KABANATA 1

2374 Words
Naniniwala akong sa madilim na lugar, mayroong liwanag na darating. I have always hated my life for being picked and bullied. Pero sa tuwing dumadating si Dalton, nakakalimutan 'ko na masaklap ang buhay. "Do you have extra?" He asked me, probably he's referring about the uniform. "Opo." Dalton is a good man. Iyon lang ang masasabi 'ko. He's always there whenever I am having a hard time. Hindi 'ko alam kung nakikita niya ang paghihirap 'ko, pero laging sakto ang pagdating nito. Sinipat 'ko ng tingin si Dalton. Nakakunot ang noo nito habang tinitignan ang daan. He's leading the way and hiding me to his back. "President—" "Shut up... Mamaya na," he hissed. Obviously badtrip siya. Hindi 'ko maiwasang mamula at mag-isip minsan ng malisya dahil sa pagtulong nito. Siya lang ang taong tumutulong sa'kin sa loob ng campus na 'to. Everyone loathe me because I am the daughter of a corrupt, pathetic, and cruel politician. Kung hindi galit sa'kin ang tao, wala naman silang pakialam. "Where's your locker?" "A-Ah... Nandito lang. Okay na," tanggi 'ko. Mukhang sasamahan pa ako nito. "Okay na? You're not okay. Binuhusan ka ng itlog, Miss Iris." Namula ako at pinaglaruan ang kamay. Kinakalma ang sarili. He just called me Miss Iris... Sa tuwing ginagawa niya 'yon, isa lang ang ibig sabihin noon. Naiinis siya. "A-Ah... Baka may gagawin ka pa kasi," I refused again. Being with Dalton is so good. Sa tuwing alam 'ko na may nagliligtas sa'kin sa oras na hindi 'ko alam kung anong mararamdaman... Dalton was always there to save me. "I have lots of time, Iris. If that's bothering you..." He's lying. Alam 'kong kaunti lang ang oras nito. He's the president of University Student Council. Kaya't alam 'ko na lagi siyang busy. I am always thankful because he's always there to pull me out away from bad people. "Tara na," hinila nito ang braso 'ko at tinignan. Umiwas naman ako ng titig! That was close! Nakakalimutan 'ko ding umiwas ng titig kay Dalton! My heart thump loud because of it. Hindi 'ko pwedeng makasalubong ang mata ng kahit sino. I don't want to interfere and stop the future. Because just like before, there is a collateral damage. Wala ng tao sa hallway, kaunti na lang. Pero hindi sila tumititig sa'kin gaya ng dati na parang nilalait ako—well pag kasama 'ko si Dalton ay parang natatakot din sila sa'kin. "I-Ito na 'yong locker..." He stopped from walking then looked at me. Umiwas ulit ako ng titig at pinagtuunan ng pansin ang locker. Tahimik 'kong kinuha ang damit at itinaas niya iyon. I am sweating bullets because I can feel his stares at my back. "Ito na..." "Good... Let's go," Aniya. Tumango ako at sumunod sakanya. I wanted to befriend Dalton. Minsan ay iniisip 'ko na ayain ito... But it will look weird... and obviously people will think that I like a college sophomore. Of course, being with Dalton is not free. I also get bullied because of it. Pero wala na iyon, okay lang dahil sanay na. "Get yourself done... May shower dito sa building," he explained. Nagtaka naman ako at tinignan ang comfort room ng babae. Woah. May shower dito? "Okay. Thank you," I smiled at him before entering. While cleaning myself, hindi 'ko maiwasang maluha dahil kailangan 'ko pa maranasan ang lahat ng 'to. I always have extra uniform in my locker because I know this day would come. School is a horrific place for me. But I like seeing Dalton here... Siya lang ang pinakamagandang nangyari sa buhay eskwelahan 'ko. I am not expecting that Dalton will be there after I get clean and change. Pero napahinto ako ng makita pa 'rin siya. Nagkatinginan kami ni Dalton. Kumalabog ang puso 'ko sa kaba. Pero ng maalala na hindi niya ako hawak ay... kumalma ako ng konti. Mabuti na lang... "Namumutla ka. May nangyari ba sa loob?" He asked me. His face is looking furious, "May tao ba—" "N-No!" Awat 'ko sakanya. Yumuko ako at umiling, "S-Salamat sa p-pagdating.. ulit." I smiled a little. "Ihahatid na kita. Your classmates needs some yelling—" Umiling ako dito, "Hindi... H-Huwag." "Takot ka ba sakanila?" Halatang naiinis na ang tono nito, "That's unfair for you, Iris. Hindi mo dapat hinahayaan na—" "Pero pag lumalaban ako... mas lumalala." I slightly smiled then looked at the floor. "Mahirap ang sinasabi mo'ng lumaban." Siguro ay mahina na ang tingin sa'kin nito. Nakakahiya tuloy... Pero sa tuwing pumapalag ako, mas masakit ang balik sa'kin. Pero pag hinahayaan 'ko lang, tumitigil naman sila. Kaya't mas magandang hayaan sila... Tumitigil din naman ang pananakit nila. Kahit saglit. "Iris," he sighed. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi 'ko. "Hindi mo dapat hinahayaan na saktan ka ng kahit sino." "At bakit naman ganon, Mr. President?" Napaigtad ako ng marinig ang boses ni Anaiz. "Anaiz..." Si Dalton. "You are not answering your phone. Kasama mo lang pala ang pinsan 'ko." "Yeah." Tumango ito. "Ano na namang gulo ang pinasok nito?" Tanong ni Anaiz. I heard Dalton sighed. Just like Dalton, Anaiz is also part of University Student Council. At siya ang vice president. "M-Mauuna na ako..." Paalam 'ko sakanilang dalawa. Pero bago pa makaalis ay tinawag ako ni Dalton. "Ihahatid na kita." Napahinto ako at natuliro. I am sure Anaiz won't like this. Umiling ako ng ilang beses. Anaiz sighed in annoyance, "Dalton, malaki na yang si Iris! They need you in the office!" I can feel his stares on me. Halatang ayaw sumunod kay Anaiz. "Fine!" Anaiz spat. "I'll go with Iris, Dalton. Just go there!" "K-Kaya 'ko naman... mag-isa..." I told them. I don't want to go with Anaiz... "Come on." Inakbayan ako ni Anaiz at tinulak, "You don't really like me coz?" She faked a crying sound. "No... I-It's not that—" "Dalton, just go." Ulit pa ni Anaiz. Samantalang ako ay hinila nito palayo. Mas lalo lang ako kinabahan dahil kasama 'ko si Anaiz. "You think Dalton likes you?" She whispered on me. She viciously giggled in my ears. Gaya nga ng sabi 'ko, getting saved by someone I guess will be never be free for me. Having some little light in my life is not free. "He's only doing those things because he is the president of the university. Don't get your hopes up, cousin." She chuckled. Napayuko ako. Anaiz, is the worst bully... among them all. "Get your hopes down girl. Alam 'kong tumataas 'yan." Lumayo ito sa'kin at tumawa, "Well, hindi kita masisisi. Do you like Dalton?" Umiling ako. Tama siya, hindi dapat ako umasa dahil mabait na tao lang si Dalton. "That's good. Hindi pumapatol si Dalton sa lahi ng mamamatay tao..." I clenched my fist. Hindi mamamatay tao ang magulang 'ko. They are all wrong. "H-Hindi totoo 'yan." She giggled then pat my back, "Okay lang 'yan, Iris. I should go now. Dalton and I have business." Napayuko ako. They have business huh... "Stop being delusional, Iris." I can feel her smiling, "Nakakadiri ang dugo na dumadaloy sa'yo." That's not true. Before my mother and father proved their innocence... They died because of me. "Hoy! Bagong ligo!" Tawa ng mga kaklase 'ko pagkarating. "Ayie. Dumating na naman ang savior niya." They pull my hair while teasing me. "Stop it..." umiwas ako, nagtawanan lang sila at hinayaan ako. Pati ang teacher namin ay parang bulag at bingi lang sa ginagawa 'ko. I guess everyone hated me that much... Hindi corrupt ang tatay 'ko. Hindi siya mamamatay tao. He is just wrongfully accused. Hindi nagpakamatay ang tatay 'ko. Ang dami 'kong gusto sabihin sa iba. Sakanila. But they will just ask for more. At ang kasunod ng eksplanasyon ay kakaiba na. I can't tell them that I saw the future, and that trigger what happened to my parents. They didn't commit suicide.. Wala silang kasalanan. "Hoy ayan na yung anak ng mamatay tao!" Iyan lagi ang naririnig 'ko sa campus. Sa nakakakilala sa'kin. Kahit sino, iyan ang tawag sa'kin. Dalton is just the person who called me by my name. Ang nag-iisang taong hindi ako tinignan ng kakaiba. Ang taong hindi ako tinurin na iba sa lahat. I am just Iris for him. Nakauwi na ako at muling nag-aral sa hapon. Gamit ng araw sa labas ay nagbasa ako ng kaunti. Inuutusan ako in between while reading. "Senador!" Nanlaki ang mata 'ko. Umuwi si Tito? Sinilip 'ko ito at nakita siyang tumatango. Ngumingiti. "Senyor!" "Papa!" Napangiti ako. Kaya't nandito ako sa bahay, ay dahil sakanya. Pag wala siya ay nasa hardin ako natutulog. Pero pag nandito siya—sa kwarto niya ako pinapatuloy! Tinuturin din ako ng lahat na parang tao dito, so I am happy he get back! "Anaiz!" Niyakap niya ang anak, "Nasaan si Iris?" "Tulog." Sagot agad nito. "Dad, bakit ko ba hinahanap ang sampid—" "Anaiz, that's bad..." Sumeryoso ang mukha nito.. "Yeah. Fine. Whatever." Niyakap niya ang ama. "Why are you so serious? I am just joking," She laughed. "That's not a good joke." Napangiti ako. Bumalik na si Tito, after a year! "Nasaan si Rosario?" "Ew, Dad! Don't call mommy's name like that!" Ngiwi ni Anaiz. Umiling ako at pumunta sa storage room. Kung nasaan ang kwarto 'ko. Nagsimula na akong mag-ayos. "Iris," Napalingon ako sa tumawag sa'kin. "Tara na at nandito na si Senyor." Pumasok ako sa harap ng mansyon at pumunta sa kwarto 'ko. I sighed when my back meet the soft bed. Napapikit ako at hindi namalayang nakatulog. It's been a long time since... I experience this nice bed. Nagising ako ng gabi na. Ginising ako ng isa sa mga kasambahay. Binati agad ako ni Tito. Si Anaiz naman ay ngumingiti din at sumasakay sa sinasabi nito. Tito told me I had a gift. Nakakatuwa ang araw na 'to. It's not bad. Anaiz didn't pick on me today because she miss her Dad. Habang ako naman ay natutuwa dahil mahahawakan 'ko na ulit ang mga gadgets na binibigay sa'kin ni Tito. Hindi kasi pinapagamit sa'kin... Masisira 'ko daw. I opened my f******k once again. Ang daming notifications at puro issue lang 'yon sa'kin noong nakaraang buwan pa. Mga panlalait. Napahinto ako ng may makitang video. The guy just throw his shoes in a teacher. Napaupo ako at tinignan ang mukha ng lalaki. Woah, he's fearless. I wish, I was just like that. Nagulat ako ng inawat pa ng estudyante ang teacher. Woah, who is this student? Nanlaki ang mata 'ko ng makita na uniform ng university namin ito. College! A college student! Titignan 'ko pa sana ang comments pero naging unavailable na agad ang video. Napaayos ako ng upo ng pumasok si Tito! "Tito!" I smiled. "Iris!" He hugged me, "Kamusta ka na, anak? You look thinner. Mas pumuti ka. Ano bang—" "Okay lang ako, Tito!" I smiled to him. Tumango-tango ito, "I am glad..." Nag-usap pa kami nito saglit tapos ay naputol lang ng pumasok si Anaiz. Masama ang tingin nito sa'kin. "Fine. I'll go," si Tito na napipilitan umalis. "I'll stay with her." Tukoy sa'kin ni Anaiz. Tumango si Tito. "I guess you two grow together! Okay, I'll leave you!" What? Stay? Nang makaalis si Tito ay umiling si Anaiz. "Grow together?" She snorted. Hindi na ako nakapagsalita pa at pumasok talaga si Anaiz sa kwarto 'ko at tumabi sa'kin. Inagaw nito ang telepono 'ko at ini-scroll ang f******k 'ko. Kinabahan naman ako... I didn't log my account. "Oh?" Ngumisi ito at tinignan ako. She laughed then shook her head while looking at the phone. "Ano 'yon?" "Si Dalton." She grinned. Tinuro niya ang friend request ni Dalton. My eyes widened. He added me eleven weeks ago?! Nakakahiya. Hindi 'ko napansin! Nagulat ako ng pindutin ni Anaiz ang delete request. "You bitch... Getting your hopes up, huh?" She smiled at me. Napayuko ako. Hindi naman sa ganon.. I only have three requests at kasama na doon si Dalton... Nakakagulat lang na in-add niya ako. Humiga ito sa kama, "Don't be so pathetic like your father. Huwag ka naman magpa-kawawa masyado. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?" Napayuko ako. What is she talking about... "I mean, your getting someones attention by getting bullied!" Napalingon ako sakanya. That's not true. Anaiz knows that I am not trying to get myself bullied. Everyone just hated me. "Bakit hindi ka kasi matuto tumayo ng tuwid at tumingin ng diretso?" She shook her head. "Lalo mo lang pinapaniwala ang lahat na you are guilty for your father's doing." Pinaglaruan 'ko ang kamay. Pinapakalma ang sarili. Walang ginawang masama ang tatay 'ko... It's just my eyes... that is bad. Iyon ang mali. Ang mga mata 'ko. "So stop it, Iris. Huwag ka ring sumipsip sa tatay 'ko." He casually said then scroll to my phone. "Oh?" I am not... Bakit ba ako inaakusahan... ng hindi naman ako? Na hindi naman totoong nangyari? How can I tell it all... Pakiramdam 'ko ay walang makikinig. Walang maniniwala. "Oh. Alejandro is doing it again!" Nilingon 'ko ito. Alejandro? Bigla itong bumangon... Halatang badtrip habang nakatingin sa phone. "The nerve!" Tili nito sa telepono. "A-Anong nangyari..?" "This b***h needs to learn some lesson." Napayuko ako. Galit na naman siya sa kung sino. "Oh... Lesson.." She sounded like she already figured it out. Hinawakan ako nito Napapikit naman ako. Ano na namang gagawin niya? Bakit kailangang hawakan ako? "Ikaw... Tama." Ngisi niya. "Hey, Iris. Remember that I didn't tell mother about your awful scores?" Napatango ako. "You owe me for that one!" Nilingon 'ko ito. Pero mabilis akong pumikit. Saglit na may pumasok na imahe sa mukha 'ko Anaiz is crying hard. Iyon ang nakita 'ko. "b***h. Don't close your eyes like that!" Tinampal ako nito ng mahina sa mukha, "You owe me one. Ngayon, may ipapagawa ako." Ngisi niya. I don't feel good about that... "A-Ayoko..." Napahamak ako sa huling pinagawa nito. Na-guidance ako dahil kinuha 'ko ang test paper ng kaklase niya last year. Inakusahan akong nangongopya.. "No. Iris. Don't be like this. Huwag mo namang patunayan na mana ka sa tatay mo." She smirked at me, trying to get an eye contact. "Huh, Iris? Help me, okay?" Niyugyog nito ang balikat 'ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD