"Ang kapal talaga ng mukha mo!" asik niya. Malakas niya itong sinampal sa magkabilaang pisngi. "Stop it!" malakas na sigaw ni Chantal. Sinubukan nitong iharang ang dalawang braso para harangin ang mga sampal niya pero hindi ito umubra sa kanya. Sumisigaw ito at nanghihingi ng tulong kay Charles. Hindi niya napigilan kaya sinakal na niya ito. Naglulupasay ito dahil nahihirapang huminga hanggang sa maramdaman niyang may umawat sa kanya. Hinila siya ni Charles palayo rito. Inilayo siya nito kay Chantal. Nagpupumiglas naman siya. Nanggigigil siya rito at gusto niyang sakalin nang paulit-ulit. "Ivy, stop it!" turan ni Charles. "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako, Charles! Nakakadiri ka! Hayup ka! Animal ka!" singhal niya rito sa umiiyak na boses. Mas lalong humigpit ang pagkapulupot nito s

