenda: sige hintayin nalang namin na gumising sya. Kumain ka na muna may dala kaming pagkain dyan. Robert: sige na kumain ka na iha. Sophia: opo tito. Masayan masaya sila habang pinagmamasdan si mike maya maya gumising ito kaya niyakap agad siya ng ina. Mike: Pa,Ma nandito na pala kayo. Brenda: oo nak,? pasensya ka na ha ngayon lang kami dumating ng papa mo. Kamusta ka na nak? Robert: mabuti naman gumising ka na. Mike: ok na ako Ma, Pa. Wag na kayong mag alala sa akin. Brenda: ok sige, basta magpagaling ka. Salamat sa diyos at niligtas ka nya. Robert: matibay ka talaga nak. Hehe Mike: oo naman pa, mana lang ako sayo hehe. Brenda: salamat sa diyos dahil di ka nya pinabayaan. Mike: oo nga po ma. ? oo nga pala pa nabanggit ni sophia kanina ang tungkol sa driver. Robert: wag kang mag alala nakakulong na siya. Mike: Pa, wala syang kasalanan. Ako ang may kasalanan kung bakit ako naaksidente. Robert: paano nangyari yon? ? Sinabi nya ang lahat sa mga magulang ang nangyaring aksidente kaya bigla silang naawa sa driver. Hindi naman sila masisi kung pinakulong agad nila ito dahil sa sobrang galit at pag alala sa nangyari sa anak Robert: sige nak, ngayon din pupunta ako sa presento . Aayusin ko ito. Mike: sige po pa. At paki sabi sa kanya na salamat sa pagtulong nya sa akin. Robert: ok sige. Brenda: humingi ka nalang ng pasensya Pa. Robert: sige ako na ang bahala. Pagkatapos nilang mag usap umalis agad si Robert upang asikasuhin ang tungkol sa nakakulong na driver. Pinalabas nya ng kulongan at humingi na rin sya ng pasensya . Robert: gumising na ang anak ko at sinabi nya sa akin ang lahat kaya pinalabas kita dito. Pasensya ka na ha nadala lang ako sa galit kaya kita pinakulong agad. . Driver: naintindihan ko naman po sir at salamat din kasi pinalabas mo ako. Robert: alam kong wala ka ng trabaho dahil sa nangyari . Huwag kang mag alala tutulongan kita . Driver: salamat po sir at kung kailangan niyo ang tulong ko sabihin nyo lang sa akin. Robert: sige maraming salamat. Ito pala ang number ko. At itong konting pera para may panggasto ka muna habang wala ka pang trabaho. Tawagan mo ako sa number na yan . Driver : sige po sir maraming salamat din po. Nakakahiya naman binigyan nyo pa ako ng pera. Robert: walang anuman! maraming salamat din sayo ha.. Nagkamayan silang dalawa bago umalis . ..... Lumipas ang ilang araw tuluyan ng gumaling si mike at pwede na syang lumabas ng ospital kaya laking pasasalamat nya sa kanyang pamilya lalong lalo na sa kanyang mga magulang at kay sophia sa pag alaga sa kanya. Mike: maraming salamat Pa, Ma. Makakalabas na ako dito. Brenda: masayang masaya kami ng Papa mo nak dahil makakalabas ka na dito. Mike: salamat ma. Nasaan pala si sophia? Robert: parating na sya. Pinauwi kasi muna ng mama mo kanina kasi buong magdamag sya nandito sayo. Mike: ganun po ba. Brenda: mahal na mahal ka talaga nya nak kasi di sya umaalis sa tabi mo nung di ka pa nagkamalay kaya aayusin natin ulit ang araw ng kasal nyo. Mike: opo ma. Masayang masaya silang lahat dahil sa wakas nakalabas na si mike sa ospital at tuluyan ng gumaling. ..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD