BOOK 2
"Ikaw"
( Walang makakasira sa ating dalawa)
Part 19
Sumunod na araw hindi na natiis ni sophia ang panggugulo ng babae sa kanya kaya sinabi nya ito kay mike.
Sophia: kuya may sasabihin ako sayo .
Mike: ano yan?
Pinakita nya ang number ng babae sa kanyang cp.
Sophia:ito tingnan mo. Kilala mo ba ang number na to?
Mike: akin na ! patingin!.
Binigay sa kanya ni Sophia at agad naman nyang tiningnan.
Mike: hindi ko kilala ang number kung kanino yan. bakit ate kanino ba yan?
Sophia: hindi ko rin kilala pero palaging tumatawag sa akin yan.
Mike: anong sinasabi nya sayo? Hindi ba sya nagpakilala?
Sophia: hindi sya nagpakilala basta ang palagi nyang sinasabi na sinira ko daw ang pamilyang matagal nya ng pilit buohin.
Mike: Ano?? at kanino naman pamilya sinisira mo?
Sophia: hindi ko nga alam! Kaya naiinis ako sa mga sinasabi nya.
Mike: akin na ang number ako ang tatawag.
Sophia: sige kunin mo dyan.
Mike: block mo nalang kasi ate ginugulo ka lang nyan.
Sophia: ang unang number na ginamit nya nakablock na pero gumamit ulit ng bago.
Mike: ah talagang gusto ka lang nyang guluhin. Sige wag kang mag alala ako ang tatawag.Mga walang magawa lang siguro yan.
Sophia: kuya, magsabi ka nga ng totoo may iba ka bang babae?.
Deretsahang tanong ni sophia kay mike kaya napatitig ito sa kanya.
Mike: ate!?
Sophia: gusto ko lang malaman. ayoko ng ganito na may gumugulo sa akin lalo pa at pinagbibintangan ako na naninira ng pamilya. Sana maintindihan mo ako kuya.
Mike:ate! Kahit tadtarin mo pa ako ng pinong pino wala akong ibang babae. ?
Sophia: im sorry kuya. Gusto ko lang naman malaman at kung sakaling meron di naman ako magagalit maintindihan naman kita. Siguro sasama lang ang loob ko.
Mike: ate, alam mo ba na buong buhay ko wala akong ibang inisip kundi kung paano kita maibalik sa akin. Hindi naman ako siraulo na makipagrelasyon sa iba habang sinusuyo kita. Ate maniwala ka wala akong ibang babae . ?
Sophia: pasensya ka na kuya. Hindi ko lang maiwasan mag isip ng ganito.?
Napaiyak sya at niyakap nya si mike.
Mike: wag kang umiyak. Pangako wala akong ibang babae. At yang tumatawag sayo naninira lang yan sa atin kaya dapat magpakatatag ka nandito lang ako sa tabi mo.
Sophia: Hindi ko na alam ang gagawin ko kung sa pangalawang pagkakataon masasaktan na naman ako ulit. ?
Mike:wag mong isipin yan dahil hinding hindi mangyayari yan. Mahal na mahal kita kaya hindi mangyari yang iniisip mo. Tibayan mo lang ang loob mo sa mga naninira sa atin wag mong silang hayaan na sirain ka at ang relasyon natin.
Sophia: di ko lang kasi maiwasan.
Mike: kaya pala matamlay ka nitong mga nakaraang araw may bumabagabag pala sayo?
Sophia: oo nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sayo o hindi dahil baka magalit ka at natakot akong malaman kung totoo ang sinabi ng babae.
Mike: ate! Wag mo ng isipin ang mga ganyang bagay kasi kahit kailan hinding hindi kita kayang lokohin.
Sophia:salamat kuya.
Mike: kaya ang gawin mo hayaan mo nalang ang naninira sayo ipakita mo sa kanila na walang epekto sayo ang mga paninira nila.
Sophia: ok sige kuya . Napapraning lang din siguro ako.
Mike: naintindihan kita. Pero ayokong makita ka na ganyan ang mukha mo ha. Mamaya nyan pag dating ng araw ng kasal natin ang dami mo ng kulubot sa noo?
Sophia: wag naman sana.?
Mike: kaya nga !wag kang magpaapekto sa kanila. ? ito lang ang tandaan mo ate mahal na mahal kita. Hindi man ako naging perpektong boyfriend sayo ngunit hindi hinding ko magawang saktan at lokohin ka.
Sophia: salamat kasi Ngayon panatag na ang kalooban ko.
Mike: dapat lang. ? oh paano aalis na ba tayo?
Sophia: sige alis na tayo.
Mike: ngumiti ka na! Mamaya sasabihin ng mga studyante mo inaway kita? .
Napangiti nalang si sophia sa kanya. Ngunit di mawala sa isip nya ang isipin pa rin ang mga sinasabi ng babae.
............
Dahil sa mga nangugulo kay sophia naisip nyang puntahan ang isa sa kanyang mga kaibigan at sinabi ang kanyang problema
Jessa: bes, alam mo madali lang yan. Sabihin mo sa babae na magkita kayo para malaman mo kung sino siya pero dapat samahan ka namin ha.
Sophia: natatakot ako bes. Alam mo naman na hindi ako mahilig makipag away.
Jessa: bes, hindi ka naman makipag away eh. Alamin mo lang kung bakit gusto nya kayong sirain ni mike. Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ni mike sayo?
Sophia: syempre bes naniniwala pero ayoko ng ganito na para bang pinaglalaruan ako ng babae na yon.
Jessa: naintindihan kita bes kaya sabihin mo lang ang plano mo kasi kung ako ang tatanungin mo makipagkita ako sa babae na yon para matapos na.
Sophia: bes, hindi ba magalit si mike nito.
Jessa: bes, siguro oo magagalit sya pero kung ganito lang din naman na hindi ka mapapalagay sa mga panggugulo ng babae na yon dapat mong gawin to para matapos na.
Sophia: natatakot kasi ako bes.
Jessa: wag kang mag alala sasamahan ka namin hindi naman kami papayag na mag isa ka lang.
Sophia: sige bes pagtumawag sya ulit sabihin ko sa kanya na makipagkita ako sa kanya para matapos na .
Jessa: sige bes sabihin mo lang agad sa akin ha. Wag kang matakot sa mangyayari. May karapatan kang gawin at ayusin ito dahil ikaw ang naapektuhan.
Sophia: salamat bes. Di ko alam sa sarili ko pagdating sa ganitong problema parang pakiramdam ko durog na durog ako.
Jessa: ganyan talaga bes may mga tao talaga na ayaw kang maging masaya sa madaling salita "inggetera " kaya wag kang paapekto sa kanila .
Sophia: salamat bes! ayokong sabihin sa kanila mama at papa ito kasi ayaw kong mag alala sila gusto ko lutasin itong mag isa bes.
Jessa:sige kung ayaw mong sabihin sa kanila Tito at Tita dapat sabihin mo sa amin o sa akin ang lahat ng gagawin mo ha! bes isipin mo hindi mo pa kilala ang babae kaya ko lang naman nasabi na e meet mo yon dahil para malaman mo kung sino ang naninira sayo. Wag kang mag alala kasama mo kami sa laban mo na to hehe?
Sophia: bes naman eh!? ano ba ito boxing?
Jessa: pinapangiti lang kita bes kasi kanina ka pa nakasimangot.?
Sophia: salamat bes. kahit papano nawawala ang poot sa dibdib ko.
Jessa: bes wag ganyan ha mamaya nyan magkasakit ka sa puso.
Sophia: hehe di naman bes.
Jessa: basta nandito lang ako at kaming lahat ng mga kaibigan mo.Mag aabay pa kaya kami! kaya di kami papayag na di matuloy ang kasal nyo ??.
Sophia: haha ? yan talaga ang naisip mo bes?
Jessa: oo naman! Napaghandaan na kaya namin yon.? Pero seryoso bes sasamahan ka namin sa pagkipakita mo ha
Sophia: salamat bes.
Jessa: wag kang mag alala maayos din ito. Alam ko naman na hinding hindi magagawa ni mike sayo na lokohin ka.
Sophia: salamat bes kahit papaano napagaan mo ang loob ko.
Jessa: maliit na bagay bes ?
Medyo gumaan ang pakiramdam ni sophia dahil nailabas nya sa kaibigan ang kanyang problema.
.........
Makalipas ang isang linggo binisita nila Marc at Mich ang kanilang pinapagawang bagong bahay.
Marc: malapit na matapos to bhe.
Mich: malaki din pala to ?.
Marc: oo naman. Baka di magkasya ang mga anak natin eh. ?
Mich: yan ka na naman!?
Marc: hahaha
Mich: wala pa talaga bhe eh kaya sorry ka nalang hehe?
Marc: ok lang makakabuo rin tayo ulit ?
Mich: alam ko naman na gustong gusto mo ng sundan si kisses eh kaya lang wala talaga. ?
Marc: oo nga! sana lalaki naman ? para naman di mawala ang apelyido ko at syempre ang kapogian na rin??
Mich: yan talaga bhe??
Marc: haha joke lang ?.
Mich: oo nga naman pogi ka naman talaga ? lalo na pag ngumiti ka oh ??
Marc: haha ah ganun?
Binuhat sya agad ni marc at dinala sa hindi pa tapos na bahay.
Mich: bhe, ibaba mo ako?.
Marc: bigat mo haha.
Habang iniikot nila ang loob ng kanilang bahay may sinabi si marc sa kanya.
Marc: bhe, gusto mo bang kumuha tayo ng isang katulong?
Mich: bakit? ?
Marc: baka kasi napapagod na si Ate tes. Kay kisses palang alam kong pagod na sya.
Mich: tinanong ko rin si yaya tungkol dyan . Sabi nya ok lang naman.
Marc: syempre nahihiya yon bhe. Kahit kumuha lang tayo ng tagalinis at tagalaba. Si ate tes lang ang magluluto.
Mich: ok sige. Para din naman sa kanya yon para di sya mahirapan.
Marc: kaya nga eh . Kay kisses palang hirap na sya? dagdagan mo pa . Naku wala na.?
Mich: grabe sya oh!? tumutulong kaya ako kay yaya.
Marc: weeh di nga! Totoo??
Mich: di mo lang alam noh! kahit itanong mo pa sa kanya. Pag wala akong trabaho tumutulong kaya ako.hehe
Marc: alam ko naman eh! pero syempre ayoko naman na mapagod ka..?
Mich: sige bhe ikaw ang bahala . Mabuti nga yon. Kasi itong mga susunod na buwan busy na rin ako. At si kisses eenroll ko na yan.
Marc: sinabi mo na ba sa kanya na mag aaral na sya?
Mich: hindi pa naman.
Marc: ang bilis lang bhe noh. Mag aaral na sya. ?
Mich: kaya nga eh ! Sa sunod na mga taon dalaga na sya ?
Marc: magbody guard na naman ako nito. ?
Mich: hala sya! ? wag mong sabihin bantayan mo anak mo.
Marc: oo naman! Sasapakin ko talaga ang manloko sa kanya.
Mich: hahaha bhe ? saka mo na yan isipin mag 3years old palang si kisses haha.
Marc: ikaw kasi eh ?.
Mich: haha ako pa ang sinisi. Baby pa yon.
Marc: anong plano mo bhe lilipat ba tayo dito?
Mich: ang plano ko sana na pag weekdays dito tayo kasi malapit lang ang school na papasukan ni kisses at pag sabado doon tayo sa lumang bahay.
Marc: ok pwede rin naman mapapagod lang kasi si kisses pag doon pa tayo tapos dito sya papasok.
Mich: yon na nga ang iniisip ko bhe.
Marc: ok sige yan nalang. Siguro dalawang linggo matatapos na to.
Mich: pwede na ba agad lipatan to?
Marc: pagtapos na at maiayos na ang lahat na gamit saka tayo lilipat kung tutuusin di naman tayo lilipat dito kasi di naman natin dalhin abg mga gamit natin doon.
Mich: kunsabagay tama ka
Marc: parang bahay bakasyunan nalang doon bhe hehe.
Mich: parang ganun na nga pero doon pa rin tayo kasi maganda doon.
Marc: kailan ba gusto mong kumuha ng katulong bhe?
Mich: pagtapos na siguro ito bhe.
Marc: kung ganun maghanap na tayo . Habang di pa tapos ito.
Mich: sige , sasabihin ko kay yaya baka may kakilala sya na gusto nyang ipasok.
Marc: ok sige buti sana kung meron para kilala na nya.
Mich: tanungin ko lang sya mamaya.
Marc: ok sige. Oh paano alis na tayo
Mich: sige. Halika na.
Marc: ok sige.
Umalis sila at naghanap ng school na pwedeng pasukan ni kisses at nung nakahanap sila enenroll agad nila
Marc: matutuwa yon bhe pag sinabi natin sa kanya mamaya.
Mich: sigurado bhe hehe. Next week daw kunin ang uniform.
Marc: ok na rin yan para masanay na sya.
Mich: kaya nga eh.
Marc: halika na uwi na tayo tapos naman di ba?
Mich: oo tapos na. Halika na.
Pag uwi nila ng bahay nadatnan nila si kisses na naglalaro ng kanyang mga pangkulay.
Mich: sweety! Ano yan??
Kisses: Mama hehe.
Marc: anong nangyari sayo??
Kisses: nagcolor kami ni yaya pa hehe.
Marites: nandito na pala kayo. Gusto nya kasi magdrawing kaya ayan ang kamay nya na may water color nailagay nya sa mukha nya ?
Kisses: hehehe mayunong na ako ma oh ..
Mich: kaya pala?. Maghugas ka muna sweety.
Kisses: tapot na ma.
Marc: akala ko may clown hehe. pwede ba akong sumali?
Kisses: opo pa.hayika hehe
Marc: wow! Ang galing naman . Ano ba ang ginawa nyo ni yaya?
Kisses: gawa kami sun hehe.
Marc: wow ! sun pala yan ang galing naman.
Marites: ipakita mo sa kanila ang ginawa mo kanina sweety.
Kisses: yong fish yaya tet?
Marites: opo! tsaka ang iba pa.
Marc: sige nga patingin kami ni mama.
Mich: patingin nga kami sweety.
Kinuha nya sa kabilang mesa at pinakita sa kanila.
Kisses: ito po oh hehe. ??
Mich: wow! Ang galing naman. ? very good talaga ah.
Marc: ang ganda ah. ? ang galing naman ng baby namin ??.
Mich: wag mong itapon to ha. Ilagay natin sa folder pag natuyo na. Ang galing galing talaga ng baby ko??
Kisses: hehe hindi nga po ako mayunong ma oh
Mich: marunong ka naman ah ang ganda nga ng flower at fish na ginawa mo oh hehe .
Marc: ang galing galing naman. ?
Kisses: tuyuan ak o ni yaya pa.
Marc: ganun ba? wow ang galing ah.
Mich: sige na! tama na muna yan . Wash ka na ng hands mo kasi kakain muna tayo may dala kami ni papa.
Kisses: opo ma. Yaya tet heyp me po.
Marites: halika maghugas ka ulit. Ako na mamaya magligpit nyan.
Marc: ako na tutulong sayo. Para si yaya at mama na magligpit nyan.
Kisses: opo pa.
Mich: sige na maghugas na kayo ni papa.
Marc: halika sweety.
Pagkatapos nila maghugas at magligpit kinain nila ang kanilang dalang pagkain
Kisses: wow! Yummy hehe.
Marites: favorite mo kasi eh. Mango cake hehe.
Kisses: opo yaya hehe.
Mich: ya, kumuha ka nalang dyan ha.
Marites: ok sige ako na ang bahala
Marc: ate tes may sasabihin kami mamaya sayo.
Mich: oo nga pala ya hehe pero mamaya na.
Marites: ok sige.
Pagkatapos nilang kumain sinabi ni Mich sa anak na mag aaral na ito.
Mich: di ba gusto mo ng mag aral?
Kisses: opo ma.
Mich: kaya sa pasukan mag aaral ka na.
Kisses: taan po ma?
Mich: doon malapit sa bago nating house .
Marc: gusto mo bang mag aral?
Kisses: opo pa paya mayunong ako .
Marc: very good. para lalo kang matuto magsulat at magdrawing ok. Kasi si mama at papa minsan nalang magturo sayo. Kaya doon sa school si teacher na magturo sayo.
Kisses: opo pa hehe. Tuyuan din ako ni mama pa. At ikaw yin.
Marc: opo sa ngayon turuan ka muna namin Para pagpasok mo ng school alam mo na ang iba..
Kisses: hehe opo pa.
Mich: malapit na rin si tita mo ganda magpatayo ng dance studio nya dito kaya ipapasok rin kita hehe .
Kisses: magdance ako ma?
Mich: opo! Extra activity mo yon. Gusto mo ba?
Kisses: opo ma! Bata ti tita ganda magturo sa akin ma ha.
Mich: ok sige.? ayaw mo ba sa iba?
Kisses: ayoko po ma guto ko ti tita ganda yang hehe.
Marc: haha naku. ?
Mich: ok sige .hehe mwah.
Mayamaya tumunog ang cp ni Marc kaya sinagot muna nya ito. Samantalang si Mich at Kisses umakyat sa kanilang kwarto upang magpalit ng damit.
............
Kinagabihan sinabi nila kay marites na gusto nilang kumuha ng isa pang katulong
Mich: ya, kasi naawa kami sayo palagi ka nalang pagod.
Marites: kayo talaga di pa kayo nasanay sa akin.
Marc: ate tes gusto kasi namin na magfocus ka nalang kay kisses alam naman namin na inuuna mo si kisses sa lahat ng mga ginagawa mo kaya ayaw ka namin masobrahan sa pagod dahil alam naman namin na hindi basta basta alagaan at bantayan si kisses.
Mich: sige na ya pumayag ka na pls hehe.
Marites: para sa akin Ok lang kaya ko naman at masaya akong inaalagaan kayong tatlo lalo na yang anak nyo. Pero hindi ko naman kayo mapipigilan kasi alam ko naman na ako ang inaalala nyo. Ok sige na nga payag na ako.
Marc: ate wag kang mag alala ikaw pa rin naman ang magluluto ayoko ko kayang pumayat ??
Mich: hehe, ayaw niya ya na ako ang magluto.?
Marites: dapat lang! Kasi di ako papayag na hindi ako ang magluluto. ?
Marc: salamat ate tes ha kasu ipinaglalaban mo ang pagluluto haha .??
Mich: ang sama talaga ng ugali mo bhe. ?
Marc: hahaha wala naman akong sinabi ah. ?
Marites: haha ?
Mich: alam ko na yan bhe? style mo bulok.
Marc: haha ? ikaw naman.
Marites: sa agency ba kayo kukuha?
Marc: kung may kakilala ka sana ate na gustong ipasok dito yon nalang sana .
Mich: opo ya! Para kilala mo na.
Marites: hi ndi ako sigurado kung meron . Pero sige subukan ko lang. Kailan ba ang gusto nyo?
Marc: next week siguro ate.
Marites: ok sige. Tatawag nalang ako bukas doon
Mich: salamat ya ha?
Yumakap si mich sa kanya.
Marc: yan na ate tes padedehin mo na yan haha ( sabay takbo pataas)
Mich: baliw!? wag kang maingay dyan bhe magising si kisses ha.
Tumawa nalang si marc sa taas.
Mich: loko loko talaga oh ?
Marites: kayong dalawa talaga parang mga bata hehe. matulog ka na rin?.
Mich: opo ya.? Salamat ulit ya ha at pumayag ka hehe.
Marites: alam ko naman kasi na umaandar na naman yang pagiging anak mo ?
Mich: haha yaya naman! oo naman noh ikaw na kaya ang pangalawang mama ko. ?
Marites: alam ko naman yon at naramdaman ko yon . Ang sa akin lang ayokong gumastos pa kayo eh kaya ko naman .
Mich: alam ko naman ya na kayang kaya mo kaya lang ayoko naman na mapapagod ka ng sobra basta kukuha tayo ng makakatulong mo dito hehe. Paano kasi mga pasaway ang mga alaga mo hehe??.
Marites: ikaw talaga .? Sige na matulog ka na gabi na oh. .
Mich: sige po ya. Matulog ka na rin ha.
Marites: sige tatapusin ko lang ang pinapanood ko ?
Mich: sige po. ? goodnight ya?
Marites: goodnight baby girl ?
Mich: ilove you hehe.?
Marites: iloveyou sige na matulog ka na.
Mich: opo ya.
Napangiti nalang si Marites habang sinusundan nya ng tingan ang alaga. Hindi nya akalain na ganito sya kamahal ni michelle at itinuturing pa sya nitong pangalawang ina.
..