_Present Time_ "My God! Ikaw pala ang nabangga ko? I'm sorry, David." Nahihiyang saad ni Ivy. Kung hindi pa siya nakapag-preno at pati ito ay baka malakas nang nagsalpukan ang kotse nilang dalawa. Hindi niya akalain na isang doctor na ito ngayon, no'ng college sila ay palagi itong nangungulit sa kanya, hindi niya nga lang binibigyang pansin. "Okay lang, I'm glad you hit me. Dahil kung hindi ay baka hindi na tayo nagkita pa." Mariin pa rin itong nakatitig sa mga mata niya. Napayuko siya dahil nailang na naman siya. Nilaro niya ang mga daliri. "I need to call my family, David. Alam kong nag-aalala na sila." Naiiyak na naman siya nang maisip si Charles. Huminga siya nang malalim para ikalma ang sarili. Naramdaman niya ang masuyong paghawak ni David sa kamay niya, napatingin siya rito.

