ISANG linggo pa ang lumipas na tuliro si Jasmin. Hindi na muna siya umuwi sa bahay ni Gareth at hindi rin naman nito ipinilit iyon. Sa opisina na lang sila nagkikita pero tahimik na tahimik si Gareth. Ang mga kasama niya ay nakakahalata na sa kawalan niya ng sigla. Naninibago ang mga ito na parang wala siyang buhay lagi. Ngiti lang ang sagot niya sa pag-uusisa ng mga katrabaho. Kung may nakapagpatawa man sa kanya nang linggong iyon ay ang tawag ni Daniel—pinuntahan pala ito ni Gareth at nag-sorry daw ang asawa niya. Hindi nagkuwento ng detalye si Daniel pero ipinakita raw nito ang video nila para pagselosin si Gareth. Napailing na lang si Jasmin. Ang dami talagang kalokohan ni Daniel. Wala naman siyang kakaibang napansin sa boss-husband niya, hindi pa rin siya nito kinakausap. Alas-singk

