Nagkamalay si Ivy pero nahihirapan siyang idilat ang mga mata niya. May naririnig siyang ingay sa paligid. Hindi niya rin maigalaw ang buong katawan niya tila namandhid na. Pakiramdam niya ay tulog siya pero gising ang diwa niya. "Check her eyes," narinig niya ang baritonong boses ng isang lalaki, naramdaman niya pa ang masuyong paghawak nito sa kamay niya pataas sa palapulsuhan niya. "Her pulse is normal, can you check her blood pressure?" Idinilat ang mga mata niya at may kaunting ilaw siyang naaninag na para bang sinusuri ang paningin niya, hindi niya alam kung ano iyon. Her vision is still blurry. Napapikit siya nang mariin. Hindi rin siya maka-response ng maayos. May naramdaman pa siyang may idinikit sa dibdib niya na malamig na bagay na tila ba pinapakinggan ang heartbeat niya. Sh

