Hindi alam ni Ivy kung bakit panay ang suka niya. Kanina pa siya nagsusuka. Narinig niya ang katok at boses ni Beth. "Best, okay lang?" Mabilis siyang nagmumog at naghilamos ng mukha. Pagkatapos ay lumabas siya sa comfort room. "My God! You look pale, Ivy!" bulalas nito. Hindi niya ito pinansin at dumeretso siya sa office, kinuha niya ang panyo at ipinunas sa mukha. Nakasunod naman ito sa kanya. "Ivy, ang bilis din bumagsak ng katawan mo. Ang payat mo na." Nag-aalalang usal nito. "Pagod lang siguro ako, Beth." Nanghihina siyang umupo sa swivel chair. "Baka buntis ka!" Napasinghap ito. Mapakla naman siyang tumawa. "Sana nga buntis na lang ako baka sakaling hindi na magloko si Charles. But unfortunately, katatapos lang ng menstruation ko kahapon." "Best, buntis ka man o hindi, ma

