BOOK 2
"Ikaw"
( Ano ba ang nangyayari sa ating dalawa)
Part 20
Kinabukasan, tumawag si marites sa kanila upang magtanong tungkol sa sinabi nila Mich at Marc sa kanya . Kaya natuwa naman sya ng may erekomenda ang kanyang pinsan kaya agad nya ito sinabi sa dalawa.
Marites: Marc, kakatawag ko lang sa amin . May kilala ang pinsan ko na pwedeng ipasok dito.
Marc: ganun ba ate ok sige.
Marites: papuntahin ko na ba dito agad?
Marc: depende sa kanya ate kung gusto nya ngayon ok lang. Ganun din naman yan kasi sabi ni michelle pagtapos na daw ang bagong bahay pero ok lang kung ngayon na..
Marites: ok sige sasabihin ko sa kanya.
Marc: sige ate bibigyan kita mamaya pera para ipadala doon sa kanya pamasahe nya papunta dito.
Marites: hindi na sinabihan ko na ang pinsan ko na siya na ang bahala.
Marc: ok sige. Babayaran ko nalang sya dito pagdating nila.
Marites: ok sige. Hindi mo na ba kailangan ng mga nbi or police clearance?
Marc: kilala mo naman siguro yon ate kaya di na kailangan.
Marites: kilala ko yon sa apelyido nila pero sa personal hindi masyado. Kalapit lugar lang namin.
Marc: ah ok. Ano sa tingin mo te mabait naman ba yon?
Marites: sige wag ka mag alala tanungin ko ang pinsan ko kasi sa pagkakaalam ko mababait naman ang pamilya nila
Marc: sige ate kung ganun Wag na lang nbi o police clearance.
Marites: sige tawagan ko ang pinsan ko para maiayos na nya.
Marc: sige ate.. alis muna ako ha. Ang dalawa nandoon pa sa taas nag aaway. Haha.hay naku! ?Sige ate alis na ako.
Marites: di ka ba kakain?
Marc: di na ate sinabi ko na kay Michelle na doon ako kakain sa kanila kuya bert.
Marites: ah ok sige. Ingat ka.
Marc: salamat ate.
Umalis si marc kaya tinawagan nya agad ang kanyang pinsan.
......
Makalipas ang ilang araw dumating ang pinsan ni marites at ang bagong kasambahay.
Marites: halikayo! Dito sa loob
Dideth: ate tes, ito pala si Ellen
Ellen: hi ate. ?
Marites: hi din! ?
Dideth: nasaan sila ate ?
Marites: Nasa taas pa. Pinapatulog nila ang kanilang anak .
Dideth: ah kaya pala. Len, halika dito kilala mo naman siguro si ate Marites di ba ?
Ellen: opo te pero di ko sya masyadong nakikita doon sa inyo
Marites: minsan lang kasi ako umuuwi sa atin. Teka! Kumain pala muna kayo.
Kumuha ng pagkain si Marites at pinakain silang dalawa habang naghihintay sa pagbaba nila Marc.
Dideth: ate, bakit ang dami naman nito?.
Marites: ok lang yan. Sige na kumain na kayo.
Dideth: sige na len kumain ka na.
Ellen: sige ate.
Pagkatapos nilang kumain tamang tam din na bumaba sila marc at mich.
Marc: nandito na pala sila ate?
Marites: oo pinakain ko muna sila.
Mich: kanina pa ba sila ate?
Marites: kalahating oras na siguro.
Mich: kanina pa pala hehe ang tagal matulog kasi ni kisses .
Dideth: hi michelle?
Mich: ate Dideth ikaw pala yan?? di kita nakilala agad ah.
Dideth: natandaan mo pa ako??
Mich: oo naman hehe.
Dideth: matagal na kaya nung nagkita tayo kasi nung pumunta ako dito wala kayo nun.
Mich: oo nga po kasi umuwi kami sa kanila mama.hehe
Dideth: siya pala si Ellen
Ellen: hi po!
Mich: hi! Ako nga pala si Michelle . Ikaw ang magtatrabaho dito sa amin?
Ellen: opo ako!
Nakipagkamay si mich sa kanya.
Marites: at ito namam si Marc ang asawa nya.
Ellen: hi din po!
Marc: ilang taon ka na Ellen?
Ellen: 27 po
Marc: ah ok. Mas matanda ka pala kay Michelle.
Marites: ok na ba sya sa inyo?
Mich: ok na ya! basta marunong siya sa mga gagawin nya hehe.
Dideth: wag kayong mag alala marunong ito sa mga gawaing bahay.
Marc: buti naman . Oo nga pala si ate marites na ang bahala sayo ha.
Ellen: ok po.
Pagkatapos nila mag usap umuwi agad ang pinsan ni Marites.At pinagpahinga muna ni marites si ellen.
Marites: magpahinga ka muna bukas ka na magstart ng trabaho mo.
Ellen: ok lang ba sa kanila ate?
Marites: oo ok lang yan. Wag kang mag alala mababait ang mga yan.
Ellen: salamat naman po.
Marites: sige na magpahinga ka na muna ako na ang bahala dito.
Ellen: sige po.
Dinala ni Ellen ang kanyang gamit sa isang kwarto at doon na rin nagpahinga. Samantalang si Marites pumasok ng kusian upang magluluto ng makakain nila para sa meryenda.
Mich: ya, alis muna kami ni Marc.
Marites: ok sige . Tulog pa ba si kisses?
Mich: opo ya.
Marites: sige mamaya aakyat ako doon.
Mich: sige po ya. Ano po ang lulutuin mo ?
Marites: bananaQ ?
Mich: wow! Sige po ya mamaya pagbalik namin hehe.
Marites: ok sige.
Marc: bhe tara na.
Mich: sige sandali lang. Mauna ka na sa sasakyan bhe.
Umalis silang dalawa kaya dali daling nagluto si Marites ng bananaQ dahil baka magising si kisses at hindi na sya makapagluto.
......
Kinagabihan habang nasa mesa sila kumakain ng hapunan napatitig si kisses kay Ellen .
Ellen: hi baby!?
Kisses: heyyo! ? tino po kayo?
Napangiti nalang sila Marc at Mich sa anak.
Mich: sweety siya si ate mo ellen bagong kasama natin dito sa bahay. Hindi pala nya nakita kanina si Ellen bhe.?
Marc: ngayon lang naman kasi bumaba yan.
Kisses: why po? Waya po tya house ma? Kya dito tya ta atin??
Marites: haha sweety ?
Marc: hahaha ?
Mich: Dito sya sa atin mag wowork kasama ni yaya tes.
Kisses: bakit po? Hehe
Marites: sweety sya ang maglalaba ng mga damit mo ?
Kisses: hehehe ikaw nayang po yaya tet heyp nayang po kita.
Mich: hahaha napapagod na si yaya sweety sa kakalaba ng damit mo.
Marc: panay ang bihis mo kasi eh di na kaya ni yaya mo tes. ?
Kisses: kati pa mayumi na yon. Ayaw ni mama ang mayumi magayit tya ta akin pa.
Marc: ah ganun ba haha.?
Mich: marumi na nga kasi! ikaw talaga papa.?
Kisses: hehe ti papa tayaga ma oh mayumi na po yon di ba?
Mich:haha yan tuloy.?
Marc: oo na ako na ! ? sige na kumain na muna tayo.
Ellen: ano ang pangalan mo baby?
Kisses: Kittet po! hehe ?
Ellen: ano daw ate?
Marites: siya daw si kisses?
Ellen: ah ok akala ko kittet .?
Kisses: hindi po ako aying kittet .hehe
Mich: haha ?sige na kumain na muna tayo. Nag umpisa na naman sya oh?
Kisses: opo ma hehe. Ang kuyet ni Papa kati ma. ?
Marc: haha ako pa ang sinisi mo sige na stop talking na sweety ha kakain na tayo.
Kisses: opo Pa! Ikaw yin pa hehe?
Marc: haha ? sasagot pa eh
Mich: kayong dalawa kumain na kayo.
Kisses: hehehe nagayit na ti mama pa oh.
Mich: sweety! ☺
Kisses: opo ma! Kakain na po. Hehe?
Marc: ayan !haha?
Habang kumakain sila sa iisang mesa panay ang tingin ni kisses kay Ellen at nginingitian pa nya ito.
Madaling turuan si Ellen kaya hindi nahirapan si Marites sa kanya at naging malapit si kisses sa kanya kaya ganun nalang ang tuwa nila Marc at Mich.
Marc: ok na ba sya sayo bhe?
Mich: opo bhe mabait naman siya at saka kasundo sya ni kisses.
Marc: buti naman! May makakasama na si ate tes kaya pwede na tayo magdate bhe kahit anong oras ?.
Mich: may ganun??
Marc: oo naman ? matagal na rin kasi hindi kita nadala sa alam mo na ??
Mich: ayan ka na naman!?
Marc: bukas bhe alis tayo magdate naman tayo. ?
Mich: ok sige na nga! Pagbigyan muna kita.?
Marc: yan ganyan!??
Mich: ikaw talaga? mwah ?
Marc: ilove you ?
Wala na silang mahihiling pa dahil Buo at masaya silang magkasama..
................
Makalipas ang ilang araw,
Dahil hindi pa rin tumitigil ang babae sa panggugulo kay sophia napilitan na talaga syang makipagkita kaya tinawagan niya ito
Babae: hello! Anong kailangan mo?
Sophia: gusto kong makipagkita ako sayo .
Babae: ok sige ikaw ang bahala! mabuti naman kung ganun naisipan mo yan.
Sophia: gusto kong matapos na itong panggugulo mo sa akin.
Babae: sige payag ako kailan ba ang gusto mo.
Sophia: bukas pwede ka ba?.
Babae: ok sige.
Binigay sa kanya ni sophia ang exact na lugar kung saan sila magkikita. Kaya kinabukasan umaalis siya at nakipagkita sa babae
Sophia: kaya ko to! Hindi ko na matitiis ang panggugulo mo sa akin na babae ka.
Habang nasa sasakyan sya maraming pumapasok na mga katanungan sa kanyang isipan..
Sophia: paano kaya kung totoo ang sinabi ng babae na may anak sila ni mike? Ano ang gagawin ko? Makakaya ko bang tanggapin ito? ..
Di na nya namalayan na tumulo ang kanyang luha sa sobrang pag iisip.
Pagkalipas ng ilang oras nakarating sya sa lugar kung saan sila magkikita kaya pumunta agad sya sa isang mall at doon maghintay ng oras ng kanilang pagkikita.
Sophia: hindi naman delikado dito kasi mall naman to at maraming tao. Teka lang bakit di pala tumawag si mike sa akin. Hay! Natutulog pa.
Tinawagan nalang nya ang kaibigan upang sabihin ang kanyang ginawa.
Sophia: hello bes!
Jessa: hello! nasaan ka bes?
Sophia: bes, makipagkita na ako sa kanya.
Jessa: ha sa babae? Bakit di mo sinabi sa akin para masamahan kita.
Sophia: wag na bes kaya ko naman eh. Wag kang mag alala sa mall kami magkikita ngayon .
Jessa: ikaw talaga bes! Sabi ko sayo sabihin mo sa akin di ba? Para masamahan kita Puntahan kita dyan ngayon ha.
Sophia: wag na bes ! Malayo dito eh.
Jessa: anong oras ba kayo magkikita?
Sophia: mamaya pa naman bes.
Jessa: ok sige ! Puntahan kita ngayon sige bye na.
Sophia: bes , wag na. !
Naputol agad ang kabilang linya kaya napabuntong hininga nalang siya.
Pumasok siya sa loob ng isang restaurant Nang may nakita syang pamilyar sa kanya kaya napatitig sya sa mesang inuupuan ng isang lalaki.
Sophia: teka lang parang si mike yan ah!?
Nagtago sya para di sya makita nito.
Sophia: bakit sya nandito?? anong ginagawa nya dito?
Pumasok sya sa cr ng restaurant at tinawagan si mike.
Mike: hello?
Sophia: hello nasaan ka?
Mike: ah may inaayos lang ako. Mamaya sunduin kita ha.
Sophia: nasa bahay ka ba?
Mike: ah.. wala nasa labas ako
Sophia:saan nga!
Mike: basta nasa labas. May kailangan ka ba?
Parang di makapagsalita si sophia sa sinagot ni mike sa kanya
Sophia: pupuntahan kita dyan ha wala pa naman akong pasok.
Mike: ah wag na ate kasi maya maya aalis na rin ako. Sige na bye na.
Sophia: ok sige.
Mike: bye ate.
Pinutol agad ni mike ang usapan nila kaya napaupo nalang siya sa sobrang inis. Kaya napatingin ang kasama nyang babae sa cr.
Babae: miss ok kalang ? ?
Sophia: ah ok lang po. Sorry po.
Babae: masama yata pakiramdam mo gusto mo bang dalhin kita sa hospital?
Sophia: thank you miss pero ok lang ako hehe.
Tumayo siya dahil nakatingin na rin sa kanya ang ibang pumapasok. Inayos nya nalang ang kanyang sarili.
Sophia: may tinatago ka ba mike sa akin? Omg! Wala naman sana! ? ( sa isip nya)
Lumabas siya ng cr at umupo malapit sa inuupuan ni mike ngunit hindi sya nakita nito dahil nakatalikod at abala sa cp nito
Maya maya narinig nyang may kausap si mike sa cp. Tumayo ito at lumabas ng restaurant kaya yumuko siya para di sya mapansin nito .
Sophia: saan kaya sya pupunta?
Sinundan nya si mike ngunit medyo malayo siya at dahil maraming tao sa mall hindi na nya ito nasundan.
Sophia: anong ginagawa nya dito? At bakit di nya sinabi sa akin na pupunta sya dito?
Hindi na alam ni sophia ang kanyang gagawin kaya bumalik sya doon sa restaurant at doon naghintay sa tawag ng babae.
Habang kumakain sya nagtext ang babae sa kanya.
Text Message:
" Nandito na ako sa Japanese restaurant sa 2nd floor pumunta ka na dito"
Biglang kinabahan si Sophia ngunit kailangan nyang tibayan ang kanyang loob . Tumayo sya at lumabas ng restaurant upang puntahan ang babae .
Sophia: kaya ko to! At kakayanin ko! Hay! GOD ikaw na ang bahala sa akin.
Pumunta sya sa Japanese restaurant at hinanap ang babae ngunit bigla syang napahinto ng makita si Mike na nandoon at may kahalikan. Halos madurog ang puso ni Sophia sa nakikita. Kaya di sya nakapapigil nilapitan nya si mike at ang kasama nitong babae.