SIMULA

2426 Words
I've always hated life. Pumikit ako at dinama ang hangin. Nandito ako ngayon sa balcony ni Tita. I don't want to do the dishes yet. Kakatapos lang ng exam at puro bagsak ang scores 'ko. Tinignan 'ko ang papel. Puro bagsak... Lagot na naman ako kay Tita. Senior high school pa lang ako ngayon, at halatang-halata na wala ng pupuntahan ang buhay 'ko. Talagang totoo ang sinisigaw sa'kin nila Tita. This is very humiliating... Muli 'kong tinignan ang papel at naluha. Natatakot sa pwedeng mangyari sa'kin. Para sa iba, wala lang ito. Bagsak? Tinatawanan nila... Pero ako? Nakakahiya ito. Before I crumpled my paper, someone snatched it away from me. My heart thumped hard when I saw my cousin, Anaiz. She started to roam her eyes at the paper then chuckled. "Is this serious?" She laughed. Napayuko ako at pinaglaruan ang kamay. I pinch my fingertip to calm myself. Humakbang ito papalapit sa'kin, tumatawa pa rin. She is laughing in disbelief. Patuloy lang ito sa paglalakad habang ako ay umatras lang. "You didn't even pass! Kahit passing score na lang sana, Iris!" She chuckled in disbelief. "M-Marami kasing ginagawa..." Yumuko ako at umiwas sa hawak niya. "Reasons!" She hit my head with the papers, "I'm sure mother won't like this. Pinag-aaral ka namin tapos ganito?" She asked in disbelief and hit me with the test papers. "S-Sorry..." Ang dami kasing pinapagawa... pero tama siya, nagra-rason lang ako. I am just a plain dumb girl. "Hmm." Napaangat ako ng tingin at nakita si Anaiz na nakatitig sa test papers. She is nodding. Then I saw her grinned. Nang mag-angat ito ng tingin ay yumuko ako. Lumapit ito sa'kin at ipinalo ang papel 'ko sa ulo, "Stop being dumb, hindi maganda tignan sa Riveros. Hindi ka ba talaga titigil sa pagbibigay ng kakahiyan sa'min?" "Sorry..." "Sorry? Malapit na ang eleksyon, girl. Ayusin mo ang reputasyon. Or at least, be a good wall flower," she chuckled ridiculously. "Ang alam 'ko matatalino ang nerds, anong nangyari sa'yo?" She shook her head. "Sorry..." "You're not even trying to tell that you will do good next time," she hissed in disbelief. "Pero huwag ka mag-aalala. Hindi 'ko sasabihin ito kay Mommy." Napaangat ako ng tingin dahil sa gulat. Pero nang makasalubong 'ko ang mata nito ay umiwas agad ako. She is smirking. Anong pina-plano niya? "What? Hindi ka ba masaya?" She hissed. I shook my head. Hindi naman sa hindi ako masaya! But she always tell her mother if I did something bad! Pero bakit iba ang nangyari ngayon? May binabalak ba siya? "But you owe me one." I can tell from her tone that she is smirking. "Hindi 'ko sasabihin. You should be thankful! Anong ginagawa mo?" I want to tell her that she don't need to do that. Dahil sasabihin 'ko naman lahat kay Tita. Malalaman naman nito. Kaya't hindi 'ko maiintindihan kung bakit kailangan pa niya itago... "Don't worry, I try to lure away from your scores. But you owe me one." She giggled then started to walked away. "Don't worry... I'll help you. And oh, do the dishes!" Kahit labag sa loob 'ko ang sinabi niya ay tumango na lang ako at hinayaan 'yon. What can I say... Ayoko namang masampal... Sinunod 'ko ang utos nito na maghugas ng plato. Nakita 'ko si Aling Mercedes na naghuhugas. I wore a gloves before helping her out. Nang makita niya ako ay mabilis siyang umalis sa tabi 'ko. "Hello po Aling Merce—" She glared at me before going. Hanggang ngayon ay galit pa 'rin sa'kin ang dati 'kong yaya. Nakakalungkot, pero kailangang tanggapin... Napayuko naman ako at hinugasan ang naiwan niya. I feel so lonely in this house. Dati ay marangya ang buhay 'ko. Everybody likes me back then. Kahit wala akong ginagawa ay magaling agad ako. Dahil anak ako ng isang gobernador. Aling Mercedes, hates me because they lost their land because of my Papa. Basically, I am a daughter of a bad politician. Pero hindi ganon... Hindi lang nalinis ang pangalan niya. Ang alam lang ng lahat, nag-suicide sila because they are guilty... Ilang beses 'kong sinabi, pero walang naniwala. Pumunta ako sa labas para pumasok sa kwarto. Nakahiwalay ang kwarto 'ko sa mansyon. They didn't even bother to give me a room. Nandito lang ako sa storage room nila. Binigyan ng sapin at unan. This is better than nothing... Tinignan 'ko ang mga medalyon 'ko dati from elementary to high school. Dati naman akong magaling, pero anong nangyari? Napahagugol ako dahil sa sakit na nararamdaman. I looked at my parents picture. Kung hindi 'ko lang sana... sinabi ka Mama at Papa iyon, siguro ay buhay pa din sila. They defended themselves from the wrong accusations. Hindi iyong namatay na lang sila ng hindi nalalaman ng lahat... ang totoo. Kung hindi 'ko lang sana sinabi ang nakita 'ko sa batang iyon, hindi sila pupunta doon para iligtas. Hindi na sana ako naging makulit pa tungkol doon... I should've behave and did nothing about it. Tinignan 'ko ang sariling mata mula sa salamin. Bakit hindi 'ko makita ang sariling hinaharap? It was a very sunny day back then. I am wearing a white dress and ice cream. We are passing in a cross road when I bumped into someone. Sagit kaming nagkatitigan at nagdikit ang balat. Pero sapat na iyon para makita 'ko ang hinaharap niya. It was a boy. The boy's eyes were swelling. Galing ito sa pag-iyak. Tahimik ito pero halatang mabigat ang nararamdaman niya. Nabitawan 'ko ang kinakain at nagsimulang umiyak. Mama and Papa started to panic. Pati ang tao sa paligid ay natigilan dahil umiiyak ang anak ng Gobernador. "Iris, what is it?" Tinignan ako ng aking ama. "That boy..." "Boy? Sino?" "That boy is going to die..." I muttered. Nagkatinginan ang magulang 'ko at binuhat ako papuntang sasakyan. Umiling naman ako at kinulit sila patungkol doon. "Romero, huwag mong sundin ang anak mo. Bata pa lang siya! Hindi niya alam ang sinasabi niya—" Hindi na bago sa magulang 'ko na magsabi ng ganon. Pag nakikita 'ko ang hinaharap, sinasabi 'ko agad sa magulang 'ko iyon. Hindi sila naniniwala. Pero inaabangan nila lahat ng sinabi 'ko... at tama ang sinabi 'ko. "Althea, alam mong may kakaiba sa anak natin!" My father started to drive the car. "Anong gagawin mo? Hahanapin natin!? Paano!?" "The boy Mama!" I shouted in anger. Why are they fighting? They should save the poor child! "Is swimming in his own blood!" "Agatha Isla!" Tawag sa'kin ni Mama. Tinignan ako nito, "You should stop talking about it.." "Althea, alam mong tama ang sinasabi ng anak mo! Her predictions to people is always accurate—" "Are you telling me to risk our life?! Hindi tayo sigurado—" "Anak, saan mo siya nakita? Nakikita mo ba yung lugar?" My father asked me. "Romero!" See... My father is a good man. Hindi siya gaya ng iba na sinasabi sa'kin ng mga tao! "It's in a tower... A very tall shiny tower." Iyon lang ang sinabi 'ko. "Tower..?" My father sighed then, "Are they going to kill a child in my tower!?" Napatakip si Mama ng bibig at umiling, "Hindi pwede iyon. We should call a cops, honey—" "At anong sasabihin natin sakanila? Na nakita natin ang hinaharap kaya nalaman natin? We should confirm it first—" "Romero! Ano bang sinasabi mo? We can't risk—" "This is a good publicity—" Akmang baba na ito pero hinawakan siya ni Mama. We are running out of time! "Romero! Publicity!?" My mother hissed. "Alam mong pumapangit na ang tingin nila sa'kin." Iling pa niya, "Someone even showed up as a witness that I am molesting a minor! Hindi 'ko alam kung bakit ganon—" "Then we should focus on that! Alam mong hindi iyon totoo—" "Baka makita 'ko dito ang naninira sa'kin. Althea... Just trust me." "May baril, Romero!" Tumango ako sa magulang 'ko, "I heard a gunshot." I am seven. And I know a lot of things about politics. Gusto 'ko maging katulad ng aking ama. Respetado at hinahangaan ang lahat. Ngunit meron talagang naiinggit at gusto kaming hilahin pababa... "I have one too." Sabi ng aking ama. "Romero!" My mother started to cry when he stopped the car in front of the tower. "Delikado ito, Romero! I am not feeling good about this!" I started to feel uncomfortable at inunahan 'ko na silang bumaba ng sasakyan. That child... "Agatha!" Tawag sa'kin ng ina 'ko mula sa labas. Mabilis naman akong nagtago sa gilid ng container. Alam 'ko, nandito lang ang batang iyon 'eh... Tinakpan 'ko ang bibig 'ko ng may dumaan sa harapan. "May tao daw sa baba..." "Barilin niyo." Namutla ako.... Nasaan na iyong bata? Nandito lang iyon. Sinubukan 'kong tumayo, pero nakarinig ako ng malakas na putok ng baril. Napaupo ako at tinakpan ang tenga. Did the boy died? Sabi ni Papa pag nakarinig ng baril, huwag lumabas at magtago lang. Hahanapin nila ako. Sana ay naligtas nila ang bata. I am a fool for praying for other's safety. Hindi 'ko naisip ang sariling pamilya. Napanganga ako ng makita ang dalawang bangkay. They are swimming in their own blood instead of the boy. Napanganga ako at umiling. I started crying and ran through their bodies. Madaling araw na.. "Mama... Papa... Bakit hindi kayo dumating? Akala 'ko ba ay hahanapin niyo ako..." Napabalikwas ako dahil sa isang bangungot. Napahilamos ako ng mukha at niyakap ang tuhod. Dahil sa mata na ito... Ito ang may kasalanan ng lahat. Kasalanan 'ko lahat. Dahil sa desperasyon sa tuwing nakakita ako ng hinaharap ng iba.. I just lost my parents because of a petty reason. I just really wanted to save that boy's life. Pero sa tingin 'ko ay wala akong napala. I just killed my parents... dahil sa'kin. Sa bata 'ko lang nakita ang kahindik-hindik na pangyayari, kaya't hindi 'ko alam.. I feel like I am responsible for saving his life. Pero wala akong napala. Namatay din ang parents 'ko dahil sa nangyari. Nang makasuot ng uniform ay tinignan 'ko ulit ang sarili 'ko sa salamin. Another school day, another hell life. Papasok ako ng university at dumaan ako sa pinaka-gilid. Everything is doing well not until I reached our classroom. Inilugay 'ko ang sarili at tinakpan ang mukha. I will avoid everyone's gaze. But everyone is just making my life harder... "Ano na namang drama 'yan?" May humawak sa buhok 'ko at hinila iyon para tignan ang mukha 'ko. I flinched and closed my eyes. Narinig 'ko naman ang tawanan ng mga kaklase 'ko. "What's wrong with you, Iris? Joke ka ba?" Hinila nito ang buhok 'ko, "Ano ba ang problema mo, ha? Bakit ka pumipikit!? Do I look awful?" She hissed. Napasighap ako, "H-Hindi naman g-ganon..." I just want to avoid her eyes... I don't want to see anyone's future... Not her. "Then what? Buklatin mo 'yang mata mo!" Sigaw nito sa'kin at hinila ang buhok 'ko. Umiling ako sakanya ng ilang beses. I figured out how I am seeing everyone's future. It's by looking them straight in eyes and a physical contact. I should always close my eyes... Tinulak ako nito papa-upo at natawa ng pagalit. "Ano bang problema ng weirdo na 'to." Sinipa ulit nito ang upuan 'ko Napapikit naman ako sa ginawa niya. "Maarte ka, ha?" She spat. Iminulat 'ko ang mata at tinignan ang table 'ko. "Ang arte mo, galing ka naman sa dugo ng mamamatay tao." Nagtawanan ang mga tao. Hindi totoo ang sinasabi nila. Hindi mamatay tao ang magulang 'ko. "H-Hindi..." "Anong hindi? You weirdo!" She kicked my chair again before going. I held my tears and turned my fist into ball. Hindi mamatay tao ang magulang 'ko. Sila ang namatay noong nagligtas ng ibang tao. I was writing down notes while the teacher is talking. Nakatingin lang ako ng diretso sa pisara at minsan ay tinitignan ang teachers. Hindi 'ko lang talaga kaya na tumingin sa mata ng tao ng diretso. I am afraid. Bitbit 'ko ang baunan at pumunta sa isang likod ng puno sa field. I just enjoyed eating lunch here. Wala naman akong pera para bumili ng pagkain, so this is why I eat and stay here. Wala ding pumapansin sa'kin. Pag sa canteen ako kumakain, gulo ang kinakalabasan. Itinali 'ko ang aking buhok. I don't really like my hair in my face. Pero nakakatulong iyon sa pag-iwas sa tingin ng mga tao. The world is just too rude for me since my mother and father died. Akala nila ay nag-suicide ang mga ito dahil may baril sa kamay ng tatay 'ko. After that, maraming lumabas na issue patungkol sa tatay 'ko. Pagkatapos noon ay... suicide ang kinalabasan... No matter how I told them that it's not like that... Hanggang sa libing ng ama 'ko, puro kasamaan ang kumakalat sakanya. Hanggang ngayon, hindi 'ko pa rin masabi ang totoong dahilan. What am I going to tell the police? Na nakita 'ko ang hinaharap na may mamamatay na bata at kailangan namin iligtas? I don't know where to start the story! "Oy, Iris..." May kumalabit sa'kin. Nilingon 'ko naman ito pero nakayuko pa 'rin. "B-Bakit?" "Pumasok ka sa classroom." Aniya at tinulak ako. Saktong pagkatulak sa'kin ay may bumuhos sa'king katawan. "That's what you get for feeling good?! Paiwas-iwas ka pa ng tingin? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na tumingin ng diretso—" "A-Ano bang ginawa 'k-ko sainyo." Sinubukan 'kong punasan ang ibinuhos nila sa'kin pero hindi iyon matanggal. "Ay. Paano ka pala tuturuan? Eh mamatay tao pala ang magulang mo—" "Hindi sila mamamatay tao!" I scold at her. Natigilan naman ang lahat. Maski ako ay natigilan din sa ginawa. "Anong nangyayari dito?!" I sighed in relief. Si... Dalton... "D-Dalton!" Minzy stuttered then glared at me. "T-This is not—" "Ilang beses 'ko ba sasabihin sainyong lahat na itigil niyo na ang pangbu-bully!" His voice thundered all over the room. "Hindi ba talaga kayo nakikinig?!" Pinaglaruan 'ko ang aking kamay. Si Dalton na naman ang nagligtas sa'kin mula sa gulo. "Stop making fun of a person, this is a prestigious university. Hindi maganda ang ugaling pinapakita niyo. I should report—" "Dalton!" "Let's go, Iris." Hinila nito ang kamay 'ko. My heart thump in relief. I always hated life, but everytime Dalton saves me... I always see hope.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD