"HUSBANDS and wives do kiss, Jas. No need to panic, babe. It's normal, parang paghinga lang ng tao na—" "Daniel!" tili ni Jasmin na nagpatigil sa pagsasalita ng kaibigan. Tawa ito nang tawa sa kabilang linya. Sa inis ay tinapos niya ang tawag. Naghahanap siya ng kaibigang mapagsasabihan ng magulo niyang pakiramdam, pero hayun ang magaling na abogado, pinagtawanan pa siya! Nag-ring ang cell phone niya. Si Daniel ang tumatawag. Dinampot niya ang gadget at sinagot ang tawag. "Okay," sabi agad ni Daniel. "Ano'ng problema natin sa kissing scene n'yo? Balak mong magsampa ng kaso?" "Dan, naman, eh!" Pikon na talaga siya. "What about the kiss?" Hindi na ito tumatawa, seryoso na ang tono. "Bothered ka kaya mo ako tinawagan? Go ahead, babe, talk. I'm listening." "Don't call me babe," asik ni J

