MAHABANG sandaling sinakop sina Jasmin at Gareth ng katahimikan. Magkatabi silang nakaupo sa sahig, nakasandal sa dingding. Halos dalawang hakbang lang mula sa puwesto nila ay nagkalat na mga gamit sa sahig—mga gamit na tinabig lahat ni Gareth mula sa mesa--ang ingay na narinig ni Jasmin kanina. Kasama sa mga bagay na nabasag ang photo frame ng mag-amang Gaelle at Gareth. Nabasag ang salamin pero ang litrato ay mahigpit na hawak ni Gareth sa isang kamay. Mahabang sandali ang lumipas bago tuluyang napayapa si Gareth at marahang lumayo kay Jasmin pagkatapos ng mahinang pagsasabi ng, "I'm sorry." Iniwasan nito ang mga mata niya. Sa anyo ay nahihiya sa sarili. "Idinamay pa kita sa miserable kong pakiramdam, Jas." Naluha nga si Jasmin kanina, hindi niya napigilan. Kung naawa siya o nasasaktan

