"Mom, hindi naman ako nawawalan ng respeto sa'yo. Ang sinasabi ko lang na dapat hindi kayo nagpunta sa salon ni Chantal na kasama si Ivy. Eskandalo na naman ang nangyari." Kausap ni Charles sa mommy niya sa kabilang linya ng cellphone. Kanina niya pa ito tinatawagan at ngayon lang siya sinagot. Alam niyang galit ito sa kanya pero hindi naman siya nito matitiis dahil kahit anong gawin nito anak pa rin siya nito. Ilang beses na siya nitong pinagalitan pero binalewala niya lang. Pinagsabihan din siya nito tungkol sa mga bata. Alam niya naman iyon na dapat bigyan niya rin ng atensyon ang mga anak niya pero sa ngayon naka-focus muna siya kay Chantal lalo na at nag-a-adjust pa sila sa isa't isa. "Mommy, ayaw ko nang makipagtalo pa sa inyo. Basta sa susunod huwag na kayong pupunta sa salon ni

