_Flashback_ "Oppss!" bulalas ni David nang may mabangga siya dahil sa kamamadali niya. "Sorry, miss." Yumuko siya para tulungan itong pulutin ang mga nagkalat na papel at libro. Pero napahinto rin nang mapatitig siya sa babaeng nabangga niya. Morena beauty ito at malakas ang dating, kakaiba ang pagiging inosente nito. Tumayo siya nang tumayo na rin ito saka iniabot niya rito ang mga napulot na papel. Hindi naman ito tumitingin sa kanya at nakasimangot lang, tingin niya ay galit. "Pasensya ka na," aniya. "Okay lang." Mabilis nitong sagot. Humakbang na ito paalis pero humarang siya sa harapan dahilan para mapatingin ito sa kanya. He smiled at her sweetly. "Ako nga pala si David Rodriguez, 3rd year college," pakilala niya rito. Tipid itong ngumiti sa kanya. "Kilala na kita, hindi

