"Good morning! Breakfast is ready." Nakangiting bati ni Ivy sa mga anak. "Good morning, Mom," ani ni Andy, halatang inaantok pa ito dahil humihikab pa. "Good morning, Mommy." Masiglang bati naman ni Chris, saka niyakap siya. "Good morning my little boy, kumain na kayo." Umupo na ang mga ito sa mesa. May hotdog, pancakes, bacon and eggs na nakahain. Sinalinan niya ng orange juice ang baso ng dalawa. "Mommy, hindi pa po ba bumabalik si Daddy?" tanong sa kanya ni Chris. Nagkatitigan silang dalawa ni Andy. Araw-araw na lang hinahanap nito ang ama. Ang palagi niyang rason ay nasa business trip pa ito. "Hayaan mo anak, malapit ng umuwi ang daddy mo." "Miss ko na po kasing kalaro si Daddy, Mommy. I miss him so much." Nakaramdam na naman siya ng kirot sa puso. Kumurapkurap siya para

